Saturday, September 10, 2005

unang napalayas ni kuya

napanood ko yung 1st eviction night ng pinoy big brother kung saan napalayas na si rico sa bahay ni kuya. may mga tanong lang ako sa nangyari... ano ang tunay na score? bakit percentage lang ang ipinakita?? may isang minuto pa raw para bumoto, pero hawak na ni willie yung resulta??? tapos, ginawan nila ng palusot, ang hawak daw ni willie e yung resulta na nagsasabing ligtas na si franzen. come on, may isang minuto pa nga, paano nilang nalaman na ligtas na si franzen? dahil 79% na daw boto ni franzen? e pano kung yung last minute, biglang bumuhos ang text votes ni rico at racquel, e pano yun? ano ang tunay na score?? bakit hindi isapubliko??? im not accusing anything, pero dapat, isapubliko yung botohan, yung mismong exact tally ng text votes, they must show in real time para hindi ko naiisip na may foul play na nangyayari. di ba, kaya naman nilang gawin yun? i remember seeing the text votes in real time sa isang singing contest nila. star in a million yata yun. dapat, gawin din nila dito. ang dali kasing sabihin na 11% si racquel, 10% si rico at 79% si franzen. the result can easily be manipulated.. di ba? kung sinong gustong patalsikin ng management, kayang kaya nilang gawin.. percentage lang naman ipakikita nila in public eh. calling the organizer of pbb... alisin nyo ang doubt sa kukote ko... isapubliko ang tally ng text votes, show it in real time!

may napansin pa ako... hindi ata nainterview ni willie si nene, bob at jenny. sabi nya, interviewhin nya yung hindi nominated, tapos, ininterview lang nya si jason, jb, say, uma at cass. sinadya ba yun? di ba dapat, marinig din namin kung ano yung laman ng kukote nung tatlo? ewan ko. basta sa second season, kung may pagkakataon ako, sasali ako dyan.. hahaha!

yun lang.

7 comments:

yen said...

oha oha magwewelga na c marhgil hehe! cool ka lang baka maalta presyon ka dahil sa PBB n yan! pro kunsbagay may point ka jan noh! dpat tlga ipakita sa public ung score pra fair naman sa lahat db!?

m|e|y|m|s said...

oo nga! hahaha! hindi clear yung nangyari talaga!

sumali ka na nga at papakyawin namin lahat ng Datu Puti products para 2 points per vote kami! Wehehehe!

pnut gritu said...

marahil kulang sa oras... lam mo nmn cla...laging kulang sa oras..pero napansin ko rin kht emote emotee din ako na tulad ng mga contestants...

lukin4gf said...

tama ka dyan tito Marhgil...

madaya talga sila...hu hu hu.

nice said...

sana sa racquel nalang ang natanggal... kakainis!

dun sa di nainterview sina bob, nene at jenny baka naman nainterview sila pero cut nalang kasi walang oras.

Flex J! said...

Pards,

Fans ka pala ni Big brother....sa susunod kung sasali ka na send me a note para mag-text ako sa kanila at makuha mo premyo....balato ha...

nag-enjoy!
--jun--

kukote said...

yen... cool na cool ako dito... hehehe. dapat talaga, makita yung tunay na score =)

meyms... clear na clear yung pagiging malabo... hehehe.

pnut gritu... lagi nga silang nagmamadali

lukin4gf... ewan ko, mukha talagang my foul play

nice... feeling ko, kaya di nila tinanggal si racquel, mawawalan ng kontrabida sa bahay eh.. pero feeling ko talaga, sya yung binoto na matanggal. ewan ko.

flex j... hayaan mo, makikita mo naman ang mukha ko sa tv pag kasali na ako.. hahaha!