Monday, June 26, 2006

ginupitan ko ang nagbirthday

hindi ko po picture yan nung bata pa ako. mas gwapo pa ako dyan. hehehe. pamangkin ko sya. bakit ko ipinost dito? kasi, birthday nya kahapon at may birthday party doon sa bahay nila sa lipa. isang taon na sya. alas dos ng hapon kami nagpunta sa lipa at alas dyes na ng gabi nang makauwi sa bahay. grabe, ang daming tao. ang daming handa. ginastusan ng dalawang lolo eh. una kasing apong lalake ng tatay. unang apong lalake din nung sa kabila, kaya hayun engrande. tumaas na naman ang sugar ko. tsk tsk. ang dami kasing matamis, tumikim lang naman ako ng tigkokonti.

nakapaggupit na naman ako ng buhok. pinagupitan sa akin eh. pamahiin yata yun, na kapag gwapo yung naggupit na una, gwapo rin ang kalalabasan. nyahaha! the last time na may ginupitan din ako, pamangkin pa ng teacher ko nung high school. ngayon, pamangkin ko naman. hhmmm, paglaki ng mga ito, blogger din. hahaha! pamahiin nga naman, wala naman yun sa naggupit, nasa ginupitan yun. hehe. e kung pagupitan pala nila sa loko-loko yun, magiging loko-loko na yun? hehehe. ewan. well, it's an honor din naman na ako ang mapili na maggupit doon sa kanilang anak, ibig sabihin, gusto nilang maging kagaya ko ang kanilang anak. gwapo rin. hehehe. batiin ko rin sya dito sa blog... "Happy Birthday! Zyann!"

kahapon ng umaga, nagpunta kami sa SM batangas para bumili ng pacquiao larios ticket. sa linggo, doon kami manonood sa sinehan sa sm. buti na lang at hindi pa ubos yung ticket. siguradong magandang laban ito! kita kits na lang tayo sa sm batangas cinema 2 sa linggo! hehehe.

ano pa ba? ang dami kong natanggap na text messages this weekend. mukhang puro sila nakaunlimited. hehe. hayaan nyo, unti-unti ko muna yang ieencode, by wednesday, magpopost ako doon sa kabila. tinatamad pa ako ngayon eh.

yun lang!

5 comments:

JoLoGs QuEeN said...

==jologs wave==

meron ka bang mga text msg na tagalog?

ung mga pang senti na tagalog?

Yen Prieto said...

aba mgndang career yang mag gupit.. sna nga ako dn marunong kc mahal ang gupit d2, ung ibang friends ko sa pinas cla lng nagtitrim noon ng buhok ko pra menos gastos hehe..
happy bday to zyaaannnn!!!

Cynch said...

uy ka-berdey ko pala yung pamangkin mo ha! ayos yan, happy birthday!

Anonymous said...

happy bday sa pamangkin nyo!

youngest sis ko rin ginagawang haircutter sa baryo namin sa san luis. para daw tumalino yung anak ng kapitbahay namin. eh sis ko nabwibwisit na kasi nga naman wala naman yun sa nag gugupit.. nasa lahi yun! hahah

Anonymous said...

magtayo ka ng salon tito aga ha ha ha.

"Tito Aga's Salon"

Tapos exclusive lang siya sa 1-year old.