Friday, September 30, 2005

ang gulo

hindi ko sya maintindihan... ang gulo nyang kausap... ang lahat ng problema, naaayos sa mabuting usapan, pero paano kung magulo syang kausap??? a ewan. bahala na si batman.

"God, please grant me the power to understand the things that i don't understand... amen."

Thursday, September 29, 2005

g2f, side mirror at pana

by next week, nakalipat na kami ng opisina. ngayon, isa-isa ng hinahakot yung mga gamit namin dito, naisetup na nila yung mga divider na inalis nila dito last week. bukas daw, kami na yung lilipat. hassle din yung paglipat namin. kailangan pang magpaprint ng bagong calling cards... dahil iba na yung address. ayaw din siguro ng mga boss ko na may erasures yung mga calling card namin... kasi kung tutuusin, kahit hindi na magpaprint ok na. same building din naman kami, same address, ibang unit lang.. from 27-G, lipat kami sa 27-F. so yung bago naming calling cards, pinalitan lang yung G ng F... hehehe. dahil lang dun, nagpaimprenta sila ng bagong set ng calling cards! anyways, gastos naman nila yun.

medyo bad trip lang ako sa magiging pwesto ko dun sa kabila, kung dati, may sarili akong cubicle with complete privacy, ngayon, ang sama ng pwesto ko!!! mas maliit kasi yung lugar, and since, di pa naman ako totally part of the management, parang saling pusa lang, e nung magkagipitan sa pwesto, hayun, ako pinatalsik! nawalan ako ng sarili kong cubicle na mala-bossing ang dating. hehehe. medyo dadalang yata ang pagboblog ko... wala nang privacy eh. nakaharap kami sa wall, so, yung mga tao sa likod, hindi ko kita samantalang sila, kitang kita ang ginagawa ko! sabagay, sabi nga nila, kung gusto, may paraan.. hahaha! maglalagay ako ng salamin, para kita ko kung sinong lalapit sa likod ko, parang sasakyan, may side mirror. hahaha!

kanina, may kachat akong pana (alam nyo naman kung anong lahi ang tinutukoy ko, kung hindi, clue: ******* pana, kakana-kana! gets???) sa yahoo messenger, client namin. di ko alam kung bading ba, or akala nya, babae ako because of my name. lalaki sya... ganito kasi yung usapan namin...

pana: I am taking my concerned engineer online to you as I am at Delhi and customer is in Mumbai..
ako: ok
pana: Ad*lf is a person who is handling this customer..
pana: he'll be there in 30 minutes
pana: just wait dear..
ako: ok (dear mo mukha mo! hahahaha!)

yun lang.

panaginip interpreter

may naligaw na dream interpreter dito sa blog ko minsang magpost ako ng panaginip ko. siguro, napanaginipan nya na nagpost ako kaya naligaw sya? hahaha! anyways, sabi nya, he'll interpret it, so, nagreply ako sa blog nya, at ito nga, pinansin nya ako! sa iyo don honesto, salamat! galing mong magbasa ah, ganyang ganyan nga ako, promise. andito po yung buong transcript... i just quoted the important ones here.

"...ang pagda-drive ay nagsasabi na ikaw ay may kakayahang magdesisyon at sinisikap mong maging independent sa lahat ng bagay. Ikaw ang may kontrol sa iyong buhay - malaya ka mula sa impluwensiya ng iyong mga magulang, at iyan ang nais mong mangyari sa buhay mo. Pero, sa iyong subconscious, nagdududa ka pa rin kung may kakayahan kang maging "independent" dili kaya’y may lihim kang takot na "magkamali sa desisyon". Ang lansangan o kalsada ay aktuwal na repleksiyon ng iyong buhay—kung saan ikaw mismo ang aktuwal na didiskarte kung ano ang nais mong gawin sa buhay mo. Kung inakala mo nabangga o naaksidente ang sasakyan - malinaw dito na may lihim kang TAKOT NA MABIGO! At kung inaantok ka sa loob ng panaginip - nalalabuan ka sa iyong magiging kapalaran sa hinaharap. Dapat mong maunawaan na ang kabiguan at tagumpay ay bahagi ng proseso ng buhay—walang taong palaging bigo, wala ring palaging tagumpay. Nasa pagtingin lang ang lahat ng resulta ng bagay. Ang taong nakikita mong tagumpay ay simpleng nakabatay sa iyong personal na depinisyon ng "success" at ang pagtingin mo na ikaw ay bigo, ay personal na "pangtanggap" mo sa mga nagaganap. Ang bigo sa iyong pagtingin ay maaaring tagumpay sa ibang pananaw at ang tagumpay sa pananaw ng iba—ay maaaring kabiguan sa sarili mong panukat..."

Wednesday, September 28, 2005

my psia experience

nung magaalas-sais na ng hapon kahapon, biglang sinabihan ako ng boss ko... "marhgil, sama ka sa amin, sa intercontinental hotel." nagulat ako.. "ha? anong gagawin dun? bakit tayo maghohotel?" yan ang nasa isip ko, syempre, di ko naman sinabi, hahaha! sabi nya, may meeting daw ang PSIA... kayo na mag-isip kung anong ibig sabihin nyan.. hahaha!

so, sama naman ako, no choice eh. drive ni boss yung sasakyan nya, coding naman ako kaya di ko rin dala yung sasakyan ko. pagdating doon sa hotel, diretso kami doon sa mismong venue. sa registration pa lang, may bumati na kaagad sa akin na hindi ko naman kilala, nagulat na lang ang boss ko... sabi kasi.. "marhgil! ikaw ba yan?" ako naman, nagulat din... "oo, bakit mo ako kilala?".. sabi nya.. "school mate mo ako nung high school, 4th year ka, 3rd year ako"... i see, buti na lang, ganun ang sinabi... at hindi.. "nagbabasa ako ng blog mo!", lagot ako nun, e di magiging curious sina bossing kung ano ang blog, baka biglang masesante ako... hahaha!! gets ko na kung bakit nya ako kilala, kayo na lang mag-isip kung bakit sa dinami dami ng school mate nya ay nakilala nya ako. hehehe.

pagpasok sa loob, wow! libreng dinner!!! nakapagdinner na naman ako sa hotel ng libre! hahaha!!! kaso, konti lang kinuha ko, nakakahiya naman kina bossing... hehehe. yun palang mga attendees dun, mga CEO, COO at kung ano ano pang OO ng kanilang mga kumpanya. hayun, habang kumakain, nakita ko na lang yung mga bossing ko na kung sino sino ang kausap, beso-beso, palitan ng calling cards, etc. ako, wala akong paki sa kanila, naupo ako sa table at ginawa ko ang dapat kong gawin doon sa pagkain, ano pa? e di kainin. parang gusto ko tuloy maglaho, ang naririnig ko sa paligid ko, parang ang paplastik na mga tao... inglisang inglisan, beso beso to the max... ahahaha! hindi pa ako handa sa ganitong mga bagay!!! hahaha!

tapos, nag-umpisa na yung meeting na may slide presentation. nung magsalita yung taga IBM, nag-umpisa na akong antukin. shet!!! ang lamya nyang magsalita, kung mamarkahan ko sya sa public speaking, tama na sa kanya ang tres. hehehe. ang haba pa naman ng talk nya, as in, kung wala lang akong katext na santa (u know who u are, hehehe) na nagpaalala sa akin na wag tutulog at baka tumulo laway ko... ay lagot, baka naghilik pa ako dun... hehehe.

sumunod na tagapagsalita, marketing naman sya. babae sya, maganda. dito, nawala yung antok ko. ang galing nya! kung mamarkahan ko, bibigyan ko sya ng uno. as in, kabaligtaran sya nung unang nagsalita. resourceful sya, ang dami kong natutunan sa marketing. branding kasi yung tinalakay nya. kalagitnaan ng pagsasalita nya, aba, at si bossing ko... nagpaalam na sa akin, uwi na daw sya, may pupuntahan pa raw sya, kung gusto ko na raw sumabay. e interesting yung subject, sabi ko, una na sya, tatapusin ko ito. so, umalis na si boss at itinuloy ko ang pag-aliw sa aking sarili.. hehehe.

after her interesting talk, gusto ko sanang tumayo at pumalakpak, kaso, masyado nang OA yun, hehehe. may sumunod pang dalawa. isang lalakeng kamukha ni tom hanks sa cast away, hindi ko natandaan ang pangalan. grabe naman itong isang ito... kahit powerpoint presentation, walang inihanda. ewan ko kung may nakaintindi sa sinabi nya. pero di pa rin ako umalis, may kasunod pa raw na speaker eh, babae.

nung matapos yung talk nya, ang pumasok naman, babae, wala ring slides. ang tinalakay naman nya, how to penetrate the japanese market. mas ok syang magsalita kesa dun sa isa, may natutunan din ako. conclusion ko... don't penetrate the japanese market, hindi kasi ako marunong ng niponggo... hehehe. yun daw kasi ang number 1 factor kung gusto mong pasukin ang japanese market.

after the talk, nagkaroon ng oath taking, dalawang bagong member ng PSIA. sabi nung presidente, we officially have 69 members now. tapos sabi pa nya, i like that number! maybe, we'll retain this number for a longer period... hehehe, may pagkaberde rin ang utak ni president!!! hahaha!

pagkatapos ng oath taking, tapos na ang lahat. uwian time. bago ako umuwi, dumaan muna ako sa jollibee, bakit? e gutom na ulit ako eh! kumain muna doon ng sakto para sa akin. tapos, nagtaxi na lang pauwi. pagdating sa bahay, nadatnan kong nagpupusoy dos ang tatlo kong kasama sa bahay. pitikan! ewan ko kung nakapasok si leonkyo kanina, namaga ata yung kamay nya eh! laging talo eh! ahaha!

tama na, mahaba na ito. bukas na ulit. punta ako ng vito cruz ngayon, doon sa isang computer shop malapit daw sa singalong. bakit? prospected prepaid pinoy retailer... hipag ni mang gerry.

yun lang.

ate ethel

ito ang isa sa mga produkto ng pagboblog ko, nagkaroon ako ng mga blog friends, na kahit hindi ko pa nameet ng personal, feeling ko, close na kami. imagine, pinadalhan pa ako ni ate ethel ng post cards ng magbakasyon sya sa switzerland!!! at hindi lang sya nakuntento sa isa!!! apat na post cards!!! grabe na ito!!! hindi pa yan sabay sabay na dumating... magkakasunod... hehehe. ate ethel, ano yun, magkakasunod na araw mo ipinadala??? o nawindang lang yung post master??? hahaha! salamat ng marami! shukran! merci! vielen dank! arigato! thanks! kapag umuwi ka sa pinas, saka na lang ako babawi... hahaha!

sa mga gusto pang magpadala, bukas po ang aking mailbox 24 hours a day, 7 days a week. hahaha! cash are accepted wholeheartedly! hahaha!

yun lang. magandang araw sa inyong lahat! again, kay ate ethel... maraming salamat!!!

Tuesday, September 27, 2005

palakang baliw

crazy frog... una kong nakita yung music video nito nung nasa jordan ako doon sa hotel na tinuluyan ko... reaction ko.. cool!!! kaya heto, kahit medyo matagal na ito, pinauwi ko na muna ang mga kampon ni puma ley-ar at ang buong cast ng shaider, hehehe. turn on your speakers, turn off your mp3 players at makinig sa palakang baliw!!!

yun lang.

tagged

i was tagged by the saint! sino ba namang makakatanggi, kung ganyan ba naman kaganda yung magtatag... hehehe. ok.. let's get it on!

01. What is your favorite word (s)? ala eh! sya nga naman. i see. no problem.

02. What is your least favorite word (s)? nakalimutan ko na, kasi nga, least favorite ko sya... hahaha! i hate (hate? least favorite? pareho ba yun?? a basta, blog ko to, ako masusunod!) a word when told to me more than once. one word is enough for a wise man. example... sasabihin ni boss.. "gawin mo ito, urgent."... after isang oras, sasabihan na naman ako..."urgent yung pinapagawa ko ha."... tapos, mag-cr lang sya, pagbalik nya.. sasabihin na naman! kaya lalo ko tuloy binabagalan, pang-asar.. hahaha!

03. What turns you on creatively, spiritually or emotionally? when i'm in good mood... and i'm in good mood when i'm not hungry. hahaha!!! kaya wag nyo akong ginugutom.

04. What turns you off? mga mayayabang at maarte! yucks, what is that? so kadiri naman that isaw na korteng S! shit kayO!!

05. What is your favorite curse word (s)? sanababits! madafaka! shiT! pusang ina!

06. What sound or noise do you love? di pa naman ako na in-love sa noise... hahaha! but i like the sound of music, kahit anong klase when i'm reading something and while driving. nung nag-aaral ako, mas trip kong bukas yung tv habang nag-aaral ako, wala lang, trip ko yung background noise nya! hindi uso sa bahay na nagskip ako ng palabas sa tv just to study my lessons.

07. What sound or noise do you hate? busina ng mga sasakyan kapag heavy traffic, malakas na hilik.

08. What profession(s) other than your own would you like to attempt?
porn star! hahahaha!!! actually, gusto kong magfine-arts, abstract painting.

09. What profession would you not like to do? kampon ng malabanan... yung mga sumisisid sa pozo negro! ayoko ring maging astronaut, bakit? imagine kung andun ka sa buwan, suot mo yung space suit mo, tapos, nautot ka!!! patay kang bata ka!!!

10. If Heaven exists, what would you like to hear God say when you arrive at the Pearly Gates? "feel at home!"


11. People I will tag:
Flex J
Jinkee
Blue
Rachel
May

Monday, September 26, 2005

ang aking pangalan

saan ba nagmula ang pangalan ko? ito ba ay nakatatoo sa talampakan ko nung ipanganak ako? ito ba ay galing kay mark gil? curious ba kayo? halina, alamin ang tunay na pinaghugutan ng pangalan ko. isinulat ko ang lahat doon sa kabilang bahay ko. ito ang permalink nya.

panaginip

nanaginip ako kagabi, parang totoo. pero buti na lang, panaginip lang ang lahat. it's just that i was driving on my way to manila pero sa sobrang antok, di ko napigilang makatulog! as in feeling ko, gusto kong gumising dahil nagdadrive ako, pero di ako magising... di ko alam kung nabangga yung sasakyan sa panaginip ko, dahil nakatulog nga ako, basta feeling ko, parang nabangga sya, pero di ko kita. bigla na lang akong nagising, at nagulat ako, nakahiga na ako sa kwarto ko sa bahay. parang totoo talaga. ang nasa isip ko nga, nabangga ba ako?? nasa hospital ba ako? till i realized, panaginip lang ang lahat.

a piece of advise para sa inyong lahat... if you want to live longer, no matter how hard or tough life is, keep on breathing!

Sunday, September 25, 2005

helpless mode

i feel so helpless!!! wala akong magawa!!! kaya ba isa sa pangarap ko, yumaman at magkamal ng maraming pera, para makatulong sa nangangailangan!!! ngayon ko lang napagtanto, kulang pa talaga ang kinikita ko!!! ano ba itong pinagsasasabi ko??

30 minutes ago, nasa bahay ako ng tiyo ko, kapatid ng inay. and he was dying. naconfine sya last week for 3 days, tumaas daw ang blood sugar, pero lumabas na sya kahapon dahil wala na daw pambayad sa hospital. dito na lang daw sa bahay maggagamot. pero sa itsura nya kanina, it's more than blood sugar. my kumplikasyon na sa baga. hirap na hirap syang huminga, ang sakit daw. wala akong magawa. gusto kong sabihin, ibalik sa hospital... pero sheT!! wala akong pera! sapat lang yung kinikita ko para sa akin! lahat sila, hirap. kung may extrang pera lang ako dito, pinadala ko na sya sa hospital. pero yung 3 days na naconfine sya sa hospital, beinte mil na nagastos nila, at yun, naubos na daw ang ipon. shit talaga!!! ganun ba talaga kamahal ang pagpapaospital!!! sa tingin ko talaga, wag naman sana, pero parang next week pagbalik ko dito sa batangas, maswerte pa kung abutan ko syang buhay... grabe. nadatnan ko sya, nakapikit, ang payat, tapos katabi yung pinsan ko, hinahaplos yung dibdib nya, masakit daw talaga, ilang gabi nang di sya makatulog. nung dumating ako, kilala pa naman nya ako... at kinilabutan ako sa sinabi nya... "marhgil, paalam na." tsk tsk tsk. tapos sabi pa... "yung utang ko sayo.. si zonji na magbabayad ha." shet!!! wala akong masabi, natulala talaga ako. ipinamana pa sa kanyang anak yung utang nya sa akin!!! umalis na lang ako at nag-iwan ng konting pera.

wala akong ibang maitutulong kundi prayers, at sa lahat ng nagbabasa ng blog na ito, please pray for my uncle. sana, gumaling pa sya at humaba pa ang kanyang buhay. sana...

ang sabado ko

umaga na ako nakauwi after a long gimik nung friday night. natulog lang ng ilang oras, tapos, gumising, naligo at nagpunta sa megamall para umattend ng seminar ng pinoyz2nz. kasama ko si francis at ang kanyang first lady. hindi ko talaga pwedeng palampasin yun, gusto ko kasing mameet ang aking idol at future father-in-law... hahahaha!!! si ka uro!!!

first time kong magpunta sa sm megamall na may drive na sasakyan. dahil nakasanayan ko dati na kung byahe ka, pagbaba mo ng bus e maglalakad ka na lang papasok dun sa megamall, naging isang palaisipan pa sa amin kung paano makakapasok doon sa parking area ng megamall, sa edsa kasi kami nagdaan, yun lang kasi ang alam kong daan. ok naman, basta nung makalampas kami ng megamall, yung unang kantong nakita ko, pumasok na ako, tapos naghanap na lang ng mga sign boards, nakarating din naman sa dapat naming puntahan, nagpark kami doon sa car parking area sa megamall b. alas diyes yung schedule, dumating kami, alas onse na, sabi ko kay francis... filipino time yan, hindi pa tayo huli.. hahahaha!

pagdating doon sa place, hindi pa nga nag-uumpisa... punta muna kami sa registration area para kumuha ng id. di ko alam kung bakit hindi kami nakaregister nina francis ganung sa online list nila ay nakalista na kami. so, nagpalista kami. nagturo na naman ako ng spelling sa mga tao dun... how to spell my name correctly... hehehe. hassle talaga itong pangalan ko, laging ganun, basta may mga ganyang event na kailangang magregister, i have to spell my name so that they can write my name correctly! sa susunod pala, magpapatatak na ako ng t-shirt na may malaking pangalan ko sa harap, parang brand name, hehehehe.

after the registration, hanap kami ng upuan, tanaw na kaagad namin si ka uro, so sabi ko, doon tayo sa malapit kay ka uro, para mameet na natin. narecognize naman ako ni ka uro, at sya pa ang lumapit sa amin... hindi ko malilimutan ang comment nya sa akin... "mas gwapo ka pala sa personaL!" hahahaha!!! ano, ka uro, pwede na ba kitang maging tatay??? hahahaha!!!

bago nag-umpisa yung seminar, nagkaroon pa ng roll call ng mga attendees. ewan ko ba, tama naman yung pagkabaybay ko ng pangalan ko at tama naman yung pagkasulat noong nagsulat, pero may konting erasures siguro, kaya nung tawagin yung pangalan, hindi na lang ako tumayo at hindi na rin ako nangahas na itama pa, ang dami kayang tao dun, ayoko maging center of attention.. hehehe. nung tawagin kasi ako.. ang basa ba naman... "Margot Macuha!" tunog babae na, tunog maggot pa!!! hahahaha! so, i just let it pass... iblog ko na lang dito.. hahahaha!

bukod kay ka uro, i met some fellow bloggers. si flex j at si blue, andun din. si jinkee, nagpakilala rin sa akin, hindi ko alam kung blogger din sya... sorry ate ha! di ko talaga alam, pero natutuwa rin ako sa comment mo... "mas gwapo ka sa personal." hahahaha! pareho pa kayo ng comment ni ka uro ha! may nagpakilala pa sa aking isa, sya daw si louie! hi louie! nagbabasa ka rin ng blog ko? o heto, binabati kita dito! blogger ka ba? ano blog mo?? hindi tayo nakapagkwentuhan eh! pasensya na po kayo sa akin, sa personal talaga, hindi ako makwento, unless nakainom ako! hahaha. tahimik lang talaga ako sa personal, hindi masyadong makwento unless we are already bonded by friendship. isa pang EB at dadaldal na ako.. hehehe. pero natutuwa ako sa lahat ng bumati at nagpapicture kasama ako! hindi ko akalain, may mga nagbabasa pala talaga nitong blog ko! grabe! feeling artista ako!!! hahahaha!

syempre, hindi ako papayag na matapos yung araw na wala akong picture kasama si ka uro! so, eto... ang picture naming dalawa. pansin ko lang, parang ang payat ata ni ka uro ngayon, or talagang mataba lang ako? a ewan! hehehehe.


"marhgil meets ka uro"


Saturday, September 24, 2005

bukas na lang

ang haba ng sabado ko, ang daming nangyari, bukas na ako magkwento!!! natuloy ako doon sa plano ko, nagkita kami ni ka uro at ng iba pang blogger! bukas na lang talaga, pahinga muna ako, 4 hours ata ako nagmaneho mula kaninang umaga! sige, happy weekend sa lahat!!! andito ako sa batangas.

Friday, September 23, 2005

tgif

byernes na naman!!! at sweldo na naman!!! unlike the ordinary schedule ng sweldo na kinsenas-katapusan, dito sa amin, 10-25, and since 25 falls on a sunday, napaaga na naman ang sweldo namin. hhmmm, saan kami gigimik? dito lang sa malapit sa office, sa lkg tower daw, andun kasi yung friend ni francis, vocalist daw ng isang banda, e kakanta daw dun, so pupunta kami para naman makilala niya ako... hehehehe!

bukas nga pala, pupunta kami doon sa 8th Philippine Meet ng pinoy2nz sa megamall. Wala lang, nasa new zealand din kasi yung pinsan ko, e baka maisipan nya akong papuntahin doon, at least, alam ko na yung gagawin ko! hehehe. para aside from tutut... meron pa akong ibang option kung hindi matuloy ang pagpunta ko doon sa tutut. and i am expecting to see ka uro!!! andun sya, magspeech daw!!! ka uro... humanda kA!!! papakita ako sayo!! wag kang tatawa ha!

happy weekend!

si mang gerry

kahapon, nakachat ko si mang gerry... sya yung filipinong lagi kong kasamang mag-lunch noong nakaassign pa ako sa kuwait. nasa kuwait pa rin sya hanggang ngayon. tinanong nya ako... "kumusta. wala ka pa bang balak lumagay sa magulo?" Sagot ko.. "wala pa po, kulang pa kasi yung savings ko."... Sagot nya... "problema ba yun? ang hanapin mo, yung marami nang savings." sya nga naman!

hiring

dahil urgent nga yung pangangailangan namin sa dalawang programmer, nagpost na kami sa jobstreet! sa mga nangungulit sa akin kung anong qualifications, o eto na! magpass na kaagad kayo ng resume para may magawa ako ngayong maghapon! naubusan na ako ng resume na mababasa eh! hahaha!!!

Thursday, September 22, 2005

shigi-shigi

Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...
Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...

Fushigi-shigi Makafushigi Ruwa
Fushigi-shigi Makafushigi Ruwa
Fushigi-girai wa yowamushi komushi Ruwa
(Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Ruwa)
Zuden to tataite keto-keto-ketobashite
(Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Ruwa)
Koro-koro-koro-korogase
Fukai tanisoko tsukiotose
Fushigi Fushigi Fushigi
Ruwa Ruwa Ruwa

Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...
Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...

Fushigi-shigi Makafushigi Ruwa
Fushigi-shigi Makafushigi Ruwa
Fushigi-girai wa nakimushi komushi Ruwa
(Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Ruwa)
Tsuite tsunette nage-nage-nagetobashi
(Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Ruwa)
Zuru-zuru-zuru hikizure
Fukai mizuumi hourikome
Fushigi Fushigi Fushigi
Ruwa Ruwa Ruwa

Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...
Shigi-shigi Ruwa Shigi-shigi Shigi-shigi...

alam nyo ba ang kantang ito??? kung alam nyo, nanood ka rin ng shaider noong bata ka pa! pagkatapos ng bioman ata yun! hehehe. yan ang shigi-shigi chant ng mga kampon ni puma lear!!! grabe! namiss ko tuloy si Anie!!! hehehehe. actually, kanina pa akong naghahanap ng mp3 nyan dito sa internet, kahit kazaa, hinanapan ko na, wala! lyrics lang ang nahagilap ko! sa kakahanap, nakapagdownload ako ng walong soundtrack nyan, from opening theme, ending theme, background music kapag tinawag na ni shaider yung blue hawk, music kapag naglalaban na sa time space warp, music kapag tinawag na yung babylos... ewan ko yung iba! basta, ang saya!!! kaso, yang pinakahanap-hanap ko, hindi ko makita! shet!!! baka meron kayo!!! pakopya!!!! ang ganda sanang ringtone nito!

sige, pumasok na sa time space warp yung kalaban ko! habulin ko muna... blue hawK!!! hahaha!!!

usapang tuli

tuli po ang pag-uusapan dito, so kung hindi mo trip magbasa, click that x button on the upper right hand corner of your browser, ok? hehehe

natawa ako sa post ni dops, yung pinoy cut... and i want to share something on the same topic. doon kasi sa baranggay namin sa batangas, kahit nagpatuli ka na, kung sa doktor ka nagpatuli, still, they think you are a lesser man... hehehe. pero kahit ganun, sa doktor pa rin ako, mas safe. ang ikekwento ko, yung mga naobserbahan ko sa aking dalawang kapatid na hindi sa doktor nagpatuli. e saan?

mas barako ka raw kung doon ka sa pokpok! nope, hindi yung mga babaeng mababa ang lipad ang tinutukoy ko... sya yung hindi ko alam kung albularyo ba o ano, na ang trabaho lang ay magtuli without anesthesia! as in, mano-mano, at tinawag syang pokpok, kasi, isasalang yung sayo, ipapatong yung labahang bagong hasa sabay popokpokin! bilib din ako doon sa dalawa kong kapatid... umuwi ng bahay, napokpok na! pinag-ngata daw sila ng dahon ng bayabas, tapos, yun na nga.. walang anesthesia, kagat labi, tiis! kahit sakit na sakit, pakitang barako sila... hehehe! marami daw silang sama-sama, parang nagkayayaan lang! tapos, pagkatapos nun... patatakbuhin pa raw sa araruhan! alam nyo yung araruhan??? yung taniman na wala pang tanim... inararo pa lang, may malalaki at matitigas na lupa pa, mahirap tumakbo dun! ewan ko kung anong sense bakit kailangang tumakbo pa sila dun! ang bayad lang nila doon sa nagtuli, isang lata ng sardinas!

matindi pa nyan, meron silang langgas sessioN! hehehe. yun bang yung mga bagong tuli... magkakasama pa kung linisin yung kanilang mga sugat! hehehe. ikwento ba dito?? hehehe, wala lang, natatawa lang ako sa kanila, bakit kailangang sama-sama? sama sama pa sila maglalaga ng dahon ng bayabas.. hahaha!

ang matindi nito, yung sa kuya ko! ewan ko, bumalik daw eh! as in, nung gumaling yung sugat, balik sa dati! kaya hayun, nung magkaroon ulit ng isa pang batch na nagpunta doon, sumama ulit sya! at hindi pa nadala, doon ulit!!! sa second try, ok na daw! kakaibang experience yun, di ba? imagine, twice ka nagpatuli??? hehehe.

tama na, sigurado, lagot ako pag nabasa ito ng dalawa kong kapatid. buti na lang, hindi sila nag-iinternet! hehehe. yung experience ko, halos kapareho nung kay dops, sa hospital, babaeng nurse ang nagbinyag sa akin. ayaw ko nang ikwento! hahaha!

lipat bahay

lilipat kami ng office. sobrang layo mula dito sa original, around 3 meters away... hehehe. actually, from Unit 27-G, lilipat kami sa Unit 27-F of the same building. reason? confidential, basta, lilipat kami. at ngayon, hindi ako makapagtrabaho ni makapagblog ng maayos. binabaklas na kasi nila yung partitioning, inaalis na, ililipat na doon sa kabila. ang gulo gulo ngayon dito sa office, ang daming kalat, maglilipat nga eh. magulo pa sa buhok ko! grabe!!!

Wednesday, September 21, 2005

kwentong hr

dahil nga hindi natuloy yung aming presentation e nag HR mode muna ako ngayon. yung santambak na resume, around 100 ata yun, isa-isa kong binasa at hiniwalay ang mga dapat umexam. out of 100+, 21 lang yung pumasa sa qualifications ko, kaya papaexamin ko na sa friday. out of 21, mababawasan pa yan, kasi yung iba dyan, puro yabang lang pala ang nakasulat sa resume, programming skills.. VB, C++, at kung ano ano pa, pero pagdating dito, hello world lang yata ang kayang iprogram.. hahaha! siguro doon sa 21, may matitirang 10, sana naman. medyo mahirap yung gagawin kong exam, yung tipong kung kaya ka lang nakagraduate as programmer ay nangopya ka, hindi mo masasagutan yung exam ko, unless kasabay mo sa exam yung classmate mong kinokopyahan mo nung college... hehehe!

iba't ibang tao, iba't ibang style gumawa ng resume. meron dyan, halatang nagkopyahan! tapos, magkakasunod pa kung mag-email ng resume. magkakaklase kasi. ewan ko ba, pare-pareho ang format, pare-pareho ang nakasulat. personal information lang yata yung pinalitan, tapos lahat nung skills, pare-pareho na. mga fresh grad kasi, pero hello!!! graduate na kayo, yung kopyahan, hanggang sa school lang, pati ba naman sa resume?

ito pa... iba't ibang klaseng picture din ang makikita mo. merong mukhang bagong gising, sukat ilagay sa resume nya? meron namang yung graduation picture ang inilalagay na edited naman para maging makinis ang mukha. ewan ko, natawa na lang akong minsan, ang ganda ng picture nya, graduation pic nga, ang kinis ng mukha, pagdating dito, parang tagihawat na tinubuan ng mukha!!! syet!!! ang sama ko! e fresh grad nga sya, ganun kabilis yung pagkalat ng tagihayat?? nung grumaduate sya, ang kinis ng mukha eh... minsan, parang gusto kong itanong, "miss, what happened??" hehehe. meron pa dyang picture, mga mukhang goons naman, yung tipong mga mukhang di papahuli ng buhay, galit na galit ang itsura. at meron pa dyan, yung tinatawag naming friendster smiles... yung picture nya, mas magandang ilagay sa friendster... all smiles kasi, abot hanggang tenga, parang nag-aapply sa starstruck... hehehe. ang iba namang picture, kabaligtaran ng friendster... yung mga mukhang nalugi! ang lungkot, tipong nagpapaawa dahil wala syang trabaho.. tsk tsk tsk. meron naman dyan, parang nag-aaply na komedyante. di ko alam kung talagang nakakatawa lang yung picture nya. a ewan... di ba, pwede namang magpapicture ng disente? nag-aaply ka nga ng trabaho eh. kahit ano pa yung itsura mo, magbihis ka ng disente at humarap sa camera ng disente, ayos na yun!

anyways, hindi lang naman yung picture ang tinitingnan ko. syempre dapat, may skills. makapasa sa minimum requirements. kahit taga probinsya, basta qualified, isinasama ko. kahit nga taga cebu, hehehe. bakit? alam naman nilang sa manila ito, nagpass sya ng resume, meaning, willing sya lumuwas ng manila to take the exam, di ba? nasa kanya na naman yun kung gusto nyang siputin yung exam, basta i gave them the chance. ganyan din kasi ako dati, nag-aapply ako sa internet, nasa batangas ako. minsan, luluwas lang ng manila to take a 30-minute exam. mas mahaba pa yung byahe, dalawang oras.. hehehe. minsan nga, naliligaw pa ako dito sa manila eh! lalo na dine sa makati... tama na, naalala ko na naman ang aking nakaraan.. hehehe.

interview experience... sa mga nainterview ko naman, ito ang iba't ibang klaseng tao na nakasalamuha ko nitong nakaraang hiring namin last april. most of them, dahil mga fresh grad, kinakabahan, kahit ang lakas ng aircon, pinagpapawisan. at kapag tinanong mo, tuloy tuloy ang sagot, halatang memoryado. meron nga akong naencounter, hindi tumitingin sa akin, diretso lang ang tingin nya sa kawalan. tapos, kada tanong ko, sumasagot naman sya, pero ang nakakatawa, hindi nagbabago yung facial expression, tuloy tuloy lang yung pagsasalita na bibig lang yung gumagalaw, parang robot.. hehehe. marami sa mga lalake, ganyan. sa mga babae naman, merong mahiyain, meron namang talagang maboka. i remember once, pinagtawanan ako ng mga officemates ko, ewan ko ba sa mga ito, silip ng silip sa cubicle ko habang iniinterview ko yung isang magandang applicant. ako pa raw yung pinagpawisan! shet! pero infairness, maganda talaga sya at marunong. kaso, di nakapasa sa mga big boss ko... hinayang tuloy ako... ehehehe! (first lady.. peacE!)

sa mga darating na araw... magiinterview na naman ako. we urgently need two entry level programmers. kung gusto nyong mag-apply, send your resume na lang dito sa company namin, nakapost doon sa website namin ang qualifications. saan nga ba yung website namin? hanapin nyo na lang yung pangalan ko sa google at makikita nyo yung website. challenge na rin sayo yan... hindi pa kami nagpost sa jobstreet, siguro, next week, kapag walang nakapasa dito sa 21. pag nakapasa kayo sa exam, paghandaan nyo na ang una nating pagkikita... hehehe.

yun lang.

naunsyaming presentation

medyo maaga akong umuwi kagabi para pag-aralan yung presentation na gagawin namin doon sa isang prospected client namin, bangko sya, secret na lang kung anong pangalan ng bangko, clue na lang, singkit sya, hehehe. syempre, aral ako ng konti, para naman hindi ako mapahiya doon sa unahan. mga matataas na tao nung bangko daw ang aming audience eh. may powerpoint presentation pa kami ek ek.

ang siste, ang dami kong longsleeves, kahit isa, wala akong nadala dito sa manila, lahat nasa batangas. balak ko sanang bumili kahapon, kaso, pagbukas ko nung drawer namin doon sa boarding house, may nakita akong dalawang longsleeves, plantsado na, nakahanger, parang inihanda yata para sa akin.. hehehe. kay leonkyo pala yun, so, sabi ko, pahiram na lang, sayang din kasi kung bibili pa ako, isang araw ko lang namang gagamitin, naiwan ko lang yung mga longsleeves ko sa bahay. pumayag naman sya sa kondisyong kapag isinoli ko raw, labada na at plantsado na ulit. so, ready na longsleeves ko, saktong sakto, magkasing size ata kami eh. tapos, syempre, kelangan ng necktie, naghanap kami ni leonkyo doon sa drawer, kaso, talagang wala. ayoko namang bumili, so nagtext na lang ako sa mga officemates ko, at may nagreply naman, si francis. salamat! so kumpleto na attire ko.

ang aga kong gumising. pero late pa rin ako dito sa office, hehehe. since magpepresent nga kami, kailangan kong magmukhang kagalang-galang. yung bigote at balbas kong malalago, inahit ko. para naman hindi ako mukhang goons doon sa harap nila at maging kapani-paniwala yung mga sasabihin ko. hehehe.

kaso, nang andito na ako sa office, ready na lahat with the presentations and everything... tumawag yung singkit na bangko. postponed daw yung presentation, may emergency daw kasi sila, at naresched sa oct 12. hay, buhay! minsan, nakakainis din na pinaghandaan mo, nanghiram ka pa ng kung ano ano, tapos, di matutuloy, di ga? so, naisip ko, since nakabihis na lang din ako, picture muna. souvenir ng naunsyaming presentation... hehehe. i would like to thank leonkyo for my longsleeves and francis for the necktie. ngapala, ewan ko ba, masyado atang mataba itong leeg ko, hindi mai close-neck eh! hindi mag-abot!!!

yun lang.

Tuesday, September 20, 2005

bisyu

walang nagtag sa akin... nakita ko lang ito sa post ni kring, ninakaw ko.. hehehe, kaso, pang peyups yun... gumawa na lang ako ng sarili kong bersyon, inalis ko yung question na hindi ko alam, hehehe. di kasi ako doon nag-aral. sa BISYU ako... hehehe.



.:. ANO’NG STUDENT NUMBER MO? 96-3109. di ako sure kung yan nga... hehehe.
.:. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED? pasado.
.:. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT? tiningnan ko sa listahan
.:. FIRST CHOICE MO BA ANG BSU? oo, the only choice, dito lang ako umexam
.:. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE? Computer Engineering
.:. SECOND CHOICE? Electronics and Communications Engineering
.:. ANO NAGING COURSE MO? Computer Engineering
.:. NAGPLANO KA BANG MAG-SHIFT? hindi
.:. NAKAPAG-DORM KA NA BA? hindi... uwian ako, sa batangas lang yan eh!
.:. NAKA UNO KA NA BA? oo. solid mensuration, integral calculus, differential equation, PASCAL programming to name a few... hehehe, yabang!
.:. NAGKA-3? wala akong tres.
.:. HIGHEST GRADE: Uno
.:. LOWEST GRADE: 2.75... microprocessor systems... di ako nakapangopya eh. hahaha!
.:. WORST EXPERIENCE SA BSU: pinatawag ako ng instructor ko sa math dahil pinakopya ko raw yung isa kong kaklase, kita daw nya, e mas mataas pa ang score nya kesa sa akin. pinakuha ulit nya kami ng exam, magkalayo, syempre, pasa pa rin ako. mula nun, naging mas maingat na ako sa pagpapakopya... hehehehe.
.:. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE? oo naman, wag lang tatamarin.
.:. ANO’NG ORG MO? computer engineering students' organization
.:. MAY SCHOLARSHIP KA BA? meron, institute scholar ako, miscellaneous lang binabayaran ni erpats.
.:. PINANGARAP MO BANG MAG-CUM LAUDE? oo, kaso, di natupad, dahil dun sa 2.75!
.:. KELAN KA NAGTAPOS? nung graduation day... hehehe. 2001.
.:. FAVE PROF(s): wala, pantay pantay ang pagtingin ko sa kanila.. hahahaha!
.:. WORST TEACHER(s): sino pa? yung teacher ko na nagbigay ng 2.75 sa akin... tsaka yung teacher ng PE na wala nang ginawa kundi magtungayaw.
.:. FAVE SUBJECT(s): math subjects at saka computer programming subjects...
.:. WORST SUBJECT(s): still, yung microprocessor system... bakit? bibigyan ba naman kayo ng drawing ng microprocessor, tapos, isusulat mo yung mga PIN configuration... lintek! bakit? kailangan ko ba talagang sauluhin yun??? chaka yung required na ROTC! just read this post kung bakit.
.:. FAVE LANDMARK: wala
.:. BUILDING: engineering building, limit tumambay sa internet room hahaha!!!
.:. PABORITONG KAINAN:doon sa tindahan ni mommy rose, mommy sya nung kaklase ko, mommy ko na rin... ehehehe, actually, mommy naming lahat.
.:. NOONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP? from bukid to bayan, 1.50 ata, tapos from bayan to batangas city, 2.50.
.:. LAGI KA BA SA LIB? anong gagawin ko dun??? hehehe.
.:. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA? ang una at huli kong punta sa clinic, nung magsubmit ako ng x-ray nung first year ako.
.:. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? marami.
.:. BF/GF? gf lang, walang bf, ehehehe. pero wala ding kinahantungan.
.:. MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD? wala, sawa na akong pumasok.
.:. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO? di ko na matandaan, basta ang alam ko, mahilig magtungayaw yung teacher duN! matandang dalagang tomboy kasi..
.:. NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA BSU? oo, nung grumadweyt ako. hahaha!
.:. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG? hindi, itinuro lang sa amin nung graduation na eh... di ko nga akalain, may alma mater song pala kami.. hehehe
.:. MEMBER KA BA NG BSU VARSITY TEAM? hindi... wala akong hilig sa sports.
.:. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM? oo, maraming beses... lahat nung subjects na uno ang grade ko, perfect lahat ng major exam ko dun! tama na, mayabang na naman ako dito.
.:. ANO’NG AYAW MO SA FINALS WEEK? puro na lang exaM!
.:. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER? hindi. natuto akong uminom nung nasa kuwait na ako. bawal pa yun ha! dun pa ako natuto! pero nung college, wala talaga akong bisyo.
.:. ANO’NG GUSTO MO SA BSU? quality education, masyadong mataas ang standards nila... malaking challenge. ang tres daw ay ginto... pero di ako nakakuha... naks! ang hangin.. grabe!!!
.:. ANO’NG AYAW MO? mapulitika.
.:. MAGANDA BA ID PIC MO? hindi sya maganda, cute sya! ang payat ko pa, grabe!
.:. MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS? illegal bang magkopyahan sa exam? hahaha!

simangot

nakita nyo na ba kung paano ako sumimangot? kung hindi pa... tingnan nyo ito. medyo matagal lang magload... but it is worth the wait, promise.

walang barya

tuwing martes, nagtataxi ako dahil coding yung sasakyan ko. at kanina, may nangyari na naman sa taxi. nope, hindi po ako nautot!! hehehe. nakakaasar lang minsan itong mga taxi driver kung maningil... rounded to the higher tens... kagaya kanina... 52.50 yung nasa metro, nagbayad ako ng 60, aba, at wala nang balak na ako ay suklian!

sabi ko, "manong... yung sukli kong 7.50"... sagot nya.. "walang barya eh." sagot ulit ako, "sya, ibigay nyo sa akin yung sampung piso ko... 50 na lang singilin nyo sa akin, wala rin akong baryang 2.50 eh!" hehehe. ano sya, siniswerte? yung pagtaas nga ng singkwenta sentimos sa pamasahe, ilang rally ang nagaganap bago maaprubahan, tapos, kokotongan nya ako ng 7.50 dahil wala syang barya??? hayun... dumukot ng 7.50... sabi sa akin... "pasensya na, meron pala". sus! palusot pa sya!

Monday, September 19, 2005

ako'y nagbabalik

sabi ko, titigil na ako sa pagboblog. aayusin ko muna ang buhay ko. akala ko, matatagalan ito, at kailangan ko pang magpost ng pamamaalam.

but here i am again, blogging. kanina pa akong kating kating magpost eh. di ko talaga matiis... grabe, blog addict na nga talaga ako. bloddict!!! shet!!!

anyways, totoo naman yung sinabi ko, aayusin ko ang buhay ko. after some turn of events, i think, ok na ako. naayos ko na ang buhay ko. bilis ah! well, i just realized na talagang ganyan ang buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba, pero kahit ano pa man ang mangyari, don't stop doing the things that makes you happy. baka mabaliw kang lalo.. ehehe. drama ko ano?

tama na yung isang araw na nadepress ako. tama na yung isang gabing di ako nakatulog. sabi nga nila, ok lang ang madapa, ok lang ang mapagod at magpahinga... ang mahalaga, ay bumangon kang muli, kahit sandamakmak ang muta mo, imulat mo, maghilamos ka, maligo and go on with your life. anyways... ok na naman yung problema ko... akala ko, hindi na maaayos, pero sa tulong ng mga taong tumulong... andito na naman ako... nagpipipindot dito sa keyboard ng laptop na ipinahiram ng kumpanya para gumawa ng panibagong post.

ngapala... hiring kami ngayon, entry level programmer, dalawa ang kailangan. baka gusto nyong mag-apply, e magpasa na lang kayo ng resume, iresearch nyo na lang kung saan ako nagtatrabaho, sikretong malupet. madali lang namang hanapin... isearch nyo na lang ang pangalan ko sa google... hehehe. kapag nakapasa kayo sa exam, ako lang naman ang gigisa sa initial na interview sa inyo... hehehe. walang tatawa ha!!! shet na malagket!!! qualification... dapat, marunong magprogram.. programmer nga eh! anong language?? french... hehehe. basta marunong kang magprogram at madaling matuto... tuturuan ka pa rin naman namin ng bagong language na hindi mo pa nakasalamuha sa paaralang inyong pinag-aralan. school preference?? wala, juice mommy yang mga employer na naglalagay ng school preference! paano naman yung mga nasa probinsya na iginapang ng magulang nila para pagtapusin sa pag-aaral?? tapos, pagsubmit ng resume, dahil hindi kilala yung school, diretso na sa basurahan! juice mommy you! pero dito sa amin, walang preference... syempre, kung meron, e di siguro, hindi rin ako natanggap dito! dito, pantay pantay... tuturuan pa kitang magblog kapag wala kang magawa... hehehehe! magkano starting??? nasa iyo naman yan, kung paano ka makikipagbargain sa boss ko. benefits? makakasama mo ako sa araw-araw na pagpasok mo dito sa office... hahahaha!!!

yun na lang muna.

Sunday, September 18, 2005

adios

salamat kay rachel for taking the time to listen... salamat sa mga payo mo. ikaw pa rin talaga ang tiya delly ko.

dahil sa nangyari, tigil muna ako sa pagboblog. ayusin ko muna ang buhay ko bago ako bumalik dito. sa lahat ng naging kaibigan ko at mga daily visitors ng blog na ito... maraming salamat. this is not the end... magpapalamig lang ako.

adios.

Saturday, September 17, 2005

to whom it may concern

kapag umayaw na ako, di ko na binabalikan. kapag inayawan na ako, lalong hindi na ako naghahabol.

this i learned a long time ago.

kahit papaano

nitong nakaraang mga araw ay nauso na naman ang baha... dahil naman sa ulan. ewan ko ba dito sa manila, konting ulan, baha na kaagad. barado kasi ang mga kanal dahil sa mga basurang ikinalat ng mga taong walang disiplina sa pagsalansan ng kanilang mga basura.

speaking of kanal, napansin ko lang nitong mga nakaraang araw din doon naman sa batangas city, kung kailan tag-ulan, saka nila naisipang maghukay ng mga kanal, kaya naman ang sikip nung kalye. ang haba ng summer, hindi sila naghukay, kung kelan tag-ulan na, saka sila di-magkandaugaga para ayusin ito. sabagay, may katwiran din naman sila kahit papaano... tuwing summer nga naman, tuyo ang lupa... mahirap maghukay... hahaha! at least, kahit papaano, may ginagawa sila. kahit papaano, may nakikita akong magandang pinupuntahan ang buwis na kinakaltas sa akin... kahit papaano, may silbi sila.

kakasama kasi minsan ng loob na sa south superhighway... biglang may dadaang ford expedition na numero otso ang plate number, may kasamang back-up na akala mo ay mga kung sino... ang aangas... gusto ko lang sabihin sa kung sino mang congressman na nakasakay doon... "hoy! kung hindi ako kinaltasan sa sweldo ko... wala kang ipag-aangas dyan!... nag-ambag din ako sa expedition mo!! minsan naman, palit tayo ng sasakyan!!!" hahaha!

dumating na sila

dumating na sila! ang mga bagong salta sa aming bagong bahay, dumating na! grabe na itO! ang saya!!! lumalaki na ang pamilya kaluskos na nangangaluskos at nagkukuskos sa inyong mga bahay! limang magagandang dilag at isang napakacute na blogger (ang kukontra, kamukha ko! hahaha!) ano pa ang hahanapin nyo??? halina at bumisita na!!! paano bumisita? sundin lang ito: hawakan na ang inyong daga na nakakabit sa inyong kompyuter, itapat dito ang arrow sa pamamagitan ng paggalaw-galaw ng inyong daga at pindutin ang kaliwang talapindutan ng inyong daga!!! hahaha!!!

sa mga bagong salta... welcome to kaluskos familY!! enjoy!

Friday, September 16, 2005

pinoy big brother

The Pinoy Big Brother Theme Song.... kanta muna tayo! wala lang, adik na ata ako sa panonood nito. Go Jason Go! syempre, kabayan ko yan eH! ala eh! sige, kanta na tayo! turn on your speakers and pump up the volume!!! salamat pala sa nagbigay ng kopya sa akin! yung gustong magkakopya, hanapin nyo na lang kung saan nagmumula ang tunog! hahahaha! happy weekend!!!

Pinoy Ako
by Orange and Lemons

Lahat tayo mayroon pagkakaiba madalang makikita na
Ibat ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap ko
Pagbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

Pinoy ikaw pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

Ipakita mo ang tunay at sino ka?
Mayroon masasama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Pagbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga?

Pinoy ikaw pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin

Pinoy ikaw pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

my 101 things

nakita ko lang yung 100 things ni insang nao, kaya natripan ko ring gumawa ng sa akin... pero dinagdagan ko ng isa... para kunwari, hindi ko kinopya... hahaha!

1. marhgil ang pangalan ko, yan ang tamang spelling, ok?
2. batangenyo ako
3. walang asawa
4. pero may misis... hahaha!
5. gitna sa tatlong magkakapatid na puro lalake
6. walang bestfriend
7. certified blog addict
8. certified big mac eater
9. minsang naaddict sa gitara at pagbanda-banda
10. computer engineering ang tinapos ko
11. muntik maging cum laude
12. math geek (i can prove the phytagorean theorem! hahaha!)
13. minsan lang kung magsuklay ng buhok, (once a day?)
14. i hate perfumes, nahihilo ako
15. i hate car fresheners... nahihilo rin ako
16. hindi pa ako nakakarating sa luneta
17. idol ko si rizal, si rizal ang idol ko (chickboy kasi.. hahaha!)
18. idol ko ang tatay ko
19. former coke addict.
20. kaso nagkadiabetes ako.
21. nung bata ako, gusto kong maging architect
22. may malaki akong balat sa likod, mamula-mula ang kulay
23. wala akong hilig sa mga alahas
24. safeguard ang sabon ko
25. head and shoulders ang shampoo ko.
26. kinalbo ako nung bata pa ako dahil sa balakubak
27. nahulog daw ako sa hagdan nung bata ako
28. paborito akong kagatin ng lamok nung bata ako
29. iglesia ni cristo ako, since birth and till death
30. di ako kumakain ng dinuguan at anumang kauri nito
31. wala akong picture nung sanggol pa ako... i still wonder why
32. imposible namang ampon ako, kamukha ko mga kapatid ko
33. mas cute nga lang ako... hahaha!
34. kakaiba daw akong maglakad
35. pinilit ko syang itama, pero may sarili syang utak
36. dati, pinapagalitan ako ng parents ko dahil sa lakad ko
37. ngayon, natutuwa sila kapag nakikitang kapareho kong maglakad yung mga pamangkin ko... hahaha!
38. pangarap kong lumipad... literally... parang superman
39. i still hate my teacher when i was in grade 2.. ang sama ko talaga
40. pangarap kong yumaman at makatulong sa mga nangangailangan
41. gusto kong magbusiness, walang puhunan
42. driver lang daw ang katapat ko
43. nagngingitngit daw ako ng ngipin pag natutulog...yun ang sabi nila
44. pangarap kong magkaroon ng sariling helicopter
45. gusto kong tumama sa lotto
46. pero hindi ako tumataya.
47. i have one pair of leather shoes, na hindi ko pinapalitan hangga't di nasisira.
48. since elementary, lagi na akong nakarelo
49. hindi ko rin pinapalitan hangga't di nasisira
50. my current watch is seiko kinetic, relo ko na ito since college, gumagana pa kaya hindi pa napapalitan
51. i have a list of text messages on my laptop na pangforward
52. i have funny video collections on my laptop too
53. hindi pala sa akin itong laptop, pahiram lang ng kumpanya
54. nakapagdrive na ako ng motorsiklo, tricycle, dyip, pajero at kotse
55. altis ang kotse ko, pinautang ng epci bank sa akin
56. maximum speed i have reached so far is 140 kph dun sa star highway sa batangas.
57. i want to drive a ferrari and compete in f1 race.
58. ayokong tumandang binata.
59. pero wala pa akong balak mag-asawa sa ngayon
60. i am an occasional smoker.
61. i believe in God
62. i believe in Jesus Christ
63. but i honestly don't know if They believe in me
64. mas trip ko ang summer kaysa sa tag-ulan
65. wala akong ninong at ninang
66. hindi ako namamasko
67. wala rin akong mga inaanak
68. walang pinagtataguan kapag pasko.. hahaha!
69. i don't give gifts during christmas, except kung may exchange gifts
70. pero tumatanggap ako ng christmas bonus at christmas gifts kung may magbibigay
71. my lolo died when i was in elementary
72. ang tawag nya sa akin.. si "puti" (parang aso ah!.. hehehe, ako lang kasi ang medyo maputi sa aming magkakapatid... hmm, ampon nga ata ako)
73. hindi ako close sa dalawa kong kapatid.
74. autistic ata ako... hehehe
75. nung bata ako, hindi ko kinakain ang isang pagkain kapag may kagat na
76. sabi ko raw... "may laway na."
77. may mga kamag-anak kami sa olongapo
78. may mga kamag-anak din kami sa cotobato
79. may isang sanggol akong ginupitan ng buhok when he turned 1 year old, lumaki syang makulit... hahaha! (pamangkin ng teacher ko nung high school)
80. i used to play the piano when i was a child.
81. play as in "laro"... pero di ako natutong tumugtog nang maayos
82. wala akong nickname
83. nabasa ko na ang harry potter from book 1 to book 6
84. pero i can't find time to read the bible.. kayo ba?
85. naglaro ako ng teks nung bata pa ako
86. nakapuno ako ng isang kahon ng sapatos na puro teks ang laman
87. sana, naging pera na lang lahat yun.. hehehe
88. unang sweldo ko sa AMA batangas... ikinain ko sa KFC.. hahaha
89. i already received some death threats
90. papatayin daw ako pag-uwi ko from kuwait
91. so far, buhay pa rin ako
92. magaling yata akong umilag... hahaha!
93. tahimik lang ako sa personal
94. gusto kong makarating sa spain
95. to join the tomatina festival
96. trip na trip ko yung sinuglaw sa gilligan's sa glorieta
97. hindi pa ako nawalan ng cellphone
98. pero nadukutan na ako ng wallet
99. nakakutsara lagi ako kapag kumakain sa bahay
100. hindi ako nakapagkamay, unlike my brothers na mas trip kumaing nakakamay.
101. ako lang ang ganun sa bahay namin, di ko rin alam kung bakit.

Thursday, September 15, 2005

konting patawa

wala akong maipost kaya kinalkal ko yung aking mga lumang files kung saan sinisave ko ang mga joke na nakakatawa para sa akin... eto, ang ilan sa mga napili ko. disclaimer... di ko na alam kung sino ang mga author nyan... kung sino man kayo... inyong inyo yan. ok? ok... read on...

unang joke...

Pinilit niya ako!
Sabi niya, hindi masakit.
Ibuka ko raw, ibinuka ko naman.
Ipinasok niya, masakit!
Binunot niya, may dugo!
Tarantadong dentista 'yon!
Hindi na ako babalik sa kanya.

ikalawang joke...

buka mo, ano ba?
'Yoko, hirap, eh.
Ano ba...sige na...basam-basa na 'ko.
Ikaw na, tigas naman nito...sige na, ibuka mo na.
O ayan, nakabuka na...lecheng payong 'to, hirap ibuka!
nabasa tuloy, lakas ng ulan!!!

ikatlong joke...

Doctor: 90 years old na kayo Tatang, bakit gusto nyo pa mag-Viagra?
Lolo: Gusto ko lang tumigas yung sa akin ng kaunti para pag umihi ako, e lampas sa sapatos ko.


and the last and the least... ang diary ng isang pinoy sa USA, tamang tama ito dahil magpapasko na.

Dec 14

Finally arrived in America for the first time. News about the possibillity of a White Christmas!

Dec 15

Wife and I sat by the window all day watching the snowflakes gently drifting down, covering the trees and the ground. Like the Christmas card my sister sent me.

Dec 16

Awoke to a lovely blanket of crystal white snow covering the landscape. What a fantastic sight! I enjoyed shoveling my sister's driveway. A snowplow accidentally covered up the driveway. He waved. He reminded me of Santa Claus. I waved back and shoveled again... no problem.

Dec 17

Wow! 5 more inches of snow! The temperature dropped to 5 degrees. The snowplow covered the driveway with a compacted snow. It is cold.

Dec 18

The temperature went up a little and the snow on the street turned into a slush mixed with dirt and became brownish-gray. Temperature went down again and became icy. A tree limb snapped and fell on my sister's new car. More snow and ice predicted. Masakit ang likod ko.

Dec 19

Ang Lamig! The snow plow came by 2X today. First he covered the streets with sand, then came back and pushed the snow and ice mixed with the dirty sand on the driveway again. Kung sa Pilipinas 'to pinagmumura ko na yung driver.

Dec 20

Power went off due to the cold. Sinisipon na kaming lahat dito. Used kerosene heater which tipped over. Put*ragis, nasunog yung mga kilay at pilik mata ko.

Dec 21

More snow predicted. Wind chill -7 degrees. Nag li-leak na yung bubong ng utol ko. All the plumbing pipes are frozen. Naku h*ndot, walang katulong! Pagbumalik pa yung hayop na snowplow, sasalubungin ko na siya ng pala!

Dec 22

Anak ng p*ta, ang ginaw! Inabangan ko yung snowplow, sinaksak ko yung driver, pero nakatakas ang kup*l. Hindi ko mahabol dahil ang sakit ng mga daliri at toes ko, at lumalabo ang paningin ko. Nabubulag na yata ako!

Dec 23

B*WAKA-NG-INA! KAYO NALANG DITO. UUWI NA 'KO SA PILIPINAS!

one night stand

yung friend kong nakatagpo ko sa sm kahapon na nakakwentuhan ko...babae sya, kaklase ko nga nung high school.. tinanong ba naman ako ng ganito... "anong opinion mo sa one night stand?"... medyo nagulat ako sa tanong nya.. ito ang magandang sagot dyan... "mahirap yun... ayoko ng ganun.. hirap kayang gawin nun kapag nakatayo." hehehe.

baligtaran

ayoko na... ayoko nang tigilaN! napakalinaw... napakalinaw ng pagkakalabo ng mga bagay bagay sa hinaharap. nakakabinging katahimikan... nakasisilaw na kadiliman. nakakaiyak na katatawanan. ala, ewan ko. nalilito na rin ako. hindi ko makita ang sulok sa gitna ng bilog.

nagkayarian

looking things outside the box.... binisita ko ang blog ng bf ko... pagbasa ko ng comments.. someone is calling him "irog" at sweet ang mga comments... nabasa ko yung reply ng bf ko... he addressed her as "irog" din... sabi pa nya... "magcomment ka lang, masaya na ako."... hinanap ko yung blog ng "irog" nya... pagdating ko sa blog nya... irog pa rin ang tawagan nila... may mga message sa tagboard... irog din.

ngayon, dapat ba akong magselos? ito ang nangyari kaya nayari ako!

first day funk

today is my first day of work for this week...and tomorrow will be my last. grabe, kakapasok ko lang, uuwi na naman bukas! sige, ifile ko muna yung 3 days na leave ko, at kakaharapin ko ang isang tambak na trabaho.

Wednesday, September 14, 2005

ang miyerkules ko

tama na ang mga himutok sa buhay. now its time to post something better. di pa rin ako pumasok kanina, e kawasa'y hindi ako makabangon sa sakit ng ulo kaninang alas singko ng umaga, e kasi naman, may sakit ako kahapon, sa halip na nagpapahinga e nagtatrabaho pa rin. kaya heto, absent na naman. pero nung magising ulit ako ng mga alas diyes na, ay humupa na ang sakit ng ulo. at dahil nga di na kasi ako aabot, 2 hours kaya yung drive mula dito sa batangas papunta sa office. so i decided, absent na ulit ako ngayon, nagtext na lang ulit sa boss ko, sabi ko, maysakit pa rin ako. parang himutok pa rin yun ah...

tapos, after texting, naligo ako at nagpunta sa SM batangas. hehehe. e ok na nga ako eh, e yung vacation leave ko na yung nagagamit ko dahil ubos na yung sick leave ko, so, dapat, magbuhay bakasyonista ako, sayang naman yung isang araw kung matutulog lang ako dito sa bahay, mabubusog lang ng husto ang mga lamok dito. wala lang, gumala lang sa SM, nagdeposit ng pera sa bangko at kumain nang kumain. nakipagkita sa isang long lost friend nung high school pa ako, at nakipagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay nya at buhay-buhay ko. tapos, nauwi na.

bukas, luluwas na talaga ako. tsk tsk, 2 days na lang, weekend na naman. parang sayang lang ang panggasolina ko ah. luluwas ako bukas, tapos baka friday ng gabi, uwi na ulit. tsk tsk. bahala na.

Tuesday, September 13, 2005

in 17 days

shall i consider this as a leave? wala nga ako sa office, online naman ako at tinapos yung report na pinapagawa nila. online ako to send email and respond to clients regarding this report na they badly needed daw. sa halip na nagpapahinga ako, nagtatrabaho din ako dito sa bahay. tsk tsk tsk. papayag kaya silang 1.5 days lang yung leave ko? at yung kalahati, i credit ko sa work ko dito. di ba? ewan ko ba. dami ko na atang reklamo ngayon, dati naman, kahit umagahin ako sa client na walang dagdag bayad, e ok lang sa akin, pero ngayon, it seems that all seconds count. ewan ko, siguro, nauntog na ako. hehehe. come on... in 17 days, 3rd year anniversary ko na being an employee of this company. ano bang nangyari? from an entry level programmer three years ago, ngayon naman ay isa na lang ang mas mataas sa akin sa technical department, kumbaga, pag naisipan nyang umalis, ako na ang sunod...hehehe. sama ko talaga.. pero ewan ko ba. hindi pa rin ako masaya. kailangan ko na nga yatang ituloy ang aking mga back-up plan.. hehehe. bahala na.

bahala na

absent ako kahapon dahil may trangkaso ako... at ngayon, absent pa rin, feeling better now, pero di pa rin ako pumasok. andito pa rin ako sa batangas. medyo nabadtrip lang kahapon, nasabi ko na nga kasing may trangkaso ako, pilit ba naman akong pagsubmitin nung report, they need it badly daw, e gayong alam ko namang sa september 21 pa naman gagamitin. ewan ko, hindi ko pa rin isinubmit kahapon, magagawa ko ba yun e nakaratay nga ako? ulitin ko, hindi ako robot. bahala sila. mamaya. siguro, isusubmit ko na pag naayos ko.

ngayon, medyo ok na ako, pero hindi pa rin nga ako lumuwas... bukas na lang. extra bakasyon na rin, para naman mastabilize yung pakiramdam ko. nagpakasasa muna sa panonood ng dibidi. natawa ako kahapon sa pinoy big brother, nung itanong ni jason kay big brother kung nanalo daw si pacquiao... hehehe. ito talagang batangenyong ito, walang kaplastikan sa katawan.

regarding the pacquiao fight, wala namang nagbalita dito kung sino ang nanalo kaya ok yung panonood namin. doon sa super sports channel kami nanood sa cable tv, walang commercial, kaya maaga pa, alam na rin namin kung sinong nanalo. hehehe

bukas ng umaga, luluwas na ako ng manila, back to work, tambak na naman sigurado ang trabahong naghihintay. bahala na.

yun lang

Monday, September 12, 2005

ang sama ng araw ko

there is no such thing as a perfect system sa mundong ito. di ba? kaya nga may mga technical support at ang daming call center, dahil no system is perfect. mawawalan ng trabaho ang mga call center agents kung lahat ng system na maiisip ng tao, flawless, perfecto, walang problema.

ano ba itong pinagsasasabi ko? isang retailer ko kasi ang tumigil na, nagkamali lang ng isang beses yung system sa computation ng credits nya. come on, kaya nga may technical support, ipinaalam ko na naman yung problema, and in 24 hours, maaayos na naman yung problema nya. e ayaw na daw nya... so hindi ko na pinilit. ako pa, kung ayaw mo, wag mo. sa langit ka na lang magtinda ng prepaid, doon, sigurado, perfect lahat ng transaction.

something bad happened kanina that i was considering to resign na sa current job ko. i just need to talk to my father, dahil sya ang maaapektuhan pag nagkataon. akala kasi ng mga boss ko, robot ako. hindi ako robot, ok? napapagod rin ako.

yun lang.

Saturday, September 10, 2005

unang napalayas ni kuya

napanood ko yung 1st eviction night ng pinoy big brother kung saan napalayas na si rico sa bahay ni kuya. may mga tanong lang ako sa nangyari... ano ang tunay na score? bakit percentage lang ang ipinakita?? may isang minuto pa raw para bumoto, pero hawak na ni willie yung resulta??? tapos, ginawan nila ng palusot, ang hawak daw ni willie e yung resulta na nagsasabing ligtas na si franzen. come on, may isang minuto pa nga, paano nilang nalaman na ligtas na si franzen? dahil 79% na daw boto ni franzen? e pano kung yung last minute, biglang bumuhos ang text votes ni rico at racquel, e pano yun? ano ang tunay na score?? bakit hindi isapubliko??? im not accusing anything, pero dapat, isapubliko yung botohan, yung mismong exact tally ng text votes, they must show in real time para hindi ko naiisip na may foul play na nangyayari. di ba, kaya naman nilang gawin yun? i remember seeing the text votes in real time sa isang singing contest nila. star in a million yata yun. dapat, gawin din nila dito. ang dali kasing sabihin na 11% si racquel, 10% si rico at 79% si franzen. the result can easily be manipulated.. di ba? kung sinong gustong patalsikin ng management, kayang kaya nilang gawin.. percentage lang naman ipakikita nila in public eh. calling the organizer of pbb... alisin nyo ang doubt sa kukote ko... isapubliko ang tally ng text votes, show it in real time!

may napansin pa ako... hindi ata nainterview ni willie si nene, bob at jenny. sabi nya, interviewhin nya yung hindi nominated, tapos, ininterview lang nya si jason, jb, say, uma at cass. sinadya ba yun? di ba dapat, marinig din namin kung ano yung laman ng kukote nung tatlo? ewan ko. basta sa second season, kung may pagkakataon ako, sasali ako dyan.. hahaha!

yun lang.

Friday, September 09, 2005

kwentong byernes

kanina, biglang tumawag yung isang client namin, urgent daw, kailangan daw ng representative ng aming company sa meeting nila... sa smart tower daw. ako at si marco ang inatasang magpunta, biglaan nga, e malay ko ba kung saan yung smart tower. open ko kagad yung findme to get the map, tapos larga na ako kasama si marco.

pagdating doon sa may valero, hanap namin yung building, di namin makita, pero alam ko, sa paligid lang noon, so hanap ako ng parking lot, e sarado yung gate nung parking lot na nadaanan namin, e one way, dumiretso na lang ako, nakarating ba naman kaming makati ave... ikot na lang ulit ako sa ayala... balik sa valero, hanap ulit ng parking area... biglang nagring ang cellphone ko... si boss... ang sabi... "balik na kayo, tapos na ang meeting."

hayun, balik kami sa office, parang namasyal lang kami. anong nangyari sa meeting at bakit kelangan kaming andoon? may itatanong lang daw, e nainip sila, itinanong na lang daw over the phone. nasagot naman nila.. tsk tsk tsk. sinayang na naman nila ang powers ko... hehehe.

bukas, uuwi na ako ng batangas. dapat, ngayong gabi eh... kaso, bagong sweldo kami... e syempre, alam nyo na, friday night, bagong sweldo, anong gagawin? magsisimba kami... hahahaha!!!

happy weekend! kita kits na lang sa gimikan. kung saan man kami dalhin ng aming mga paa.

ambing

may nareceive akong forwarded na mp3, ambing yung filename nya, around 2MB yung size. ok yung kanta, may magandang mensahe para sa mga kabataang babaeng mahilig gumimik sa gabi. pero hindi ito marerelease in public, masyado kasi silang direct to the point. kung sa US siguro, pwede ito, pero sa bansang kagaya ng pilipinas, magtataas ng kilay si manoling morato.. hehehe. pero masaya syang pakinggan. matatawa ka. ayaw ko kasing iupload, masyado kasing kontrobersyal yung kanta... at medyo hindi magandang pakinggan lalo na nga ng mga konserbatibong tao. so, kung gusto nyo na lang ng kopya, request na lang kayo sa comment box ko at email ko sa inyo. hehehe.

laban ni pacquiao

sa linggo ay may laban na naman si pacquiao. sana, manalo sya. request ko lang sa mga kababayan kong nasa ibayong dagat na live na makakapanood... mamatay na ang magtetext or magbabalita kaagad sa pilipinas ng resulta ng laban. hahahaha! delayed telecast kasi dito sa pilipinas at hindi na magandang panoorin kung alam mo na ang resulta. ok? nakakabadtrip talaga. kaya please, sarilinin nyo na lang muna ang saya or ang lungkot, ok? magkikita-kita rin naman tayo sa finals... ehehehe.

uulitin ko, sa mga kababayan kong nasa ibayong dagat, ang magtext or magbalita ng resulta ng laban dito sa pilipinas... ipapabugbog ko kay pacquiao. kita nyo naman si pacquiao kung mangbugbog, nakangiti pa! hahaha!!!

Thursday, September 08, 2005

pumasok para magblog

pumasok ako para magblog..hehehe. actually, nasa client ako last night till 5 in the morning, diretso, walang tulugan. offset ako ngayon, e wala namang magawa sa bahay kaya naisipan kong magpunta na lang ng office para makapag-internet at makapagblog ngayong hapon.

kinda disappointed with the outcome of our pagpupuyat, parang wala din kaming nagawa. ewan ko, basta, di ko na sasabihin ang detalye. kakabadtrip lang. buti na lang at andun si insang nao, may nakachat ako habang nagpupuyat.

ngayon, medyo inaantok pa ako. dumaan pala ako dun sa karwashan doon sa evangelista... mukha na kasing antique yung kotse ko eh... hayun, ok na ulit, pwede na uling dumihan. hahaha!

Wednesday, September 07, 2005

hinarang na impeachment

mamumulitika muna ako.... nakahinga na daw ng maluwag ang magaling nating presidente dahil ibinasura na ng kanyang mga kasanggang dikit sa kongreso ang impeachment complaint laban sa kanya. ang natatandaan ko kasi, nung magsorry sya doon sa kanyang "im sorry" speech, sabi nya, "i took full responsibility of my actions..." something to that effect... hehehe. full responsibility? tapos yung impeachment complaint, hindi nya pinatuloy sa senado, hinarang na kaagad? takot ba syang malitis? kasi, kung ako yung nasa kalagayan nya at talagang wala akong kasalanan... e mas gugustuhin kong ituloy yung impeachment trial to prove to these oppositions na mga gago silang lahat! sa akin ang huling halakhak! di ba? e hinarang ng kanyang mga sanggang dikit na congressman eh... ewan ko ba. kung hagisan ko kaya sya ng cream pie sa mukha nya, tapos, sabihin ko.. "im sorry.", ok lang sa kanya?? hehehe. ewan ko lang kung makalabas ako doon sa malakanyang ng walang galos... hehehe. tama na... baka mapadalhan na ako ng kawayan at mansanas sa aking pinagsususulat dito. hehehe

usapang utot

ang hirap pala pigilin ng utot... hehehe. sakay ako kahapon sa taxi, matraffic, e nauutot ako, syempre, nakakahiya naman kung doon ko isasabog... e dalawa lang kami nung taxi driver, aircon pa, amoy na amoy yun, at obvious na sa akin nanggaling, di bale sana kung marami kaming sakay, di ba? hehehe. syempre, todo pigil ako, kaya naman pinagpawisan ng matindi at malagket! shet! nung makababa, saka ko na lang isinabog! solve!!! hahahaha!!!!

lesson: bago sumakay ng taxi... ubusin mo na muna ang utot mo!

yun lang.

Tuesday, September 06, 2005

mag-ingat

mag-ingat sa mga mapansamantalang dealer ng prepaid pinoY! sa mga interesadong kumuha, ok lang sa akin kung hindi ako ang inyong dealer, kahit sinong kilala nyong dealer, pwede, pero mag-ingat kayo. may nalaman ako, may dealer dyan, nanghihingi ng membership or registration fee! someone just informed me na retailer daw sya ng prepaid pinoy... and she paid 650 pesos at binigyan sya ng 100 pesos worth of load credits! shet na malagket! meaning, yung 550, diretso sa bulsa nung dealer! maganda yung system pero bakit kailangang manglamang sa kapwa? FYI... yung 500 pesos na initial capital sa akin, you will get 500 pesos worth of load credits na pangbenta nyo na. no hidden charges! itanong nyo pa kay francis at kay yax, mga blogger na sumubok din na maging retailer ko.

when i was just starting, the thought of asking for membership fee also lurked in my mind. pero i chose not to. bakit? e naging dealer ako, wala ding membership fee. yung initial capital ko, load credits din yun na pampasa na kaagad sa retailer ko. at ang linaw-linaw ng nakasulat doon sa retailer manual, NO REGISTRATION FEE! malaki nga yung kinita nung mga mapansamantalang dealer... imagine, kung ginawa ko yun, ang laki na ng kinita ko! 550 kada retailer, e 21 na yung retailers ko as of this date... thats 11550 pesos!!! pero di ko pa rin ipagpapalit yung malaking kikitain ko kabayaran sa pagpunta ko sa impyerno. masaya sila ngayon, nakapangloko sila ng tao, pero dahil sa 550, nagkaroon sya ng guaranteed one-way ticket to hell. diretso na sila dun for sure, unless magsisi sya at ibalik nya lahat ng kinurakot nya. my soul is not that cheap. di bale nang magdildil ako ng asin kesa sa magnakaw at manglamang ako ng kapwa.

lilinawin ko ulit dito, para hindi kayo mabiktima ng mga mapansamantalang dealer... Prepaid Pinoy has NO REGISTRATION FEE. mag-ingat sa mga mapansamantalang dealer.

Monday, September 05, 2005

rewind

tomorrow will be a busy day, so habang wala pang masyadong ginagawa dito sa office ngayon ay ibubuhos ko na ang laman ng aking kukote at ipost ko na ito na sana ay bukas ko pa ipopost... hehe.

last sunday, sa sm batangas ulit, nung bumili ng component ang kuya ko, dumaan din ako sa odyssey para bumili ng album ng parokya ni edgar. trip ko lang, para naman may mapakinggang bagong cd dun sa component ng kapatid ko.. hehehe. ok naman yung album, sulit, as usual, puro kalokohan... hahaha. one of the songs na nagustuhan ko ang lyrics... yung "Kayang Kaya Kaya?"... "kailangang magsikap, magsipag nang tayo ay umangat; tumulong, sumulong nang tayo ay umahon; ang pagsukat ng tao'y di sa kanyang salita, di sa kanyang itsura, nasa kanyang nagawa; marahil na maraming kahirapang dadaanan, basta't may panalangin, anumang sagwil ay kakayanin... kayang kaya, yakang yaka!" lively yung song, at may laman yung sinasabi. yung ibang song, bumili na lang kayo nang mapakinggan nyo... hehehe.

rewind... nung friday night naman, nanood kami ng sine ng mga opismeyt at former opismeyt ko... doon sa glorieta... The Longest Yard ni Adam Sandler. pero bago kami nakapanood, since last full show yung target namin at medyo napaaga kami, pagkabili ng ticket, nagbalik kami sa pagkabata at naglaro doon sa timezone. hehehe. heto ang isa sa magandang picture... i called it as the "battle of the extremes" hehehehe. peace kay marco at benjo!

ok... ano namang masasabi ko sa the longest yard? wala akong masabi... tawa ako ng tawa habang nanonood eh... hehehe. masaya sya, cool! si adam sandler pa! sulit yung binayad ko!

pagkatapos pala naming manood... nagpunta pa kami sa bamboo giant doon sa may quirino corner taft. anong ginawa dun? e di nag-inom sila, ako ay konting shot lang, magdadrive eh. doon, may nadagdag sa aking vocabulary... yung corkage fee, nakalagay kasi sa menu nila, corkage fee is 300 pesos per bottle. e malay ba namin kung ano yung corkage fee, baka order kami ng order, laki na pala ng babayaran, buti na lang, may dictionary ang cellphone ko.. hehehe. kayo na lang ang tumingin kung ano ibig sabihin nun... hehehe. may natutunan pa pala akong isang phrase courtesy of benjo.... yung "JUICE MOMMY YOU!" na ang ibig sabihin daw ay "T*ng ina mo!", bakit? tingnan nyo na lang yung logic... hehehe. pagkatapos ng mahabang inuman at kwentuhan, natripan pa naming magpunta sa baywalk sa roxas boulevard para magkape doon sa figaro, kung saan kami ay inabot ng malakas na ulan. hanggang 5AM yata kami doon, bago kami tuluyang nauwi.

mukhang pera

5:30 na.. ang TV na!!! yun nga lang, wala akong tv dito sa office, at wala na rin namang Ang TV... hehehe. wala lang, walang maisip na intro dito sa post ko eh.

last sunday afternoon, nagpunta kami sa SM batangas, ako, ang kuya ko at ang asawa nya. sale kasi nung araw na yun kaya kami ay nakigulo na rin. bibili daw sila ng component... yun bang may dvd player na at kung ano ano pa. pagdating dun, yung nagustuhan nila dating 21K ang presyo ay 18K na lang at yung mas magandang 23K na presyo ay 21K na lang, so they decided to get the 21K kasi yun ang budget nila. may dala silang cash, pero hinarang ko... hehehe. sabi ko, "give me the cash and let me pay for it".. hehehe. ang ginawa ko, itinago ko yung cash, at ginamit ko yung utang card ko, deferred payment for 3 months..hehehe. so yung pambayad nila, nasa akin na, tapos, huhulugan ko na lang sa utang card ng 7K per month.

bakit ko ginawa yun? wala lang, sayang kasi yung 21K kung ibabayad agad nila e pwede ko pang pakinabangan... saan? sa prepaid business ko... hehehe, paiikutin ko muna yung pera doon at patutubuan bago ko ibayad sa credit card... hehehe. ewan ko ba, parang galit na galit ata ako sa pera ngayon. actually, hindi naman, kailangan ko lang makaipon ng malaki dahil may pinaghahandaan ako. ano yun? alam nyo naman, single pa ako... dapat yung future, pinaghahandaan.

yun lang

Saturday, September 03, 2005

usapang cellphone

mga kaibigan, sa mga nagtetext sa akin or tumatawag na hindi ko kaagad narereplyan or kinacancel ko yung calls nyo... ito po ang mga posibleng dahilan...

10 reasons why i don't immediately reply to your SMS messages.

1. walang load, or kulang ang load.
2. nasa meeting.
3. nagdadrive.
4. empty bat.
5. natutulog.
6. naiwan ang cellphone.
7. nagtitipid.
8. tinatamad.
9. nasa cr.
10. nasa danger zone... yung lugar na feeling ko ay maraming snatcher.

10 reasons why i don't answer your calls.

1. nasa meeting.
2. nasa cr.
3. nagdadrive.
4. natutulog.
5. nasa loob ng bahay-sambahan.
6. pinagtitipid kita.
7. pinagtataguan kita.
8. ayaw kong marinig ang boses mo, bad breath ka kasi... hahaha!
9. tinatamad lang talaga.
10. nasa danger zone.

Friday, September 02, 2005

most gorgeous man

nag-iisip ako ng magandang post to end this week, until i received this e-mail from owen. e natawa ako, baka kayo, matatawa rin... hehehe. ang masasabi ko lang... iba ka talaga manong! kung sino ka man... hehehe

The Most Gorgeous Man In the World (PINOY VERSION)

spot the difference:







yun lang... happy weekend!!!!

background music

medyo nainggit doon sa bagong bahay namin na may music, naisipan kong lagyan din ito ng music... hehehe. since madilim daw dito at kahit may ilaw ay madilim pa rin, hayan ang napili kong music... hehehe. laksan nyo na lang yung volume para marinig nyo. salamat kay benjo for the idea... hehehehe. for the benefits of walang sound card or nakablock yung audio streaming... my background music is Kaka... from Yano.

yun lang

ang meeting

nagpunta ako sa isang kliyente namin para makipagmeeting, ako lang ang pinapunta, kaya ko na raw yun. 10:30AM yung meeting time, sa room 101 daw. it was an hour drive from our office to their office. syempre, nagdrive na naman ako papunta doon, and i reached the place at exactly 10:30AM, ayon sa aking relo, ewan ko sa relo nila...hehehe. pagdating ko dun sa room 101, aba! at wala pang tao. nagpunta ako sa guard, tinanong ko kung saan ang meeting, tumawag sya sa phone, sabi, sa 6th floor daw. nagpunta ako sa 6th floor, pagdating dun, wala din, tapos nakita ko yung isa sa mga dadalo raw sa meeting. sabi nya, papunta na raw dun yung kanyang representative sa room 101. balik ako sa ground floor. pagbaba ko, nakita ko yung kanyang representative... sabi ko "saan ba ang meeting, di ba aatend ka?", sabi nya.. "oo, kaso, wala pang tao sa room 101... wala pa yung taga diav*x (yun ang company namin!)"... sabi ko.. "wala pa yung taga diav*x??? e andito na ako!" sabi nya..."a ikaw ba yun! akala ko, taga IT department ka namin." sabay tawa. tapos, sabay na kami nagpunta sa room 101. naghintay ng mga aattend, dumating lahat mga 11:00AM na, mga head ng department nila, tatlong head ng call center, meron sa IT, meron sa telco department. wow! dami nila, in full force samantalang ako lang ang ipinadala ng kumpanya namin... tsk tsk tsk. parang pelikula ni fpj, isang trak ang kalaban sa tubuhan, sya lang ang hinahunting, patay silang lahat.. hehehe, nalalayo ata ako... ok tuloy ko na...

nag-umpisa na yung meeting, nagpreside yung isa, syempre, lahat ng tanong nila, ako sasagot, may problema kasing kinakaharap yung isang system namin na hindi naman namin maayos-ayos dahil naman sa mga walanghiyang virus na gumagala sa network nila. kahit gaano pa sila karami, isa lang ang sagot ko sa kanila... "we cannot troubleshoot any issues unless you remove all the viruses on our server and secure the network for future virus intrusions." hahaha, galing kong mag-english... hehehe. hayun, hanggang sa umikot na yung usapan sa paglalagay ng security measures sa network nila, etc.. etc... marami pang napag-usapan, di ko na ibibigay yung detalye, basta i remained where i stand. hindi namin maaayos ang problema kung patuloy na guguluhin ng virus yung system namin... hehehe. natapos yung meeting, gumawa ng time plan at umuwi na ako.

pagdating dito sa office, nireport kay bossing ang napagmeetingan, nagreimburse ng pinanggasolina, naupo, nagpahinga, binuksan ang notepad at tinype ang entry na ito pangpost sa blog ko. hehehe.

that's all for now.

Thursday, September 01, 2005

bisnes apdeyt

nagising ako... 8:50AM! ang time ko sa office, 9:15AM. ewan ko ba, sarap matulog eh. yun, dumating ako sa office ng 9:45AM. late ng 30 minutes. tapos may meeting daw ng 10:00AM! tsk tsk tsk. buti hindi natuloy yung meeting, kaya heto, gawa muna ng post. hehehe

usapang business muna... hehehe. ok din pala yang may blog. nakakuha ako ng isang retailer na hindi ko kakilala, at hindi rin blogger, pero naligaw sa blog ko dahil naghahanap sya ng dealer ng prepaid pinoy. e sa picture ko pa lang, mukhang katiwa-tiwala na, hayun, retailer ko na ngayon.. hehehe. nakita lang daw nya yung post ko about prepaid pinoy sa kakasearch nya sa yahoo eh, siguro, hinahanap yung official website ng prepaid pinoy which is still under construction, ginagawa pa yung ilalim.. hehehe. she sent me a message, nag-email ako ng details. kahapon, nagdeposit na sya ng 500, at pinasahan ko na ng 500. hayun, nagbebenta na sya ngayon sa computer shop nya sa sta mesa daw, mostly, game cards. mamaya, magpapaload na ulit yun, paubos na daw kagabi eh. magkikita kami mamaya to give her the posters and manuals.. yung softcopy muna kasi yung ginamit nya.

magkakaroon na rin ako ng "branch" sa nueva ecija, nakausap ko na, kumpleto na sya sa paraphernalia. mag-uumpisa na rin sya. nakilala ko doon sa kuwait... e naghahanap ng trabaho, sabi ko, bigyan ko na lang sya ng negosyo, basta may capital syang 500, pwede na... sya na magpalago.. hehehe. hayun, mag-uumpisa na next week.

so far, so good. 20 na retailers ko. dami pang pending. goal ko lang naman ay magkaroon ng 100 retailers in 6 months, tapos, tama na siguro. buhay na ako siguro nun... kahit magresign na ako dito at magblog na lang ng magblog... hahahaha!