sabi ko, titigil na ako sa pagboblog. aayusin ko muna ang buhay ko. akala ko, matatagalan ito, at kailangan ko pang magpost ng pamamaalam.
but here i am again, blogging. kanina pa akong kating kating magpost eh. di ko talaga matiis... grabe, blog addict na nga talaga ako. bloddict!!! shet!!!
anyways, totoo naman yung sinabi ko, aayusin ko ang buhay ko. after some turn of events, i think, ok na ako. naayos ko na ang buhay ko. bilis ah! well, i just realized na talagang ganyan ang buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba, pero kahit ano pa man ang mangyari, don't stop doing the things that makes you happy. baka mabaliw kang lalo.. ehehe. drama ko ano?
tama na yung isang araw na nadepress ako. tama na yung isang gabing di ako nakatulog. sabi nga nila, ok lang ang madapa, ok lang ang mapagod at magpahinga... ang mahalaga, ay bumangon kang muli, kahit sandamakmak ang muta mo, imulat mo, maghilamos ka, maligo and go on with your life. anyways... ok na naman yung problema ko... akala ko, hindi na maaayos, pero sa tulong ng mga taong tumulong... andito na naman ako... nagpipipindot dito sa keyboard ng laptop na ipinahiram ng kumpanya para gumawa ng panibagong post.
ngapala... hiring kami ngayon, entry level programmer, dalawa ang kailangan. baka gusto nyong mag-apply, e magpasa na lang kayo ng resume, iresearch nyo na lang kung saan ako nagtatrabaho, sikretong malupet. madali lang namang hanapin... isearch nyo na lang ang pangalan ko sa google... hehehe. kapag nakapasa kayo sa exam, ako lang naman ang gigisa sa initial na interview sa inyo... hehehe. walang tatawa ha!!! shet na malagket!!! qualification... dapat, marunong magprogram.. programmer nga eh! anong language?? french... hehehe. basta marunong kang magprogram at madaling matuto... tuturuan ka pa rin naman namin ng bagong language na hindi mo pa nakasalamuha sa paaralang inyong pinag-aralan. school preference?? wala, juice mommy yang mga employer na naglalagay ng school preference! paano naman yung mga nasa probinsya na iginapang ng magulang nila para pagtapusin sa pag-aaral?? tapos, pagsubmit ng resume, dahil hindi kilala yung school, diretso na sa basurahan! juice mommy you! pero dito sa amin, walang preference... syempre, kung meron, e di siguro, hindi rin ako natanggap dito! dito, pantay pantay... tuturuan pa kitang magblog kapag wala kang magawa... hehehehe! magkano starting??? nasa iyo naman yan, kung paano ka makikipagbargain sa boss ko. benefits? makakasama mo ako sa araw-araw na pagpasok mo dito sa office... hahahaha!!!
yun na lang muna.
5 comments:
wahaha! ganda ng benefits sa opis nyo, hehehe =) glad to see you're back to your normal self =p
Hahaha...Dong hayaan mo akong tumawatawa dito, wala lang ganun talaga pag inloved, i mean blog addict ba yon ang tamang term! basta yon na yon hehehe...welcome uli dong! Pa kiss nga! tabi tabi po, may asawa na po ako!
Teka! paaplay naman dyan Dong, marunong akong mag french hehehe...example; Bonjour, cava bien! o ano major ko blogging!
Yepeh, ako una dito!
pahabol na qualification... nakalimutan ko, sabagay, obvious naman, kaya nga ako natanggap dito... dapat... with pleasing personality! hahahaha!!!
welcome back!!! ganun naman ang tao... minsan down, minsan up, minsan nasa gitna... minsan nasa sa kawalan... ang importante you always find yourself in the position you want... oh yun mga bastus jan, di yun ang ibig ko sabihin! pero pwede na rin! anyway, humayo ka at mang-aliw ng madami!!!
sorry pala now lang me reply... kasi kinda busy lately... karaoke!!! hehehehe...
wahaha blog adik nga at d ka dn nakatiis at nagbalik ka dn! welcome back!!! ok sna mag apply jan sanyo kso slow ako sa computer at lalung slow ako sa programming hehe!
Post a Comment