Monday, September 05, 2005

mukhang pera

5:30 na.. ang TV na!!! yun nga lang, wala akong tv dito sa office, at wala na rin namang Ang TV... hehehe. wala lang, walang maisip na intro dito sa post ko eh.

last sunday afternoon, nagpunta kami sa SM batangas, ako, ang kuya ko at ang asawa nya. sale kasi nung araw na yun kaya kami ay nakigulo na rin. bibili daw sila ng component... yun bang may dvd player na at kung ano ano pa. pagdating dun, yung nagustuhan nila dating 21K ang presyo ay 18K na lang at yung mas magandang 23K na presyo ay 21K na lang, so they decided to get the 21K kasi yun ang budget nila. may dala silang cash, pero hinarang ko... hehehe. sabi ko, "give me the cash and let me pay for it".. hehehe. ang ginawa ko, itinago ko yung cash, at ginamit ko yung utang card ko, deferred payment for 3 months..hehehe. so yung pambayad nila, nasa akin na, tapos, huhulugan ko na lang sa utang card ng 7K per month.

bakit ko ginawa yun? wala lang, sayang kasi yung 21K kung ibabayad agad nila e pwede ko pang pakinabangan... saan? sa prepaid business ko... hehehe, paiikutin ko muna yung pera doon at patutubuan bago ko ibayad sa credit card... hehehe. ewan ko ba, parang galit na galit ata ako sa pera ngayon. actually, hindi naman, kailangan ko lang makaipon ng malaki dahil may pinaghahandaan ako. ano yun? alam nyo naman, single pa ako... dapat yung future, pinaghahandaan.

yun lang

2 comments:

Ka Uro said...

galing mo talaga. busines minded. sure ko na asenso ang busines mo kaya pwede bang maki-sosyo?

gusto mong magkaroon ng tv sa office lagyan mo ng tv tuner ang pc mo para habang nag-cocomputer ka may maliit kang window para manood.

Anonymous said...

hello. di ako maka-IM eh, bina-block ng kung ano man sa pc ko ang messenger. eniwei, interesado kasi ako sa business mo, can i get some details about it? thanks.