Tuesday, June 20, 2006

the omen

malas ata talaga yung panonood ng the omen. hehe. nanood kasi kami last friday night ng the omen, kasama ko ang mga dating officemates, si benjo, francis, at marco. matapos naming manood at nasa boarding house na ako, around 1:00AM, nakareceive ako ng tawag kay benjo. nabangga daw ang kotse nya sa may bicutan habang papauwi na nga sya. taga laguna kasi sya. tsk tsk. tumawag lang naman sya sa akin para malaman kung ano ang dapat gawin, kasi, alam nyang nabangga na rin yung kotse ko last year. so sabi ko lang, hintayin nyang dumating ang pulis, at magpagawa ng police report, kasi, kailangan yun sa insurance.

comment ko sa movie, nakakagulat sya. puro na lang panggugulat yung ginawa nila. nakakatakot? hindi. nakakagulat lang.

other matters, salamat po sa mga nagpapadala ng text messages. keep up the good work. hehe. nag-update ako ngayon dun sa kabila. medyo hindi ko lang lahat maencode pa lahat sa dami, basta, promise encode ko lahat ito, yan ang gagawin ko habang petiks mode pa ako. i'm still optimizing the page para mapapunta sa first page ng mga search engine. so far, nasa first page na sya for the keywords "textmates" and "best goodnight text" sa google. sa keyword na "text messages" nasa kailaliman pa yata sya. huhuhu. please, if you are linking that site, kindly link with a "text message" anchor text. ok? salamat!

yun lang!

4 comments:

Empress Kaiserin said...

sinabi ko na sa mansyon na pangit ang the omen! di ka nagbabasa! ;)

jho said...

bumili ako ng piratang dvd ng the omen di ko pa napapanood. haha! tingnan natin kung may curse nga ang the omen. haha!

Yen Prieto said...

yko manood nian kc napanood ko sa 24 oras na may binaril sa loob ng cnehan hbang nano2od ng the omen tas ung friend m nabangga.. ayko n tlga.. mukang malas nga talaga yan..

Ka Uro said...

napanood ko yung origanal Omen nung 70s. tanda ko na ano? this is a remake di ba? i wonder which one is better. i suppose from the comments this remake (like most remakes) is crap, huh?