Saturday, September 17, 2005

kahit papaano

nitong nakaraang mga araw ay nauso na naman ang baha... dahil naman sa ulan. ewan ko ba dito sa manila, konting ulan, baha na kaagad. barado kasi ang mga kanal dahil sa mga basurang ikinalat ng mga taong walang disiplina sa pagsalansan ng kanilang mga basura.

speaking of kanal, napansin ko lang nitong mga nakaraang araw din doon naman sa batangas city, kung kailan tag-ulan, saka nila naisipang maghukay ng mga kanal, kaya naman ang sikip nung kalye. ang haba ng summer, hindi sila naghukay, kung kelan tag-ulan na, saka sila di-magkandaugaga para ayusin ito. sabagay, may katwiran din naman sila kahit papaano... tuwing summer nga naman, tuyo ang lupa... mahirap maghukay... hahaha! at least, kahit papaano, may ginagawa sila. kahit papaano, may nakikita akong magandang pinupuntahan ang buwis na kinakaltas sa akin... kahit papaano, may silbi sila.

kakasama kasi minsan ng loob na sa south superhighway... biglang may dadaang ford expedition na numero otso ang plate number, may kasamang back-up na akala mo ay mga kung sino... ang aangas... gusto ko lang sabihin sa kung sino mang congressman na nakasakay doon... "hoy! kung hindi ako kinaltasan sa sweldo ko... wala kang ipag-aangas dyan!... nag-ambag din ako sa expedition mo!! minsan naman, palit tayo ng sasakyan!!!" hahaha!

2 comments:

karampot said...

hey marghil! made it sa iyong blog. hay! oo sobrang nakakainis yung kombinasyon ng taong mga walang disiplina at mga politikong alang pakialam. sobra! sabihan mo nga sila! hehehe...

Empress Kaiserin said...

isa lang masasabi ko sa mga naka 8 na yan... ponyetah.