iniwan ko ang kotse ko sa batangas nang lumuwas ako sa manila ngayon. ginagawa kasi yung kanal doon sa tapat ng boarding house namin, huhukayin na raw yung tapat ng gate kaya wala akong mapapagparkingan. so, iniwan ko na lang sa batangas yung sasakyan at nagbus na lang ako paluwas ng manila.
medyo matagal-tagal na ring hindi ako nakakapagbus paluwas ng manila since magkakotse ako. wala pa ring ipinagbago, except sa pamasahe. nagmahal na. hehehe. sa pagsakay ko nang bus, may natutunan akong bago. siguro, alam nyo na at matagal nyo na ring napapansin yung gimik ng ilan sa mga nagtitinda ng ube candy, or makapuno candy. ano yun? yung pagsakay nila ng bus, mamimigay muna sila ng sample ng ibinibenta nila. patikim ba. iikot sya, isa-isa nyang bibigyan ng kendi yung mga pasahero. syempre libre. after nyang magpatikim, saka sya iikot para magbenta. effective ba yun? oo naman, hindi naman nila laging gagawin yun kung wala silang kinikita, di ba? dati nga, napabili rin ako minsang matikman na masarap pala yung ibinibenta nila. hehehe.
so, anong natutunan ko dito? gumawa din ako ng patikim para doon sa kabila kong blog. hehehe. kung mapapansin nyo, naglagay ako ng download link ng mga text message na nakapost dun, na pwede ninyong ishare sa mga friends nyo. actually, yung file na yun, ifinorward ko rin sa lahat ng e-mail address na nasa address book ko. so, patikim din yun. sample 100 text messages, and if they want more, just visit my site. hehehe. effective ba? hhhmmm, ewan. siguro, tingnan nyo na lang yung hit counter ko doon. kagabi, nung umalis ako around 7PM, malapit nang mag 1000 yung hits. kaninang umaga (8:30AM), pagbalik ko, 1100+ na yung hits. hmmm, effective nga ata. hehehe. sana, dumami pa yung hits, dumami ang bisita at nang yumaman ako sa adsense. hehehe. inumpisahan ko yung blog last june 15. one week na pala ngayon. 1000+ hits in one week. hindi na masama.
nga pala, naghahanap ako ng mp3 ng kanta ni bayani, yung "si misis", ilalagay ko lang na background music dun sa kabila. pwede rin yung kay lito camo na "adik sa text". baka meron kayo, pakopya!
yun lang!
No comments:
Post a Comment