Friday, June 09, 2006

high school life 2

sabi ko kahapon, itutuloy ko ang kwento, so heto na. after that shocking first day, eventually, nagbago naman ang pananaw ko sa buhay kinabukasan. hehehe. hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan ang payo na ibinigay sa amin ng aming math teacher at adviser na si mrs. phina ilagan. sinulat pa nya ito sa blackboard na kulay green. lagi daw nyang ipinapayo yan sa mga first year na estudyante nya. sinulat nya, "if others can, why can't i?" sa madaling salita, if others can, i can. well, tingin ko, naniwala ako sa kanya and up to this time, that is one of my principles in life. kung kaya ng iba, kaya ko rin. kung kaya nilang mag-alanostradamus, kaya ko rin. hehehe. alam nyo kung anong ginawa ko? hinalungkat ko ang old notes ng kuya ko. e dun din sya pumasok, di ga? natawa na lang ako, unang topic nga dun sa notebook nya, ano ang balarila? ano ang panitikan? hehehe. kaya pala ang galing ni owen, siguro, may old notes din sya. hehehe.

i'm not the type of student na nagtataas ng kamay kapag alam ang sagot. tahimik lang ako sa klase. pero sigurado ako, anytime na tawagin ako ng teacher, masasagot ko yung tanong. kaso, di ko talaga gawain ang magtaas ng kamay. mahiyain kasi akong tao. really? oo, itanong nyo pa sa mga kaklase ko nung high school. so, paano ako mag-aral? wala, nakikinig lang. recording every bits of information na naririnig ko. ganun lang. ganun talaga ako, hindi ko hinahayaan na matapos yung lesson na wala akong naintindihan. listen mode lang lagi ako. that's why i don't cram before examination. hindi na nga ako masyadong nag-aaral, lalo na kapag math yung exam. kasi, naintindihan ko na nung ituro, so, konting review na lang, ready na ako sa exam.

i hate memorization. pagsasaulo ng tula, ng mga date, at ng kung ano ano pa. pero no choice, kailangang gawin, kesa bumagsak sa exam. paano ako magsaulo? nakahiga ako. mas madali akong magsaulo kapag nakahiga. kaya pinakaayaw kong subject yang social studies... history. lahat na lang ng date, pangalan ng tao, okasyon, at kung ano ano pa, ipapasaulo sa iyo. para may maisagot ka sa exam. what is that for? hindi ba, mas mahalaga lang na nalaman ko yung history ng pilipinas, pero para sauluhin ko yung details, like kung kailan nagkapunitan ng sedula, kung kailan sumiklab ang digmaan, kailangan nagpunta ng hongkong si rizal, kailangan ko pa bang malaman yun? e after ilang weeks naman, after ng exam, makakalimutan ko rin. ngayon, ang natatandaan ko lang namang date, yung mga holiday. hehehe. dec 30, rizal day, june 12, independence day. syempre, walang pasok with pay eh. hehehe.

ito pa ang matindi. kailangan bang ipamemorize yung mapa ng pilipinas? ewan ko kung naranasan nyo iyon, pero may ganun kaming exam dati. bibigyan kayo ng mapa ng pilipinas na walang mga labels, tapos ikaw ang magsusulat ng mga probinsya. pati NCR, seperate exam pa yun. syempre, no choice, kailangang imemorize. during that time, syempre, nasagutan ko rin yun. pero ngayon? wtf, tanga ba naman ako para bumili ng blangkong mapa? so, para saan yung exam na yun? wala lang, para lang pahirapan ang estudyante. ngayon, ang alam ko lang sa mapa ng pilipinas kung bibigyan ako ng blangkong mapa, yung batangas, palawan, mindoro, cebu, batanes, bohol, samar and leyte. tsaka pala tawi-tawi. yung iba, malay ko. pero hindi naman nga ako tanga na bibili ng blangkong mapa, di ba? hehe. hindi lang mapa ng pilipinas, nung second year, pati mapa ng Asya, ipinasaulo sa amin. para saan, di ba? kalokohan. ngayon, kung pagsasagutin ako ng blangkong mapa ng asya, ang alam ko lang, yung Philippines (syempre!), Hongkong, Saudi Arabia, Kuwait. Yung iba, hindi ko na alam. syempre, paano ko hindi malalaman kung nasaan yan eh nakarating na ako dyan. pero yung iba, wala akong paki kung nasaang lupalop sila ng mundo.

hayan muna... itutuloy ko na lang ulit sa isang araw. hate list ata ang naging topic ko ngayon. marami pa akong kinaaayawan nung high school na kung pwedeng wag na lang pag-aralan, e hindi ko na pinag-aralan. well, hindi naman lahat ng bagay, hate ko nung high school. i would not have graduated valedictorian kung lahat, hate ko, di ba? next topic... mga weirdo kong kaklase aside from me.

yun lang!

5 comments:

lheeanne said...

O e, ganun tlga buhay ng estudyante.. i really hate social studies at mga history history na ganyan. pahawakan monako ng calculator pero libro ni Rizal at ng ibapa patay ako jan!!! buhay estudyante nga nman!

Anonymous said...

kagra-graduate ko lng at hndi ko rn tlga mkklimutan ang high skul... mhirap pro worth it nmn.. pro ako nmn,hate ko ang math at hate nya rin ako... fave ko ang memorization! hehehe...

haze said...

Naku wag na wag ang Math kasi nagsusuka ako sa kaiisip sa mga formulas at sagot na yan! Puede pa ang Science, Filipino, at Economics puede na rin....kakahiya as in B-O-B-O talaga ako!

tin-tin said...

valedictorian? naks ha! talino mo pala.

oo nga, what's the sense with the dates noh? okay lang i-memorize yung mga walang pasok. hehe. pero di na lahat. yung kwento na lang.

pero yung sa maps. i liked that. helpful sya ha. hanggang ngayon. no joke! lalo na if walang airport ang isang place, alam mo kung saan pwede dumaan. and mga estimated cost ng gastos/estimated time ng travel dahil sa layo mula sa maynila :)

Ka Uro said...

ako man, hate ko ang memorization.