Friday, October 13, 2006

paypal in the philippines | lipat bahay

it's friday the 13th, oo nga, alam nyo, at kanina nyo pang alam. hehehe. well, what happened? wala namang masamang nangyari. pero may magandang nangyari! Paypal is now available in the Philippines! See story here. Yun nga lang, limited feature pa lang, pero sabi nga nila, it's a good start. Sa mga hindi pa pumipirma doon sa petition, aba, pirma na!

sa monday, maglilipat bahay na ako. doon na ako sa kabila magboblog. ok? pero ito. iiwan ko na lang itong nakatunganga. hindi naman, gagawin kong tambakan ng article sa article city. pero lahat ng mga sinusulat ko dito, doon ko na isusulat. medyo komportable na ako dun sa wordpress eh. salamat sa google, pasearch search lang, may lumalabas na sagot. hehehe. yung mga links ko, iiimport ko pa. isa isa lang muna at mahina ang kalaban. pero beta pa rin yun. you'll notice template changes from time to time.

o sige, sundan nyo na lang ako sa aking bagong bahay. kukote in a jar wordpress version. I preferred using http://kaluskoskuskos.com/marhgil instead of http://marhgil.kaluskoskuskos.com. bakit? para mataas na kaagad ang page rank kapag naindex ng google, kasi, may impluwensya si kaluskoskuskos. parang subfolder lang niya. hehehe.

yun lang!

2 comments:

evi said...

aba.. aba... lilipat ka na rin pala sa kaluskoskuskos. i'll updated my link.

evi said...

ay! maling grammar.. este... i'll update my link