Tuesday, June 06, 2006

06/06/06 = six hundred and sixty-six?

today is june 6, 2006. 06/06/06 at kaninang umaga, dumaan ang 06:06:06AM na oras. so, there was this 1 second in time na nagsama-sama ang 6. 06/06/06 06:06:06. kelan ulit ito mangyayari? after 100 years, sa year 2106. hehehe. e ano ngayon kung nangyari yan? wala lang, trip ko lang pag-usapan.

may mga tao kasing natatakot sa pagdating ng araw na ito, kasi nga, 06/06/06 or 666 kung pagdidikit-dikitin mo, which is the mark of the beast daw mentioned in revelation 13:18.
"Here is wisdom Let him who has understanding calculate the number of the beast, for the number is that of a man; and his number is six hundred and sixty-six." Revelation 13:18 (New American Standard Bible)
konting analysis lang nung bible verse and you will see na hindi naman date ang tinutukoy, at hindi rin 666, or six-six-six. kung babasahin mo yung verse, it says six hundred sixty-six. hindi six-six-six. kalaki namang pagkakaiba ng pinagdikit-dikit na six at ng six hundred sixty-six. isa pa, sabi, number of a man daw iyon, hindi naman sinabing date. sabi nya pa, let him who has understanding calculate the number of the beast... kailangang icalculate. calculation ba yung pagdidikit-dikitin mo lang? tapos, six-six-six yung lalabas, sasabihin mong yun na ang number ng beast? it's not wisdom. it's kabobohan. ni hindi ka man lang nagkaroon ng calculation, nagdikit-dikit ka lang. e ang sabi sa bible, six hundred and sixty-six. kelan pa naging six hundred sixty-six ang equivalent ng 06/06/06? anong ginamit na calculation? kukote's theory of dikitation? hehehe. pinagdikit-dikit, kaya naging six hundred sixty-six! ang galing! hahaha!

conclusion ko, today is just an ordinary day. walang kamalasang darating, maliban na lang kung talagang malas ka.

yun lang!

2 comments:

pinkysteph said...

ngayon ko lang nalaman yun ah...nagpaapekto pa naman akong konte sa 'dikitation'? wekekeke...tanga tanga talaga ko...toinks joke lang! kasi para sa'kin di totoo may bad omens...etc...basta nanalig ka e di ka nya pababayaan..ganda ng entry...galing!

kukote said...

@pinkysteph... hehehe. marami namang dikitation din ang alam dun sa 666. tama ka, basta nanalig ka e di ka pababayaan ;)