Friday, October 13, 2006

paraskevidekatriaphobia

kung takot ka sa friday the 13th, meron kang paraskevidekatriaphobia. di ba, friday the 13th ngayon? so yung mga takot sa friday the 13th, stay at home na lang kayo. hehehe.

bakit ba nagkaroon ng ganitong phobia? saan ba nagsimula ito. e ano ngayon kung byernes ngayon at 13th day of the month? alam nyo ba na malaki ang nawawalang pera dahil sa friday the 13th na yan? last august 13, 2004, ayon sa national geographic news, "an estimated US$800 to US$900 million is lost on business because people will not fly or do business they would normally do." ayon pa rin sa kanila, nagsimula pa raw yang phobia na yan noon pang unang panahon. doon nyo na lang basahin kung ano ang buong kwento. hehehe.

well, anyway, today is friday. friday the 13th. tuloy ang agos ng buhay. kahapon pa kami pinasweldo, bakit, dahil ba ayaw din nilang magpasweldo ng friday the 13th? ewan ko. basta, pinasweldo na kami kahapon dahil yung a-kinse ay natapat ng sunday. so, may maganda rin palang naidudulot yang friday the 13th, napapaaga ang sweldo. hehehe.

konting trivia, do you know that fidel castro is born on friday the 13th? sabi sa biography nya, he was born on august 13, 1926. tapos, yung si Tupac Shakur daw, namatay on Friday the 13th, September 13, 1996. mahirap talaga kapag may tupak, minamalas. hehehe.

yun lang!

walanghiyang plug (shameless plug): Investing Wisely When Buying a Laptop

No comments: