Wednesday, October 11, 2006

snatcher at isang bandila

kagabi, habang papauwi ako, nagkaroon ng konting pagsikip ng trapiko doon sa kalyeng dinaraanan ng dyip na sinasakyan ko. tapos, natanaw ko, ang daming tao. at may isang lalakeng binubugbog. nakahiga na, pinagtatatadyakan pa nung mga tao. ang nangyari pala, snatcher yung lalake at nahuli nung mga tao, hayun, bugbog sarado. kawawa naman? hindi. buti nga sa kanya. hehehe. mas mabuti nga yung ganun, na kapag nahuhuli yang mga snatcher na yan ay nabubugbog ng mga tao, para magtanda at nang hindi na ulit mangsnatch pa. tiningnan ko nga yung itsura nung lalake at baka isa sa mga nambiktima sa akin. baka nga kung isa yun sa mga nambiktima sa akin, bumaba pa ako ng dyip at makitadyak din eh. hehehe. ang sama ko! ang dami namang pwedeng pagkakitaan, matuto lang silang mag-isip. kita nyo yung anak ni bakekang kagabi, batang bata, pero nakaisip ng paraan para magkaroon ng pera. hehehe.

humahataw daw sa myx countdown yung Isang Bandila ng Rivermaya. Sya yung soundtrack ng Bandila, late night news ng abs-cbn. panoorin nga natin kung bakit sya humahataw.



Isang Bandila, Rivermaya

yun lang!

No comments: