Wednesday, June 21, 2006

nood tayo

ang dami kong gustong panoorin ngayon! una, ngayong alas nuebe, game 6 ng nba finals! will miami heat finish it today or are we expecting a game 7? abangan. dehadista ako, kaya mavericks pa rin ako! go dirk go! =)

pangalawa, showing na ang superman returns. hhmm, gusto ko yang panoorin. syempre, of all the superhero, si superman pa rin ang da best para sa akin. mapanood nga mamaya, or siguro, sa friday night, depende sa availability ng mga tao sa paligid ko. =)

pangatlo, showing na rin ang pacquiao the movie. gusto ko ring mapanood ito. pero yun munang superman panonoorin ko. siguro ito, sa dvd na lang. siguro, bukas, meron nang pirated. hehehe. depende, gusto rin kasi itong mapanood ng father ko eh, sa batangas na lang siguro pag-uwi ko, sabay na lang ako sa kanilang manood doon sa sm batangas. siguro naman ay showing dun.

on other matters, sa mga nagpapadala sa akin ng text messages thru chikka, pasensya na kayo kung hindi ako makareply. medyo mahal kasi ang reply sa chikka. anyway, pwede pa rin naman kayong magsend sa akin kahit sinabi ng system nila na kailangan ko munang magreply. paano? read my previous post here.

yun lang!

UPDATE: sa june 28 pa pala ang superman returns. nyahaha! salamat erica! ;)

3 comments:

Saint Eroica said...

superman? june 28 na ba??? panonoorin ko yan sa imax kahit medyo steep yun price (350 daw). gusto ko makita si kevin spacey... yun pacquiao, di ko feel kasi sawang sawang sawang sawang sawa na ako sa pagmumukha ng boksingerong ito! pati pamilya nya bitbit nya sa advertisements! sa totoo lang di naman sya pleasant looking, no offense pero i'm just being honest... pag sobra na ang exposure kahit maganda ang dating, nakakaumay na! tapos may movie pa. ahahahahay... ano next tv program??? teleserye?? i suggest you see kinsey... i'm watching it tonight... pag maganda, text kita!

kukote said...

ay mali pa. sa june 28 pa pala ang superman returns. hehehe. nadala lang ako sa balita kagabi dahil nung kay dingdong dantes. nalito tuloy ako. nyahahaha! sorry for the wrong info. anyway, papanoorin ko pa rin. hehehe. yung kinsey, napanood ko na yun, matagal na, nung papunta akong saudi last year, ipinalabas sa eroplano. maganda ba? ewan ko, nakakaintriga lang, weird kasi si kinsey. he made surveys, scientific study on sex.

haze said...

buti ka pa madaming panonoorin kami dito sa pransya laging huli, huhhh! Kaya bili na lang ng DVD para sabay collections na rin or hiram na lang sa mga kaibigan!