dahil nga hindi natuloy yung aming presentation e nag HR mode muna ako ngayon. yung santambak na resume, around 100 ata yun, isa-isa kong binasa at hiniwalay ang mga dapat umexam. out of 100+, 21 lang yung pumasa sa qualifications ko, kaya papaexamin ko na sa friday. out of 21, mababawasan pa yan, kasi yung iba dyan, puro yabang lang pala ang nakasulat sa resume, programming skills.. VB, C++, at kung ano ano pa, pero pagdating dito, hello world lang yata ang kayang iprogram.. hahaha! siguro doon sa 21, may matitirang 10, sana naman. medyo mahirap yung gagawin kong exam, yung tipong kung kaya ka lang nakagraduate as programmer ay nangopya ka, hindi mo masasagutan yung exam ko, unless kasabay mo sa exam yung classmate mong kinokopyahan mo nung college... hehehe!
iba't ibang tao, iba't ibang style gumawa ng resume. meron dyan, halatang nagkopyahan! tapos, magkakasunod pa kung mag-email ng resume. magkakaklase kasi. ewan ko ba, pare-pareho ang format, pare-pareho ang nakasulat. personal information lang yata yung pinalitan, tapos lahat nung skills, pare-pareho na. mga fresh grad kasi, pero hello!!! graduate na kayo, yung kopyahan, hanggang sa school lang, pati ba naman sa resume?
ito pa... iba't ibang klaseng picture din ang makikita mo. merong mukhang bagong gising, sukat ilagay sa resume nya? meron namang yung graduation picture ang inilalagay na edited naman para maging makinis ang mukha. ewan ko, natawa na lang akong minsan, ang ganda ng picture nya, graduation pic nga, ang kinis ng mukha, pagdating dito, parang tagihawat na tinubuan ng mukha!!! syet!!! ang sama ko! e fresh grad nga sya, ganun kabilis yung pagkalat ng tagihayat?? nung grumaduate sya, ang kinis ng mukha eh... minsan, parang gusto kong itanong, "miss, what happened??" hehehe. meron pa dyang picture, mga mukhang goons naman, yung tipong mga mukhang di papahuli ng buhay, galit na galit ang itsura. at meron pa dyan, yung tinatawag naming friendster smiles... yung picture nya, mas magandang ilagay sa friendster... all smiles kasi, abot hanggang tenga, parang nag-aapply sa starstruck... hehehe. ang iba namang picture, kabaligtaran ng friendster... yung mga mukhang nalugi! ang lungkot, tipong nagpapaawa dahil wala syang trabaho.. tsk tsk tsk. meron naman dyan, parang nag-aaply na komedyante. di ko alam kung talagang nakakatawa lang yung picture nya. a ewan... di ba, pwede namang magpapicture ng disente? nag-aaply ka nga ng trabaho eh. kahit ano pa yung itsura mo, magbihis ka ng disente at humarap sa camera ng disente, ayos na yun!
anyways, hindi lang naman yung picture ang tinitingnan ko. syempre dapat, may skills. makapasa sa minimum requirements. kahit taga probinsya, basta qualified, isinasama ko. kahit nga taga cebu, hehehe. bakit? alam naman nilang sa manila ito, nagpass sya ng resume, meaning, willing sya lumuwas ng manila to take the exam, di ba? nasa kanya na naman yun kung gusto nyang siputin yung exam, basta i gave them the chance. ganyan din kasi ako dati, nag-aapply ako sa internet, nasa batangas ako. minsan, luluwas lang ng manila to take a 30-minute exam. mas mahaba pa yung byahe, dalawang oras.. hehehe. minsan nga, naliligaw pa ako dito sa manila eh! lalo na dine sa makati... tama na, naalala ko na naman ang aking nakaraan.. hehehe.
interview experience... sa mga nainterview ko naman, ito ang iba't ibang klaseng tao na nakasalamuha ko nitong nakaraang hiring namin last april. most of them, dahil mga fresh grad, kinakabahan, kahit ang lakas ng aircon, pinagpapawisan. at kapag tinanong mo, tuloy tuloy ang sagot, halatang memoryado. meron nga akong naencounter, hindi tumitingin sa akin, diretso lang ang tingin nya sa kawalan. tapos, kada tanong ko, sumasagot naman sya, pero ang nakakatawa, hindi nagbabago yung facial expression, tuloy tuloy lang yung pagsasalita na bibig lang yung gumagalaw, parang robot.. hehehe. marami sa mga lalake, ganyan. sa mga babae naman, merong mahiyain, meron namang talagang maboka. i remember once, pinagtawanan ako ng mga officemates ko, ewan ko ba sa mga ito, silip ng silip sa cubicle ko habang iniinterview ko yung isang magandang applicant. ako pa raw yung pinagpawisan! shet! pero infairness, maganda talaga sya at marunong. kaso, di nakapasa sa mga big boss ko... hinayang tuloy ako... ehehehe! (first lady.. peacE!)
sa mga darating na araw... magiinterview na naman ako. we urgently need two entry level programmers. kung gusto nyong mag-apply, send your resume na lang dito sa company namin, nakapost doon sa website namin ang qualifications. saan nga ba yung website namin? hanapin nyo na lang yung pangalan ko sa google at makikita nyo yung website. challenge na rin sayo yan... hindi pa kami nagpost sa jobstreet, siguro, next week, kapag walang nakapasa dito sa 21. pag nakapasa kayo sa exam, paghandaan nyo na ang una nating pagkikita... hehehe.
yun lang.
5 comments:
oy, apply ako dyan! ky lang mali pala qualipikation ko... hanap nlang iba trabaho!
Paano ka mag-interview, marhgil? Seryoso ba? Naka-ngiti? Naka-simangot? Poker face? Kasindak-sindak? :)
HR officer din ako dati... enjoy din ako... iba ibang klaseng tao ang dumaan sa palad ko... tama ka, madaming mayayabang, atmas maarte pa sa akin... there was this girl, na qualified sana, i set an interview with herkasi nga "qualified", tapos on the day on the interview, she called me and said:
"Ma'am sorry i can't make it today? Can we resched it?
Ako: "Why can't you make it?"
Sya: "Kasi i don't have a ride going there eh!"
Nge. Ayaw mamasahe kaya di na lang sisipot!
Anong position yun hinahanap namin that time? Kasi nag file ako resignation (ayaw ko na magwork para sa iba talaga...), kaya ayun, ako din ang hahanap ng kapalit ko! of course ang pinili ko yun opposite ko! yun masipag pumasok arawa araw at di nakikipag sigawan sa boss nya pag mainit ang ulo! hehehe...
salamat sa bisita, sana makabalik ka.
Bakit kailangan ng picture sa resume diyan sa Pilipinas? Dito sa kabilang panig ng mundo hindi kailangan ang picture sa resume. Which I prefer. And hindi rin pwede dito yong "with pleasing personality" sa mga job requirements. Yon lang. i just find it funny (and useless) that people should include pics on their resume unless they're applying for a modelling job.
Post a Comment