Wednesday, October 04, 2006

bata neneng trabaho aklat

sa umaga, ang init. sa gabi, umuulan. ganyan ang panahon ngayon dito sa manila. kakaasar. kailangang maging malakas ang resistensya para magsurvive at hindi magkasakit.

nitong mga nakaraang araw, may tumawag sa aking isang company. kung actively seeking for a job pa raw ako. sabi ko, hindi na. ang tagal ko nang hindi nag-uupdate ng aking resume, at ang tagal ko nang hindi nag-aapply sa trabaho. tapos, ngayon nila ako tatawagan? 8 months na akong hindi nag-aapply eh. well, itinanong ko rin kung anong position at kung magkano kung sakali ang ipapasweldo nila sa akin, at itinanong ko rin kung anong benefits meron sila. ang nangyari, ako ang nag-interview over the phone. hehehe. simple lang naman mga tanong ko, may OT pay ba sila? flexi-time ba sila? may travel opportunities ba? cute ba ang magiging boss ko? (hindi yan kasali!) hehehe. well, dun sa mga sagot pa lang nila, hindi ko na naisipang magpasa ulit sa kanila ng updated resume ko. hindi ko pa rin nga na-uupdate dahil wala pa naman talaga akong balak lumipat, masaya pa ako sa trabaho ko ngayon. kahit japanese company ito, mababait ang mga boss namin, at kuntento pa naman ako sa sweldo.

noong isang araw, napanood ko yung laban ni efren "bata" reyes sa channel 9, kaso hindi ko natapos. ang galing talaga nya. napapawow na lang yung mga amerikano sa mga mahihirap na tira ni bata na napapasok pa rin nya.

kakaalis lang ng bagyo, may parating na naman. goodbye milenyo, welcome neneng! anak ng teteng! kailan kaya tatantanan ng mga bagyo ang pilipinas? hindi ba tayo pwedeng maglagay ng karatulang nakaharap sa may pacific ocean, "Bawal ang bagyo dito!", tapos, nakalagay ang pagkalaki-laking mukha ni GMA at ng kanyang mga alipores. ewan ko lang kung may pumasok pang bagyo dito. hehehe.

yung kinita ko sa aking link, ibinili ko na ng libro. till december 5 daw ang dating, yun ang sabi sa amazon. anong librong binili ko? itong mga ito:




wala kasi akong makita sa national bookstore nyan eh. naubusan na ako ng guinness. eh di bumili na lang online. tutal naman yung perang ginastos ko, bigay lang sa akin nung nagpalink. hehe. ubos na kaagad yung $80, mahal din kasi ng shipping charges. pero ok lang.

yun lang!

2 comments:

Anonymous said...

Huy Marghil! :D Good to know wala ka pang balak lumipat, kasi baka pagdalaw ko dian wala na ko kilala dahil puro bago na ahahaha! wow earning dollars ka na, libre ka pagbalik ko ha? :p

-Noreen

Yen Prieto said...

wow buti ka pamay $80 na hehehe.. wala bang balato hehe.

lumihis na daw ang bagyong neneng ah.. chaka wala ng itutumba pa c neneng kc natumba n lahat ng milenyo hehe.