last friday night, umuwi na ako ng batangas. fiesta nga pala doon sa amin, june 9-11. ang inabutan ko ay amateur singing contest na sinalihan ng kung sino-sino. may bata at may mga matatanda. may kalakihan din ang premyo (30K, 20K, 10K) kaya naman ang daming sumali. hindi ko na nahintay kung sinong nanalo kasi, antok na antok na ako, 20+ na yung contestants na nakakanta eh mukhang ang dami pang nakapila. umuwi na lang ako at nakibalita kinabukasan.
kinabukasan, maya't maya ay may maririnig kang banda ng musiko na gumagala doon sa barangay namin. kasi naman, tatlong banda ng musiko ang andoon na nagpapaikot-ikot. grabe, ang dami nilang pera at hindi sila nakuntento sa isa lang. nasa bahay lang ako nun, nagbabasa ng blink.
nung gabi, may coronation night para daw sa reyna ng kapisanan, reyna ng barangay, at reyna ng kapistahan. noon ko lang nalaman na nakatira pala ako sa isang kareynahan, (kaharian is a wrong term, wala kasing hari, hehehe). tatlong dalagang pre-selected ng kapisanan ang pinutungan ng korona. ang gaganda nila kapag gabi at nalagyan ng make-up. during ordinary days, hindi mo mapapansin na sila pala yung mga reyna dun eh. comment ko lang, mas maganda yung reyna ng barangay kesa sa reyna ng kapistahan. anong nangyari sa coronation night? may mga kinuha silang makata galing pa sa bulacan na tumula at nagpugay sa bawat reyna, na kesyo noon lang daw sila nakakita nang ganoon kagagandang dilag, etc. etc... siguro, hindi sila nanonood ng tv, mas maganda pa rin si angel locsin sa kanila. hehehe. pero in fairness, ang gagaling nilang tumula. parang si lojika, magkakatugma ang mga pantig. hehe. engrande yung okasyon. ang daming fireworks. nagkaroon pa ng balagtasan pagkatapos ng putungan ng korona. yung balagtasan, hindi ko na pinanood dahil inaantok na ako.
kinabukasan, june 11, ang mismong araw ng kapistahan. 8:00AM, may nakaschedule na parada tampok ang tatlong reynang pinutungan noong nagdaang gabi. syempre, ang dami pa ring kasama doon sa parada. may isang kilometro ata yung parada sa dami ng kasali. masaya, may libreng kendi na ipinamimigay yung mga reyna. tuwang tuwa yung mga pamangkin ko, sandakot na kendi ang nakuha nila eh. nung gabi naman, may prusisyon. sa schedule na 5:00PM, natuloy ang prusisyon ng 7:00PM. filipino time. pagkahaba-haba talaga nung prusisyon. iginala sa buong barangay ilat. natapos yung prusisyon, alas onse na yata ng gabi.
pagkatapos ng prusisyon, dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang stage show. andun nga ang cueshe, na hindi naman binigo ang mga manonood. isang set, isang oras mahigit na tumugtog sila, non-stop. walang break. at ang manonood, pagkarami-rami. mas marami pa yata doon sa mga nagtitipon-tipon kapag eviction night sa pbb. hehehe. sa dami ng tao, isinarado na yung kalsada at ang mga sasakyang dumaraan, no choice kundi bumalik na lang at sa ibang daan dumaan. syempre, hindi lang naman tagaroon sa barangay namin ang tao doon, ang daming dayo. naisip ko nga, kung magkaroon ng stampede, patay tayo dyan sa dami ng tao. buti na lang at walang ganung pangyayari.
kahit ganoon karaming tao at ganoon karaming lasing doon sa barangay, wala namang nangyaring kagulo. mautak kasi yung pangulo namin. hindi lang barangay tanod ang mga andun. kalat ang mga sundalo ng philippine air force. ewan ko kung paano sya nakakuha ng support para makapagpadala ng mga sundalo doon. kaya hayun, their mere presence kept the drunken masters on their homes. hehehe. wala talagang nanggulo, takot na lang nila sa mga sundalo. hehe.
june 12, araw ng kalayaan, maghapon akong natulog dahil napuyat ako sa panonood ng cueshe.
yun lang!
4 comments:
ahahaha! ayos ah, buti na lang at peaceful ang inyong buong kareynahan!
sana nag house-hopping kayo.. makikain lang..hehehehe
sabi ni french, kung iyong Araw ng Kalayaan daw eh kaligayan sa filipino dahil wala na ang mga Kano sa bansa or mourning period.
Sagot ko: sa Pinoy, kahit ano pa mensahe non, basta may handa at inumin, ayos na. Ke sino man ang naging reyna, tanggap na ng tao, MALIBAN yong nanay ng kalaban ng nanalong reyna...Wehehehe.
Yong singing kontes, hangang umaga too? buti may buhay pa judges to judge, LOL
So, kukots, puyat ang beauty mo, ilang kahon ng San Miguel ka raw ba sabi ni Lolo?
eheste, maliban sa nanay nga TAlONG KANDIDATA, pala.
Sowee, bulol ako, kulang sa french wine...TAGAY pa nga o!
Post a Comment