malapit na ang fiesta doon sa barangay namin sa batangas. sa barangay ilat south. konting history. nag-umpisa raw yun noong june 11, 1956. dose anyos pa lang ang tatay ko. at mula noon, nagsasagawa na ng engrandeng fiesta everytime na yung june 11, natatapat ng sunday. well, that's around every 6 years daw. at ngayong 2006, it's their 50th anniversary. at napatapat pa na linggo din yung june 11. kaya hayun, hindi magkamayaw ang mga tao sa amin. ngayon pa lang, kanya-kanya nang preparasyon. mababawasan na naman ang populasyon ng mga baboy, manok at baka. siguradong ang dami na namang kakatayin sa kanila. hehehe. ang ingay na nga gabi-gabi dahil nung peryahan. doon sa likod ng bahay namin, andun ang basketball court kung saan gabi-gabi, may nagpapractice daw ng kotilyon. naglagay na rin ng mga banderitas sa kalye. at ang balita ko, apat daw na banda ng musiko ang darating. at hindi pa sila nakuntento sa isa? hehe. at sa mismong kapistahan, may darating daw na mga artista. narinig ko pa na nakuha daw nila ang bandang cueshe. sana, huwag umulan. so, talagang todo-gastos ngayon ang mga katoliko doon sa barangay namin.
habang hindi magkamayaw ang mga tao, andun ako sa bahay namin, natutulog. wala kaming fiesta. wala kaming dapat paghandaan. wala kaming handa. sa birthday ko na lang ako maghahanda. =)
yun lang!
5 comments:
sayang! kala ko naman kainan na hehehe...gusto ko yun cueshe...dati din a min masaya pag pyesta pero wala ng inabutang ganun mga anak ko...haayyy!!! puro kwento na nga lang ako...kahit ati-atihan wala na...at higit sa lahat wala din kaming handa wehehe..
hndi ko nami2s ang pyesta samin kc baduy pyesta sa manila e.. d gaya sa mga probinsya tlgang bongga!!!
at bt naman sa bday mo pa maghahanda?? e aug p bday m diba... tagal p un..
Marhgil,
Cge ngayon pa lang greet na kitra happy birthday in advance at happy fiesta na din..yan ha oks na yan!
katoliko ka po ba? sa amin bonga din ang fiesta.. kakafiesta lang nun nakaraan, na TV pa, dahil sa seafoods festival
@pinkysteph... sayang ba? hehe. wala talaga, di kami naghahanda eh.
@yen... talagang sa probinsya, bongga ang fiesta. sa manila kasi, halos araw araw, fiesta sa dami ng tao. hehe
@basey... hahaha! tagal pa ng birthday ko. kelangan, may gift. =)
@razzy... hindi ako katoliko, kaya di kami nakikifiesta. =) INC po ako.
Post a Comment