After magvolt-in ang Google at YouTube, what's next? Napag-alaman ko na magvovolt-in din pala dito sa Pilipinas ang Banco De Oro at Equitable PCI Bank. See story here. Aba nga naman. Dalawa lang ang personal bank account ko. Isang savings account sa Banco De Oro at isang current account sa EPCI. Wala nang iba. Tapos, magvovolt-in pa pala sila. Makapag-open nga sa BPI, para makisali din sila. Hehehe. Parang may kinalaman yung accounts ko sa kanila kaya sila nagvolt-in eh. Di ba dati, PCI bank at Equitable Bank ang nagsama? kaya naging Equitable PCI bank yun? E ano naman kaya ang magiging pangalan ng bangkong yun? Equitable PCI Banco De Oro Bank? Ang haba! hehehe.
Kahapon, nagsign-up ako sa Auction.PH. Para syang Ebay, auction nga eh. Ang maganda dun, dahil bago pa sila, may mga pakulo sila. Kagaya nung One Peso Auction Fever. Na-magbibid ka sa mga featured na mamahaling items nila, starting bid is one peso. Parang raffle yun. Kapag nagsakto yung bid mo sa lucky number nila, panalo ka, sa iyo na yung item na binid mo. Meron pang isa, yung Daily Lucky 3 Combo. May featured product naman sila na kapag nahulaan mo yung lucky 3 digits, sa iyo na yung product for a price of P100. Ano ba yung mga featured products? Cellphone, Magic sing, DVD player at kung ano-ano pa. Wala namang mawawala kung sasali ako, kasi wala namang bayad. Libre lang ang membership. Basta kailangan lang, at least 18 years old ka. Hayan, dapat magbayad sa akin ang Auction.PH for publicity. hehehe.
Balita naman tayo. Kagabi, napanood ko sa balita na naghain daw ng demanda ang isang may-ari ng billboard para patigilin ang pagbabaklas ng DPWH ng kanyang mga billboard. May kasama pang demand na perang 1 to 2 million pesos para sa danyos perwisyo daw. Hindi naman nagpatinag ang DPWH, tuloy ang baklasan. Sa korte na lang daw sila magkita. DPWH.. very good! Sana totoo yan. Hehehe. Makapagdemanda rin kaya? 5 million pesos danyos perwisyo dahil hindi ko na makita ang magagandang tanawin sa daan dahil sa nakaharang ang mga billboard nila? What do you think?
Isa pang balita. Nakaheightened alert daw ang buong metro manila. Dahil kasi yung mga sira-ulong terorista ay nagpasabog na naman ng bomba doon sa cotabato. anim daw ang patay. malamang daw na may kinalaman ito sa pagkakahuli sa asawa ng teroristang si dulmatin. hay naku, kelan kaya mawawala ang mga sira-ulong teroristang mga ito. maglalaro lang ng bomba, hindi pa sa bahay na lang nila, nangdadamay pa ng mga walang kalaban-labang mga sibilyan.
hayan, mahaba-haba na ang entry kong ito. hanggang dito na lamang. kukote po, nag-uulat. walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang patutunguhan, serbisyong walang magawa po lamang!
yun lang!
No comments:
Post a Comment