Friday, June 02, 2006

life's simple pleasures

medyo matagal-tagal na rin akong nabigyan ng assignment ni ivan, ngayon ko lang nagawa. ngayon lang ako sinipag magsagot eh. anyway, heto na yung sagot ko sa tag. huli man daw at magaling, huli pa rin!
1. breathing - sarap huminga, hindi nakakapagod, hehe.
2. sleeping while it rains outside - masarap talaga ang matulog, lalo na kapag umuulan. (tinagalog ko lang ata.)
3. blogging - naging bahagi na rin ito ng buhay ko, ang magsulat ng kung ano ano tungkol sa kung ano anong nakikita ko kung saan saan.
4. reading - basa nang basa ng kahit ano, books, blogs, street signs, warnings, at kung ano ano pa.
5. dreaming - masarap mangarap, lahat kaya mong gawin sa dream world.
6. listening to music - basta on the mood ako, kahit anong genre.
7. chatting - personal chat, online chat, basta sensible na kwentuhan, with a little sense of humor.
8. watching movie - basta trip ko at may pera ako, kahit corny ang palabas, pumapasok ako sa sinehan.
9. strolling - gala gala hanggang magsawa at manakit ang aking mga binti't hita.
10. texting - patext-text ng kung ano anong kakornihan na gumagala textosphere.
lahat ng nakabasa nito, tinatag ko!

yun lang!

4 comments:

tin-tin said...

totoo.. it's nice to dream. khet sa panaginip mo na lang gawin lahat ng gusto mong gawin na di pwede. hehe

Anonymous said...

tama sarap huminga ibig sabihin binigyan pa tayo mahabang panahon ng nasa itaas na mabuhay ulit paggising sa umaga! waglang bangungutin! tsaka na miss ko na yang texting & malling ang liliit ksi ng malls dito sa pransya :(

lheeanne said...

pede bang gawin koto maghapon? pero pano na trabaho ko? heheh

Anonymous said...

number 3 pala ang blogging he he he.