ako po ay nabiktima ng dura boys. bakit dura boys? kasi, ito ang modus operandi nila. i'll share this para wala nang mabiktima pang iba ang mga gagong iyon.
ganito ang nangyari, around 7:30AM, while riding a jeep bound to Evangelista St. Makalampas lang ng Taft Ave. sa Libertad St., may sumakay na tatlong lalake. Sabay sabay silang sumakay pero mukhang hindi sila magkakakilala, yung dalawa, pormang tambay, yung isa, pormang papasok sa opisina. sa right side ng dyip ako nakaupo. pinanggitnaan nila ako. yung isa, nasa kanan ko, yung isa, nasa kaliwa ko, at yung isa, katapat ko sa upuan.
ang nangyari, ganito. sabi nung mukhang papasok sa office, "pare, may dura ang likod mo." with a super kadiri look. nagulat ako, at pagtingin ko sa likod ko, meron nga! ang laki, shet! syempre, my initial reaction is to remove it. so, naisip ko, since pauwi rin lang naman ako, gamitin ko na yung panyo ko. so, pinunasan ko ng panyo ko. bale nasa bandang kaliwa ng balikat ko. habang pinupunasan ko, yung katabi ko sa kabila, sabi nya, "meron ka din dito sa kabila", meaning sa right side ng balikat ko. tiningnan ko, wala naman akong nakita, pero sabi nung katabi, meron daw. so, ako naman, inilipat ko ang panyo sabay punas din, kahit hindi ko alam na meron. habang ginagawa ko yun, yung katapat ko naman, nag-umpisa magsalita nang, "naku, baka kung ano yan, may dugo-dugo pa naman yung dura, may alcohol ka ba dyan?" as in, talagang yung attention ko, nafocus dun sa durang nasa likod ko. syempre, iniisip ko, saan bang lupalop ng maynila ako napasandal at nagkaroon ng dura ang likod ko! then, after that, mga ilang minuto lang, bumaba na sila. sabay sabay. ako naman, syempre, yung dura sa likod pa rin ang nasa isip ko. tapos, nang makalayo ng konti, sabi nung isang pasahero na katapat ko, "Kinuha nila ang cellphone mo!" Hayun, nagulantang na lang ako! Wala na nga ang cellphone ko sa bulsa ng polo ko! Nasalisihan nga ako ng tatlong gunggong!
So, hayan ang nangyari kaya nawalan ako ng cellphone. Sabi nga ng iba dyan, mabuti at ganun lang ang nangyari sa akin. Yung iba, tinutukan ng baril at natrauma, yung iba nga, napatay pa dahil lang sa cellphone. Mabuti na rin daw at hindi nagsumbong kaagad yung katapat kong pasahero, dahil kung nalaman ko nga naman, hindi ko rin alam ang magiging reaction ko. Malamang, naghalo na ang balat sa tinalupan at kung minalas ay hindi na ako nagboblog ngayon, minumulto ko na lang sila. hehehe.
Well, ano pa nga bang magagawa ko? Move on. Cellphone lang yan. Inireport ko sa pulis, at ang sabi, kokontakin na lang daw nila ako kapag may nahuli sila doon sa lugar na yun. Sabi ko nga ay sige, pupunta ako at nang maduraan ko rin ang mga gagong yun. Hehehe. Ang mga gagong yun, ninakawan na nga ako, dinuraan pa ako.
Tungkol naman sa cellphone number ko, kinontak ko na ang Smart and since prepaid yun, wala daw akong choice na maipablock yung number. Anyway, chineck ko, unreachable na sya. Malamang sa itinapon na yun. Pero may chance daw ako to get a SIM card with the same cellphone number! Paano? Kasi, I am using Smart Money. Yung Smart Money card ko raw ang magpapatunay na cellphone number ko talaga yun, magsubmit lang daw ako ng affidavit of loss at 2 valid id's, mapapareactivate ko yung cellphone number ko na yun. By tomorrow, pupunta na ako sa Smart Wireless Center to apply for reactivation nung cellphone number. At yung cellphone, bibili na lang ako ng bago. Ano pa nga ba?
First time kong nawalan ng cellphone mula nang matuto akong magcellphone, kaya nakakaasar talaga. kapag nahuli sila, ang gusto kong parusa, pugutan ng ulo, para hindi na makapangdura! hahaha!
yun lang!
9 comments:
ibang klaseng taktik nga po un! hay mga tao nga naman.. kapag kailangan ng pera, gagawin lahat...
ok lng yan kuya, basta, ipag-pray nyo na lang po sila.. at pihadong may kapalit na mas maganda ang nangyari sa inyong yan!
^_^
salamat sa babala ngyon kahit may dura ako sa katawan kahit sa mukha di ako kukurap.....
Totoong may dura ka nga sa likod mo? Galing sa kanila? Gross! Pero kakaiba yun ah! Ngayon ko lang narinig yun! Pero hindi ka naman tinulungan ng ibang taong kasama mo dun? Natakot ba silang maduraan?
Na post na dati sa bulletin board ng frenster ang modus operandi nayan.. cguro hindi nakarating sayo... mga mandedekwat nga nman kahit ano ginagawa eno? ayan me gift ka tuloy bagong cellfone sa bertdey mo galing sa sarili mo... heheh!! ingat ka nalang sa susunod.. lagyan mo din ng dura ang cellphone mo para di nila dekwatin heheh! joke!
ako'y nakikidalamhati sa pagkawala ng iyong CP. kahit bagay lang yon, mura man o mahal, may emotional stress pa rin. kakainis kasi feeling mo naisahan ka. pero ok na rin at di ka sinaktan. may kaibigan nga ako, in-ice-pick dahil din sa CP.
maganda at mahal siguro CP mo kaya nakursunadahan. next time yung mura-murang CP na lang bilhin mo.
may narinig din akong similar MO. sa bus naman. may maghuhulog ng mga coins, tapos kunwari hanap siya ng hanap. in the process binubunggo ka niya at sinisiksik. di mo alam yung kasabwat niya dinudukutan ka na.
bilib talaga ako sa pinoy, napaka-creative sa lahat ng bagay. lalo na sa kabulastugan. ba't kaya di na lang gamitan ang talent sa kabutihan? hay buhay!
tsk tsk. kumakalat na. dati talamak naman daw yan sa may ortigas banda.
buti nalang bulok cellphone ko...hehehehe. dapat pala mag aral ako ng martial arts bago umuwi ng pinas..LOL
hala may bgo na2man clang modus operandi.. mga tao nga naman s pinas wala ng dpat pgkatiwalaan.. kaya ako sobrang ingat sa pinas.. mabuti ng cgurado kya never p ko nananakawang ng celfon sa awa ng diyos...
Sabi ng wag mo ilalagay yung celfone sa bulsa eh!
MAYABANG KA RIN eh noh!!
Post a Comment