Friday, June 02, 2006

constipated

sa wakas, natapos ko rin at nabuo yung rubik's cube kagabi, at natuloy na rin ang papizza ko doon sa bahay. hehehe. actually, may kasama naman syang instructions kung paano bubuuin, ang problema, english yung instruction eh. hindi ko maintindihan, pero at least, sa wakas, nabuo ko rin. dalawang beses ko pa binuo. o ha!

change mood. ewan ko ba kung bakit naiblog ko yung tungkol sa mga doktor na nagpapractice. after blogging it kasi kahapon, i got a text message around 11AM. nasa ospital daw ang father ko, nakaconfine. doon sa bejasa hospital sa bauan, batangas. hindi naman daw serious, it's just another case of constipation. the doctor just required him to be confined for observation. para mapagpractisan? ok naman daw sya, there is nothing to worry about. medyo sumasakit nga lang daw ang tyan nya, constipated nga kasi. kaya mamayang gabi ay di muna ako gigimik, diretso uwi na ako sa batangas para mapuntahan si tatay. i will use my philhealth para mabawasan ang bayarin sa ospital. inasikaso ko na ang mga papers dito, mamayang gabi, dala ko na rin papunta doon. salamat kay madam for assisting me on this one. first time ko kasi mag-asikaso ng philhealth.

so that's it for now. i'm not in the mood para magsulat ng kung ano-ano ngayon. di gumagana kukote ko. i'll be back on monday.

yun lang!

3 comments:

Empress Kaiserin said...

ayoko nyan!!!! constipation! grabe, nakakconfine ba yan????

Cynch said...

kukots,

salamat ulit sa pagdaan. tiga-batangas ka pala. papunta ako sa laiya ngayong weekend. saan ba masarap kumain sa bandang sto.tomas?

uy bkit naman kelangan pa ma-ospital father mo dahil sa constipation? extreme case na ba? i hope he gets to clean up his system soon! ang bait mo naman, buti nagamit mo philhealth mo! ;)

kukote said...

@saint eroica... ewan ko nga ba at bakit naconfine pa. siguro, ewan.

@cynchie... salamat sa pagcomment. sa sto. tomas, di ko alam. nadaraanan ko lang yung pag umuuwi ako eh, di pa ako kumain dun. =( ok na si tatay, ewan ko nga kung anong nangyari at naconfine pa.