unang araw ng hunyo, late na naman ako. bagong time card, unang punch, late. what a good way to start my june! hehehe. ok lang yan, sabi nga ng isang kasabihan, it's better late, than later.
kahapon, dumaan ako sa national bookstore at bumili ako ng rubik's cube. natuwa kasi ako dahil nabasa ko ito. akala ko, madali lang. ang hirap pala. masakit na ang kamay ko sa kakapaikot nung cube, hanggang sa inantok na ako, 2 layer lang yung nabuo ko. sabi ko pa naman sa mga kasama sa bahay, magpapapizza ako kapag nabuo ko na yun, hayun, hindi natuloy. bago ako natulog, ginulo ko na ulit yung 2 layer na nabuo ko. nakakaburaot pala yung rubik's cube na yun. mamayang gabi, try ko ulit.
well, i'm just a beginner naman. kung may nakikita kayong ang bilis magbuo nun, siguro, dahil ilang taon na syang yun lang ang ginagawa. hehehe. pero sigurado ako, nag-umpisa rin yun na kagaya ko. practice lang nang practice. ang mga doktor nga, hanggang ngayon, they always practice their profession. hehehe, hindi ba kayo natatakot, tawag nila sa ginagawa nila, practice? pinagpapractisan lang pala nila tayo. hahaha! no wonder, lahat ng tao, mamamatay din pagdating ng araw. kasi, nagpapractice lang pala ang mga doktor. kapag namatay ang pasyente, kulang pa kasi sa practice.
kahapon, kachat ko ang isang kaibigan. sabi nya, "nakakapagod ang mayo ko, ang dami ko kasing lakad." sabi ko, "talagang nakakapagod ang lakad nang lakad." hehe. yung isa ko namang friend, sabi nya, "punta kami sa bicol sa sunday". reply ko, "anong gagawin mo dun? magpapalamig? be cool!" ewan ko ba, kung ano-anong kakornihan na naman ang naiisip ko. mabuti naman at hindi sila naiinis sa akin. hahaha!
natatawa ako kapag naaalala ko yung kwento ng tiya ko sa kanyang cellphone. kung ang iba, nawalan ng cellphone dahil nasnatch, naiwan kung saan, ang sa kanya, kakaiba. paano nawala? nagshoot sa inodoro! hay naku, masyadong addict sa text eh, magccr na lang, dala pa yung cellphone. hehehe. hindi ko lang alam kung kinuha nya pa yung cellphone sa inodoro or iflinush na lang nya. hahaha!
pagbati muna, parang palabas sa tv sa pinas, kapag matatapos na, kanya-kanyang bati yung mga host. hello sa mga nagbabasa ng blog na ito! kay francesca, thanks for plugging! hahaha! o hayan, ipaplug ko rin ang blog mo. kung gusto nyong makarating sa france, visit her site here. sya ang dahilan kung bakit yung leaning tower of pisa, hindi natuloy bumagsak. oo, totoo, ito ang ebidensya. hahaha!
sige na. magtatrabaho muna ako. maya na lang ulit.
yun lang!
7 comments:
nakakatuwa ka talaga, marhgil. lagi ko yata sinasabi to sa yo.
anyway, kelan kaya mafefeature yung blog ko dito. hehehe... joke lang.
btw, hanggang ngayon hindi ko pa nagamit yung software na sinend mo sa akin.
e meron palang featuring dito... hahaha. okay ung practice... i like the thought... masyadong morbid ang istorya ko ngayon. i can learn form ur blog - bka makahawa ang laugh charms. :D
salamat sa dalaw =)
kung gusto mo mapadali ang pagbuo ng cube, baka may available sa cheat sa web...hehe
naku, buti na lang hindi ako late ngayong 1st day ng June, pero ewan ko lang sa June 5 o June 13 pag start na ang klase. hay buhay!
ang tyaga m naman kuya!!!
nangyari n dn skn yang gaya sa tita mo, nahulog n dn ung fone ko sa inidoro at tlgang dinakot ko cia ah, kasehodang may ihi pa un bsta nilublob ko ung kamay ko pra sagipin ang fone ko, kc naman 8850 un at mahal un noon, pero kng 5110 yun baka sinungkit ko n lng hehe.
nagenjoy ako sa pagbabasa ng blog mo :)
practice makes perfect kaya mag praktis ka na lang makukuha mo rin yan! although talagang nakakabagot kapag hindi mo nabuo pero try & try until you die...este succeed pala.
late ka na naman di bale daig ng masipag ang maagap (o kabaligtaran kaya) lol
sana nakuha pa ng auntie mo yung celfone nya pero kung hindi regaluhan mo na lang pamasko mo! sa uulitin. ingat!
Post a Comment