Sunday, September 25, 2005

helpless mode

i feel so helpless!!! wala akong magawa!!! kaya ba isa sa pangarap ko, yumaman at magkamal ng maraming pera, para makatulong sa nangangailangan!!! ngayon ko lang napagtanto, kulang pa talaga ang kinikita ko!!! ano ba itong pinagsasasabi ko??

30 minutes ago, nasa bahay ako ng tiyo ko, kapatid ng inay. and he was dying. naconfine sya last week for 3 days, tumaas daw ang blood sugar, pero lumabas na sya kahapon dahil wala na daw pambayad sa hospital. dito na lang daw sa bahay maggagamot. pero sa itsura nya kanina, it's more than blood sugar. my kumplikasyon na sa baga. hirap na hirap syang huminga, ang sakit daw. wala akong magawa. gusto kong sabihin, ibalik sa hospital... pero sheT!! wala akong pera! sapat lang yung kinikita ko para sa akin! lahat sila, hirap. kung may extrang pera lang ako dito, pinadala ko na sya sa hospital. pero yung 3 days na naconfine sya sa hospital, beinte mil na nagastos nila, at yun, naubos na daw ang ipon. shit talaga!!! ganun ba talaga kamahal ang pagpapaospital!!! sa tingin ko talaga, wag naman sana, pero parang next week pagbalik ko dito sa batangas, maswerte pa kung abutan ko syang buhay... grabe. nadatnan ko sya, nakapikit, ang payat, tapos katabi yung pinsan ko, hinahaplos yung dibdib nya, masakit daw talaga, ilang gabi nang di sya makatulog. nung dumating ako, kilala pa naman nya ako... at kinilabutan ako sa sinabi nya... "marhgil, paalam na." tsk tsk tsk. tapos sabi pa... "yung utang ko sayo.. si zonji na magbabayad ha." shet!!! wala akong masabi, natulala talaga ako. ipinamana pa sa kanyang anak yung utang nya sa akin!!! umalis na lang ako at nag-iwan ng konting pera.

wala akong ibang maitutulong kundi prayers, at sa lahat ng nagbabasa ng blog na ito, please pray for my uncle. sana, gumaling pa sya at humaba pa ang kanyang buhay. sana...

5 comments:

Anonymous said...

Naluha naman ako... ok, i'll include your uncle in my prayers. Naranasan ko rin yan nung mamatay ang lola ko. There's nothing we can do but pray na lang.

Anonymous said...

nalungkot naman ako... naalala ko taty ko ganyan din kasi sya.. pero sa puso naman.. nung nasa hospital ako yung humihimas ng dibdib nya... kaso namatay na sya..:( bat hindi dalhin sa PGH humingi ng tulong sa DSWD.

Anonymous said...

I've been there too koya..

Basta wag ka mawawalan ng Faith. He has a plan for all of us.

Include it in my prayers koya.

kukote said...

insan! nakakalungkot talaga, sana, makarecover pa sya. sana.

nice... salamat ha.. let's just keep on praying

chaucer... ayaw na nya magpadala sa hospital eh, abala lang daw at gastos, e wala na ngang magastos. ewan ko... ipinagpasaDyos na lang eh.

lukin4gf... thanks!

Empress Kaiserin said...

life's hard... kaya nga bawal magkasakit... kasi dito sa pinas wala tayong effective welfare program due to incurable corruption. and corruption will never end because of poverty. sa banang huli, it's always the ECONOMY... top-down dapat dito, example must begin from the top... pero una sa lahat, better economic program muna... japan after the war was severely devastated pero nakabangon (with the help of the americans), because of the top-down policy (discipline from the govt muna before the citizens!) kaya ayun effective ang econ program nila... (the help of the americans is another topic altogether, diff issue po)haaaaaayyy... sorry for this lecture, can't help it... :)