This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Wednesday, September 07, 2005
hinarang na impeachment
mamumulitika muna ako.... nakahinga na daw ng maluwag ang magaling nating presidente dahil ibinasura na ng kanyang mga kasanggang dikit sa kongreso ang impeachment complaint laban sa kanya. ang natatandaan ko kasi, nung magsorry sya doon sa kanyang "im sorry" speech, sabi nya, "i took full responsibility of my actions..." something to that effect... hehehe. full responsibility? tapos yung impeachment complaint, hindi nya pinatuloy sa senado, hinarang na kaagad? takot ba syang malitis? kasi, kung ako yung nasa kalagayan nya at talagang wala akong kasalanan... e mas gugustuhin kong ituloy yung impeachment trial to prove to these oppositions na mga gago silang lahat! sa akin ang huling halakhak! di ba? e hinarang ng kanyang mga sanggang dikit na congressman eh... ewan ko ba. kung hagisan ko kaya sya ng cream pie sa mukha nya, tapos, sabihin ko.. "im sorry.", ok lang sa kanya?? hehehe. ewan ko lang kung makalabas ako doon sa malakanyang ng walang galos... hehehe. tama na... baka mapadalhan na ako ng kawayan at mansanas sa aking pinagsususulat dito. hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
no comment! ay! meron pala, isa lang masasabi ko: pinagdarasal ko na sana wag ma-oust si PGMA. Pag nagkataon, mawawalan na rin ako sa trabaho. Huhuhu!
Post a Comment