nagising ako... 8:50AM! ang time ko sa office, 9:15AM. ewan ko ba, sarap matulog eh. yun, dumating ako sa office ng 9:45AM. late ng 30 minutes. tapos may meeting daw ng 10:00AM! tsk tsk tsk. buti hindi natuloy yung meeting, kaya heto, gawa muna ng post. hehehe
usapang business muna... hehehe. ok din pala yang may blog. nakakuha ako ng isang retailer na hindi ko kakilala, at hindi rin blogger, pero naligaw sa blog ko dahil naghahanap sya ng dealer ng prepaid pinoy. e sa picture ko pa lang, mukhang katiwa-tiwala na, hayun, retailer ko na ngayon.. hehehe. nakita lang daw nya yung post ko about prepaid pinoy sa kakasearch nya sa yahoo eh, siguro, hinahanap yung official website ng prepaid pinoy which is still under construction, ginagawa pa yung ilalim.. hehehe. she sent me a message, nag-email ako ng details. kahapon, nagdeposit na sya ng 500, at pinasahan ko na ng 500. hayun, nagbebenta na sya ngayon sa computer shop nya sa sta mesa daw, mostly, game cards. mamaya, magpapaload na ulit yun, paubos na daw kagabi eh. magkikita kami mamaya to give her the posters and manuals.. yung softcopy muna kasi yung ginamit nya.
magkakaroon na rin ako ng "branch" sa nueva ecija, nakausap ko na, kumpleto na sya sa paraphernalia. mag-uumpisa na rin sya. nakilala ko doon sa kuwait... e naghahanap ng trabaho, sabi ko, bigyan ko na lang sya ng negosyo, basta may capital syang 500, pwede na... sya na magpalago.. hehehe. hayun, mag-uumpisa na next week.
so far, so good. 20 na retailers ko. dami pang pending. goal ko lang naman ay magkaroon ng 100 retailers in 6 months, tapos, tama na siguro. buhay na ako siguro nun... kahit magresign na ako dito at magblog na lang ng magblog... hahahaha!
6 comments:
malapit na yan madagdagan ng isa pa... ;)
Dong, yayaman ka talaga plus pa yong planong ipupublish mo na ... di ko nalang sasabihin para may konteng suspense lol's
Ethel
oi! i-reserve moko ng slot! wag ka muna sasara...kung sakali...
gusto ko din sumali jan, bka jan ako yayaman...
mabuhay ang Prepaid!
Hi agen! Im under PREPAID PINOY din. Naghahanap kasi ako ng *1 SIM, LOAD ALL NETWORKS* sa bidshot.com at may nakita naman ako. Nakipagmeet ako sa kanya, girl naman kaya nagtiwala din me sa kanya. UE Student, since malapit lang ang MalacaƱang dun, nagmeet kami halfway sa may Legarda. Kaso lang bakit ang singil nya sa akin ay P650? Naisahan yata ako dun ah, sayo kasi P500 lang. Teka, may recruitment din ba jan? Para naman aside from loading my clients eh kumita me ng commission.
hello everyone, thanks for the comments... kay nice na lang ako magrereact..
nice... i don't think, naloko ka. it's on the dealer's discretion naman kung magkano yung starting load nya. yung ibinayad mo bang 650, load credits na ba yun? or just membership or registration fee? wala kasing membership or registration fee. yung 500 sa akin, initial load na yun na pwede na nyang ibenta. walang recruitment. di na kasi kailangang ipagrecruit, maganda yung system kaya mas marami yung voluntary nagjojoin kesa sa marecruit. yun lang ;)
Post a Comment