Friday, June 16, 2006

advertising

alas dos na, ngayon pa lang ako nakapagpost dito. syempre, medyo busy doon sa kabilang blog. nag-iisip kung paano aayusin. wala akong balak lagyan ng graphics or pictures yun, purely text na lang talaga, kaya nga text messages eh. gagawin na lang hindi masakit sa mata at mag-uupdate at least once a week as i promised. hindi naman ako mauubusan ng text messages, unti-unti ko munang inililipat yung mga text message na naipost ko dito, syempre, para naman magkakasama na sila at hindi na kayo mawindang ng pagsesearch dito. pagsasama-samahin ko na dun. pero unti-unti muna at mahina ang kalaban.

nag-open na rin ako ng bagong e-mail account sa yahoo, para naman yung mga may collection dyan ng text messages na nakatago lang dyan sa inyong baul, pwede nyong iforward sa akin at nang mailagay doon. ipinost ko na rin nga dun ang nag-iisa kong cellphone number. para naman tuloy tuloy ang supply ng text messages. hehehe. 90 centavos na lang naman ang text, at kung nakaunlimited ka sa smart, idamay mo na sa pinapadalhan mo ng forwarded text message yang number ko. para tuloy ang buhay ng aking bagong blog. hehehe.

nba update, 2-2 na ang standing. siguradong masaya na ang kapatid ko at nakatabla na. hhmm. abangan na lang natin kung sinong mananalo. basta magtext na lang kayo! bakit ba ang daming link ng text messages dito? yan ang tinatawag na advertising. hehehe!

yun lang!

5 comments:

yen said...

halo halo.. unga nakadalaw n ko sa bagong lungga mo.. cge magfo2rward ako ng mga tex msg pra mas lalung dumami.. dpat may categories.. jokes, senti, friendship etc.. o puro jokes lang ba pwede???

Rhada said...

maganda yang bagong blog mo....madaming mapupulot hehe.

melai said...

lol! sipag!

carmigz said...

wow naman ang sipag nio po! 2 blog, at talagang may bagong email acct pa para dun a! galing! =)

Jigs said...

Galing! Goodluck sa balak mo, dahil kung ako ang gagawa nyan baka napabayaan ko na yung isa! hehe! Mas maganda sigurong puro text nalang yun kasi nga text messages. hehe! Maganda rin yung isa kasi magkaibang magkaiba sila sa blog mo dito! Nalink ko na yung dalawa mong blog. Link me too ok? Thanks!!