yesterday, hindi ko alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko. ang init init na para ba akong magkakatrangkaso. ang sakit pa ng ulo. it all started nang hapon na, siguro mga alas tres. umuwi ako around 7:00PM. lagi kasing ganyang oras ako umuuwi, para hindi na masyadong traffic. paglabas ko, ganun pa rin ang pakiramdam ko. ang init talaga. so, ang ginawa ko, nagpunta ako sa mercury drug at bumili ng biogesic. tapos, kumain muna ako doon sa chowking ng wanton noodles. saka ko ininom yung biogesic. pagdating ko sa boarding house, may yellow cab pizza, fried chicken at spaghetting nakahanda. birthday kasi ni ron, board mate ko. hayun, anong gagawin? hahayaan ko bang mapanis na lang yun? hehehe. syempre, kumain ako. pagkatapos nun, ok na ang pakiramdam ko. gutom lang ata ako. hehehe.
last week na pala ngayon ng love story in harvard. pero hindi ko na sya masyadong nasusubaybayan. ewan ko, naging antukin ako ngayon. paghiga ko sa kama, nakakatulog na lang ako eh. kung dati, napapanood ko pa yung saksi, ngayon, yung bakekang, hindi ko pa matapos. ewan ko ba.
binabaklas na pala ngayon ng DPWH ang mga billboard. mabuti naman kung ganun. ang suggestion ko lang doon sa mga may-ari ng billboard, huwag nyo nang hintayin ang DPWH. kayo na ang kusang magbaklas ng mga billboard nyo. tutal, billboard nyo naman yun, at saka nang hindi naaaksaya ang aming mga buwis pambayad lang sa DPWH para baklasin ang mga billboard nyo. natural, yung mga nangbabaklas na taga DPWH, buwis naman ang ipapasweldo. nang magamit naman yung buwis namin sa ibang kapaki-pakinabang na proyekto.
yun lang!
2 comments:
astig ka tlga! heheh! sige barahin mo mga may ari ng billboards, kung gustong magpagawa ulit, kelangan ilagay ang link ng blog natin sa billboards. hehe
@tutubi... hehehe. masakit naman talaga sa mata yang mga billboards na yan.
Post a Comment