kaya pala unti-unting dumarami ang bisita ko ulit sa blog na ito, nalaman ko na kapag sinearch mo ang "bagyong milenyo" (without the quotes) sa google, aba, at nangunguna ang blog na ito sa listahan out of 20,000+ pages na nagbanggit ng salitang yun. hehehe. nauna pa sa philstar.com, manilapress.com at net-25.com! aba nga naman, at mas kinikilala pa ni papa google ang blog na ito kesa sa kanila? hahaha! yan ang nagagawa ng search engine optimization.
sang-ayon ba kayo sa total ban ng billboard sa pilipinas? ako, oo. nakakaabala naman kasi sila, lalo na kapag nagdadrive ka, tapos, makikita mo ang mapang-akit na katawan ng isang artista, buti na lang at hindi pa ako naaksidente sa pagtingin sa ganyang mga billboard. sa iba na lang kayo mag-advertise. meron namang tv, meron namang radyo, meron namang internet. dito na lang kayo mag-advertise sa blog ko. hehehe.
code review.. code review, code review. yan ang ginagawa ko ngayon. nagrereview ng source code na ginawa ng mga thai. tinitingnan kung they comply with the coding standards, para naman maintindihan ko yung application nila kapag itinurn over na sa akin. nakakahilo palang magcode review.
sige, ituloy ko na ang trabaho ko. nagpahinga lang ng konti dahil nahilo na ako. hehehe.
yun lang!
1 comment:
nakakalungkot ang dulot ng bagyo...
Post a Comment