Tuesday, September 20, 2005

walang barya

tuwing martes, nagtataxi ako dahil coding yung sasakyan ko. at kanina, may nangyari na naman sa taxi. nope, hindi po ako nautot!! hehehe. nakakaasar lang minsan itong mga taxi driver kung maningil... rounded to the higher tens... kagaya kanina... 52.50 yung nasa metro, nagbayad ako ng 60, aba, at wala nang balak na ako ay suklian!

sabi ko, "manong... yung sukli kong 7.50"... sagot nya.. "walang barya eh." sagot ulit ako, "sya, ibigay nyo sa akin yung sampung piso ko... 50 na lang singilin nyo sa akin, wala rin akong baryang 2.50 eh!" hehehe. ano sya, siniswerte? yung pagtaas nga ng singkwenta sentimos sa pamasahe, ilang rally ang nagaganap bago maaprubahan, tapos, kokotongan nya ako ng 7.50 dahil wala syang barya??? hayun... dumukot ng 7.50... sabi sa akin... "pasensya na, meron pala". sus! palusot pa sya!

6 comments:

Empress Kaiserin said...

tama naman yun ginawa mo... kasi cla nga nag rarally sa "barya" na hinihingi nila from us... and reminds me, sa mga deals namin sa trading, 5 centimos, .5,.1 centimos pinag aawayan namin kasi if you multiply that sa million$, haaaaaayyyy, tiba kami!!!!!

Anonymous said...

that's a nice and striking line! magaya nga minsan sa mga taxi at jeepney drivers na garapal!

Jovs said...

Haha! Good one marhgil! Serves that bwakaw taxi driver right! Buti nalang at hindi ka nya tinapon palabas ng kanyang taxi ano?

That incident reminds me of a story posted by Bugsybee in her entry Harder and Harder

Have a good week!

Anonymous said...

ay oo nga, tama ka dyan sa ginawa mo! sana lahat ng taxi driver sa pinas maintindihan na karamihan sa mga kababayan natin eh naghihirap na kumita ng anda..dapat maaga pa lang maghanda na sila ng isusukli!

bing said...

salbaheng driver... dapat talaga ginaganun ang mga tulad niya. serves him right.

kukote said...

saint eroica... tama nga yun! =)

nice... ingat lang kapag ginaya mo... dapat, ready balisong mo kapag umangal pa.. hahaha!!!

jovs... ok lang kahit itapon nya ako... bababa na rin kasi ako nun.. hehehe!

anabanana... dapat talaga, pantay pantay lang, dapat tamang magsukli para marami ang suki.. hehehe, parang commercial ata ng softdrinks yun ah..

bing aka juliet... dapat talaga, ganun, lahat naman tayo, nagtatrabaho, dapat, walang lamangan. =)