first time kong magpunta sa sm megamall na may drive na sasakyan. dahil nakasanayan ko dati na kung byahe ka, pagbaba mo ng bus e maglalakad ka na lang papasok dun sa megamall, naging isang palaisipan pa sa amin kung paano makakapasok doon sa parking area ng megamall, sa edsa kasi kami nagdaan, yun lang kasi ang alam kong daan. ok naman, basta nung makalampas kami ng megamall, yung unang kantong nakita ko, pumasok na ako, tapos naghanap na lang ng mga sign boards, nakarating din naman sa dapat naming puntahan, nagpark kami doon sa car parking area sa megamall b. alas diyes yung schedule, dumating kami, alas onse na, sabi ko kay francis... filipino time yan, hindi pa tayo huli.. hahahaha!
pagdating doon sa place, hindi pa nga nag-uumpisa... punta muna kami sa registration area para kumuha ng id. di ko alam kung bakit hindi kami nakaregister nina francis ganung sa online list nila ay nakalista na kami. so, nagpalista kami. nagturo na naman ako ng spelling sa mga tao dun... how to spell my name correctly... hehehe. hassle talaga itong pangalan ko, laging ganun, basta may mga ganyang event na kailangang magregister, i have to spell my name so that they can write my name correctly! sa susunod pala, magpapatatak na ako ng t-shirt na may malaking pangalan ko sa harap, parang brand name, hehehehe.
after the registration, hanap kami ng upuan, tanaw na kaagad namin si ka uro, so sabi ko, doon tayo sa malapit kay ka uro, para mameet na natin. narecognize naman ako ni ka uro, at sya pa ang lumapit sa amin... hindi ko malilimutan ang comment nya sa akin... "mas gwapo ka pala sa personaL!" hahahaha!!! ano, ka uro, pwede na ba kitang maging tatay??? hahahaha!!!
bago nag-umpisa yung seminar, nagkaroon pa ng roll call ng mga attendees. ewan ko ba, tama naman yung pagkabaybay ko ng pangalan ko at tama naman yung pagkasulat noong nagsulat, pero may konting erasures siguro, kaya nung tawagin yung pangalan, hindi na lang ako tumayo at hindi na rin ako nangahas na itama pa, ang dami kayang tao dun, ayoko maging center of attention.. hehehe. nung tawagin kasi ako.. ang basa ba naman... "Margot Macuha!" tunog babae na, tunog maggot pa!!! hahahaha! so, i just let it pass... iblog ko na lang dito.. hahahaha!
bukod kay ka uro, i met some fellow bloggers. si flex j at si blue, andun din. si jinkee, nagpakilala rin sa akin, hindi ko alam kung blogger din sya... sorry ate ha! di ko talaga alam, pero natutuwa rin ako sa comment mo... "mas gwapo ka sa personal." hahahaha! pareho pa kayo ng comment ni ka uro ha! may nagpakilala pa sa aking isa, sya daw si louie! hi louie! nagbabasa ka rin ng blog ko? o heto, binabati kita dito! blogger ka ba? ano blog mo?? hindi tayo nakapagkwentuhan eh! pasensya na po kayo sa akin, sa personal talaga, hindi ako makwento, unless nakainom ako! hahaha. tahimik lang talaga ako sa personal, hindi masyadong makwento unless we are already bonded by friendship. isa pang EB at dadaldal na ako.. hehehe. pero natutuwa ako sa lahat ng bumati at nagpapicture kasama ako! hindi ko akalain, may mga nagbabasa pala talaga nitong blog ko! grabe! feeling artista ako!!! hahahaha!
syempre, hindi ako papayag na matapos yung araw na wala akong picture kasama si ka uro! so, eto... ang picture naming dalawa. pansin ko lang, parang ang payat ata ni ka uro ngayon, or talagang mataba lang ako? a ewan! hehehehe.
"marhgil meets ka uro"
14 comments:
Tama nga si flex isusulat mo itong sabado gimik sa blog mo hehehe. I agree rin dun sa comment nila ka uro at jinkee hhehe..palagay ko papayag na si ka uro hahaha! Nice meeting you po!
ako rin ilang bese kong na mispell ang name mo...combination of names ba yun? ako lagi kong nauuna yung h as in mhargil or mahrghil..ang hirap alalahanin! anyway, nice that you had funnnguapo ka naman ah, sino ba nagsabi pangit ka?
Hi Marhgil,
Saan ba talaga kinuha yung pangalan mo? Combination ba to ng pangalan ng mga kamag-anak mo? Idol ba ng nanay mo si Mark Gil? Saan ba talaga kuya?
By the way, uulitin ko yung sinabi ko nung Saturday, mas gwapo ka sa personal. May gimik ka pala that Friday, kaya pala rosy cheeks ka :-) It was really nice to meet you.
kumusta po, napadpad po ako dito buhat sa site ni abaniko.
okei po ang blogs nyo.
puwede ko po ba kopyahin ang shigi-shigi lyrics n'yo? kasi po Shaider fanatic din ako. sa'n n'yo po nahanap ang shigi-shigi? siyangapala ang original na Alexis a.k.a. Shaider ay pumanaw na sa edad na 33. Curious lang baka meron din po kau nung opening song ng Shaider. hehehe. link po kita kung puwede.
ei marhgil, ndi mo sinabi kung ano ung seminar na attend mo..at nakita mo si ka uro.. ask ni mayang, kung ukol ba yung seminar sa mga bloggers..! at 22o naman na guwapo ka sa personal.. ndi nga ba, mayang!! kaya naging "bear" ka ng lahat.
blugreen... masyado na ba akong predictable? hehehe, syempre, isusulat ko ito. nice meeting you din!!! ;)
annabanana... hindi ka nag-iisa sa maling pagbaybay ng pangalan ko... kahit nga mga kapatid ko na, nalilito pa eh... hehehe. madali lang tandaan... nasa gitna at nag-iisa yung H. magpopost ako some other day kung saan talaga hinugot yang pangalan na yan, promise ;)
jinkee... alam ko kung bakit mo dinilete yung una mong comment... hehehe. namisspell mo pangalan ko, right?
jinkee ulit... i'll make a post na lang about my name some other day, promise... pumalakpak naman tenga ko sa sinabi mo... hahaha! rosy cheeks pala ha ;) alaga lang yan sa safeguard.. hehehe. nice meeting you po ;)
karen... mabuti naman at nadalaw ka dine. nung isang araw lang ay yung opening theme ng shaider ang background music ko... nagcomment na ako dun sa blog mo, andun yung links kung saan mo makukuha yung shaider mp3's. ;) link lang ng link...
ning... nagtext na ako sayo! hahaha!
Naku, anhuli mo pa ako doon. Kahirap naman kasi talagang tandaan kung saan ilalagay yung 'h' mo ;D
Sayang di ko naidevelop yung pics ko kase low tech ang phone nag blard lahat.....nice meeting you Marghil...
inabangan ko yang seminar kung saan speaker si KU. Sayang at di ako nakapunta. May biglaan kase akong inasikaso.
Maiba tayo, pansin ko lang...
bat sa tuwing ka-chat kita, lagi natataon na naghahang ang pc ko?
coincidence ano?
Peace!
Marhgil,
Alam mo ba kung ano ang pangalan nung girl sa registration area? MARJEN! Muntik na kayong magkapangalan. he he he
nice meeting you mar and francis, and the rest of the pinoyz2nz during the meet. sensya na ngayon lang ako nagkapag-comment kasi wala internet access sa bahay namin sa probinsya.
i'm enjoying my vacation kahit magastos. pero mi-miss ko na rin ang mag blog hop.
Hi Marhgil! Tama na ba? Pasensya na po kung nagkamali ako sa pag-pronounce ng name mo nung 8th meet ha (Yes! ako ang salarin! Hehehe). I'm sure hindi lang ako sa name mo nagkamali. Pasensya na talga kasi medyo kabado ako nung time na yun...Di kasi ako sanay mag-host e. Hmm...Kaya pala may ibang di tumatayo pag tinatawag ko ang name! Hehehe.
bro,
In case di mo nabasa yung email ni Jes (pinoyz2nz) for you, ito yon...
...bro, 5pcs yung na-print na attendance last month. at tatlo kaming gumawa non.
unfortunately, yung alphabetical paid list na ginamit ni marjen ay di complete. nasa akin yung masterlist kaso mas mahirap para sa kanya kung iyun ang gagamitin.
hayy, buti na lang di mo nilagay sa blog mo na sinabihan kita na akala ko girl yung marhgil.
http://marhgil.blogspot.com/2005_09_01_marhgil_archive.html
na-obvious tuloy na di ko alam na sikat ka pala. cencya na ha.
Post a Comment