kanina pa akong nakaharap dito sa harap ng computer ko, pero blanko ang kukote ko. walang maisip na isulat. naubusan ata ako ng topic? ano bang magandang topic ngayon? wala, parang wala talaga. blangko. as in. drained. kulang siguro ako sa tulog. kulang nga ba? o sobra? for the last 4 days nga, lagi akong late eh. kaasar nga eh. akala ko kanina, hindi na ako late, late pa rin. malas. malas. ewan ko ba. kakaantok. uwi na ako. 5 minutes na lang.
2 weeks na akong walang kotse. nope, hindi naman nahila. andun sa batangas, si father muna raw ang gagamit. so, ok lang. sanay na naman ako nang bumabyahe, noon pa, since bata pa ako. lately lang naman ako nagkaroon ng sasakyan. lumaki din akong nag-aabang ng dyip doon sa barangay namin na every 15 minutes ang schedule. kapag 12:45pm at nalampasan ka, ala una na ang kasunod, siguradong late na sa 1:00pm na subject sa school. kaya ang limit ko ring sumabit sa dyip nun.
ba't ba napunta sa sabitan sa dyip ang sinusulat ko? kanina lang, wala akong maisip, heto, ngayon, ang dami na namang nagsusulputang salita. hehe.
well, nung high school ako, malapit lang yung school sa amin. sa bauan high school. isang sakay lang ng dyip, mga 15 minutes yung byahe. yun nga lang, punuan lagi yung dumaraan sa dami ng pasahero at sa konti ng dyip na bumabyahe. kaya nga ganun, pasabit sabit din ako sa dyip noon. natigil lang ang pagsabit sabit ko nang makabili ng tricycle ang tatay ko.
masaya rin ang buhay noong high school. doon sa bauan high school, sa school na sobrang higpit dahil sobrang higpit ng prefect of discipline, si mr. ayag. bawal ang fraternity. bawal ang may ear piercing sa mga lalake. bawal ang maraming piercing sa mga babae. standard ang uniform, pati medyas ng babae, pare-parehas. walang vandalism, kahit sa cr, ang linis. basta, ganun kahigpit. nagkalat pa ang mga spy. ewan ko kung paano nila nalalaman yung mga bagay kagaya ng mga estudyanteng sama-samang nag-inuman, or mga estudyanteng nanonood ng porn sa isang bahay ng kaklase. pati yang mga yan, nalalaman sa school at ipinapatawag ang magulang. ganun kahigpit dun. pati yung mga magsyota, kinakausap. bata pa raw.
doon ako naghigh-school. it's a private school. doon ako pumasok dahil doon ako pinapasok ng magulang ko. doon din naghigh school ang dalawa kong kapatid. ok naman ang turo, ang dami ring estudyante. i still remember, nung first year ako, sampung section ang first year. at pinagsama-sama ang magkakaklase depende sa grades. so, may star section, may lowest section. iba yung approach ng pagtuturo sa mga lower section kesa sa star section. well, andun ako sa star section. kung hindi ako nagkakamali, 14 yung valedictorian kong kaklase at 7 daw yung salutatorian nung elementary. so, medyo matindi ang competition nung high school. puro smart kid ang mga kaklase ko. tapos, alphabetical pa yung seating arrangement, at malas ko, nasa unahan ako, sa gitna pa, yung kaharap ko ang teacher ko, table lang ang pagitan, yung kapag natulog ako, kitang kita. well, di naman ako natutulog sa klase. good boy pa ako nun.
first day funk. impression ko, talagang magagaling ang mga kaklase ko, parang from outer space. hindi pa nagtuturo si teacher, alam na ang sagot. hehehe. tandang tanda ko pa nun si owen at si agnes, sila yung mga pakitang gilas kaagad noong unang araw. hehehe. peace owen! at agnes! oo, sa kanilang dalawa talaga ako humanga noong unang araw ng klase. paano ba naman nga, hindi pa nagtuturo si teacher, nagtanong lang ng introductory question, ano ang panitikan, ano ang balarila? aba, at alam na nila ang sagot! talagang ewan ko, shocked talaga ako nung first day nung high school ako. pag-uwi ko nga sa bahay, sabi ko sa mother ko, huwag na silang aasa na honor student pa ako ngayong high school, dahil mukhang mga gifted child ang mga kaklase ko, may lahi ata ni nostradamus, hindi pa nagkaklase, alam na agad ang lessons. hehehe!
itutuloy... (kanina sa umpisa, wala akong topic, ngayon, naging subaybayan pa! hahaha!)
p.s.
nga pala, salamat sa mga bumati! yung hindi bumati, idedelete ko na ang links sa sidebar. hahahaha! joke lang.
yun lang!
6 comments:
dumadaan rin... thanks for passing by my blog :)
:) thanks for visitng my blog. i know the feeling ren when your classmates know the answer already. its like youre so left behind hahahah :) anyway, u have a nice blog :)
hahaha!
aliw yung word na NOSTRADAMUS!
i can so relate!
(y'know what i mean!) (hehe)
chige insan, abangan ko kasunod nito!
happy blogssary pala!
(blowout!!!)
@carlo... nagkadaanan pala tayo! hahaha! sige, balik balik!
@psyche... thanks for passing by. ganun nga ang feeling, para kang napag-iwanan.
@lucerodelara... bakit ka naman hesitant? lahat welcome dito, basta marunong pumindot sa keyboard. hehehe. masaya talaga yung high school life, well, hindi naman buong high school, nasa unahan ako. syempre, may mga umalis din at dumating, nagulo ang seating arrangement. hehe. sige, balik balik ka dito! rock on!
@insang nao... hahaha! sa iyo ko nga nakuha yung idea ni nostradamus eh. hehehe.
Masaya ang highskul layp mo, ako medyo masaklap,, marami akong frens na naiwan at ngayon hindi kona alam kung nasaan. Bkit kamo? grade 5 ako nung pumutok ang bulkang pinatubo.. at highskul ako nung rumagasa ang lahar.. no choice kami kundi magpa transfer transfter ng skul.. after mong maging close sa mga bagong kaibigan, basta ka nlang lalarga at liipat ng bagong skul kc nalubog nga ang aming skul.. hay ! yan ang hskul layp ko kukote...
I experienced the same thing when I was in high school.. private school also at sobrang dami ng valedictorians, mostly from public schools. Intimidated nung first few weeks pero nung tumagal, I realized na kaya ko rin pala makipagsabayan! hehe
Post a Comment