Blogger beta, Blogger beta at Blogger beta. hayan na lang ang lagi kong nakikita sa mga forums, na kesyo mabagal daw yung Blogger beta, na kesyo ang hirap daw magcustomize ng Google Adsense sa blogger beta at kung anu-ano pa. hello? hindi nyo ba alam na hindi pa naman talaga ok yang Blogger beta, kaya nga beta ang tawag. Kaya ngayon, wala pa rin akong kabalak-balak magswitch to Blogger beta, until they officially anounced a Blogger Version 2.0. Not a Beta version. Sa mga hindi nakaalam kung ano ba ang ibig sabihin ng beta pagdating sa software, read this. Wag kayong magreklamo kung may mga bugs pa yung Blogger beta, dahil nga beta pa sya. Kagaya nung mga iblinog ko sa blogtimizer, bakit daw hindi gumagana sa Blogger beta? Malay ko, ang alam ko kasi, when you upgrade a software, it should be backward compatible. meaning, kahit version 10 na yung software mo, gagana pa rin dyan yung ginawa sa version 1. dapat, ganun. kasi kung hindi, kalokohang software upgrade ata yun.
So, if you are using Blogger beta and you can't do things that you usually do in original Blogger, dumiretso kayo ng reklamo sa kanila, huwag sa forum, sa e-mail or sa blog ng may blog. Kaya nga Beta version yan, hindi pa final. kaya nga hindi pa nila ma-irelease sa lahat ng Blogger user. pinagpapraktisan muna ang ilan sa atin. hehehe.
Naisip ko lang, kaya ba naunang nagkaroon ng Betamax bago VHS, dahil Beta version din yung Betamax? hehehe. Parang ganun ang nangyari eh, nauna ang Betamax, nung dumating ang VHS, na phase-out na yung Betamax. Wala lang, nairelate ko lang, pero mukhang non-sense. hehehe.
yun lang!
No comments:
Post a Comment