Tuesday, November 07, 2006

Ituloy AngSulong Para sa Masa

Minsan ay may nagsabi sa akin na nabibilang daw ako sa burgesya. Isa rin daw akong burgis. Hindi ko matanggap ito. Bakit nga ba? Dahil sabi ko ay nabibilang ako sa masa, sa uring manggagawa; isang kahig isang tuka.

Kaibigan: Pero nakatapos ka ng pag-aaral di ba?
Ako: Oo
Kaibigan: E di hindi ka na masa!
Ako: Bakit, wala bang karapatang makatapos ng pag-aaral ang masa?
Kaibigan: Hindi naman sa ganun. Pero the mere fact na nakapag-aral ka ay angat ka na sa masa, makapag-oopisina ka na. Hindi mo kailangang magtinda sa kalye.
Ako: Nagtinda ako ng fishballs noong estudyante pa ako. Magaling akong gumawa ng sauce!
Kaibigan: Ayaw ko nyan, may pawis mo! Anyway, di ba may access ka sa internet? Di ka na rin masa.
Ako: Wala bang karapatang mag-internet ang masa?
Kaibigan: Nak ng.... Why do you have to resort to that question? Social classes ang pinag-uusapan natin dre!
Ako: WTF are classes anyway?
Kaibigan: Well, dyan nasira si Marx.....
Ako: Masa ako. Nakikinig ng balita at drama sa radyo. Nanunood ng patalastas sa TV. Nagbabasa ng tabloid. Nagbabasa ng komiks. Nakikinig ng novelty songs.....
Kaibigan: Tama na ang litanya...
Ako: Masasapak ako ng misis ko pag di pa ako sumweldo ngayon, he he he.


Para sa Masa: Isa sa pinakamagandang kanta ng Eraserheads. Kung hindi man yung melody ay lyrically, ang pinakamagandang kanta nila. Ituloy angsulong para sa masa! Ituloy!

2 comments:

Anonymous said...

great blog! pati content!exchange links?

Miss F said...

i dont go for the idea na kapag educated ka at may internet hindi ka na "masa"?for me that's unfair discrimination....



siguro may mga activists who think that only the poor and marginalized will fight "the fight", cuz those in the middle and upper classes have nothing to lose and will just protect their class interests, or something.

pero miski na, i think kahit sino namang may empathy and cmpassion for others, susuporta sa social change as long as they believe it's right.

para sa kin yung pagiging masa di nasusukat sa kung ano ang kaya mong ma-afford. kahit mga intellectuals very "masa" if they appreciate pinoy culture na hindi nila tinitingnan na "jologs" or something...

kahit nga hindi ka mayaman pero YOU LOOK DOWN on others who dig april boy regino or you think some Filipinos are barbaric for eating dogs or you judge Filipinos cuz you don't UNDERSTAND the culture, hindi ka rin "masa"...