Friday, June 30, 2006

mamaw

uuwi na sana ako. but this video caught my attention. sabi ko, ipost ko muna sa blog ko. iba talagang mang-spoof ang bubble gang! hahaha! enjoy!



"mamaw"


hindi ka kuntento? gusto mo ng mp3 para mapatugtog mo sa office nyo para sikat ka? hehehe. download it here.

happy weekend!

yun lang!

kisame

last post for this week, sa monday na ulit ang sunod. ano bang meron? friday night. sweldo pa. saan kaya makagimik? hmm. bahala na. uwi na lang siguro ako at makapagbilang ng butiki sa kisame.

yun lang!

citifinancial has texters department???

So, text spamming has become part of a legitimate work of someone working in Citifinancial? I received a text message a while ago of someone I don't know (+639203843206) with the following message:
GUD DAY! CONGRATULATIONS! U HVE BIN PRSELECTD 2 AVAIL OF CTFINANCIAL QUICK CASH LOANS. 4 INFO PLS COL MS CEL MONTERO AT TEL # 8162005 OR 8162226 OR TXT THIS #. TNX!
At hindi pa sila nakuntento sa isa, dalawang message yan na pareho. Naasar ako, nagreply ako. Sabi ko... "Stop sending these text spams! I'll report this number to NTC!!! Good luck!" In which, nagreply sya, sabi nya...
THS S LEGITIM8 WORK. F UR NOT NTRESTD, JUST DISRGARD MY MSG. U CN COL OUR OFC 2 CONFIRM. TNX ANYWAY.
Huh? Aside ba from telemarketing, meron na rin ngayong SMSMarketing Department??? So, maghapon lang silang text nang text ng potential clients???? Citifinancial, hello!!!! Totoo ba ito? Meron kayong texters department dyan na ang trabaho ay magtext nang magtext ng mga tao para mag-alok ng serbisyo nyo????

Kagaya ng nasabi, i'll report this to NTC. They are just an e-mail away naman eh. Iganti nyo na lang kaya ako? Hayan ang number oh. Itext nyo, alukin nyo ng Viagra. hahaha!

Yun lang!

mabuhay na kulay

kapag nasa batangas ako, kapamilya ako. kapag andito ako sa manila, kapuso ako, hehehe. lately, natutuwa akong manood ng I Luv NY. ganda ng soundtrack nila, si kitchie nadal pala ang original na kumanta. well, inupdate ko na naman ang playlist ko, nakadownload sa digitalpinoy eh. =) so, hayan yung lyrics, don't ask me for an mp3 copy, punta na lang kayo sa digitalpinoy. ok?

Makulay Na Buhay
Kitchie Nadal

Unti-unting napag-iiwanan ng panahon
Sa aking paghahanap
Mula hilaga, timog, silangan
Di mapipigil marating lang ang kanluran

Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay

Inamin naramdaman, inamin din kahit di ko kasalanan
Saksi ang kalangitan
Baliw man o martir ang itawag mo
Sa paso ng pag-ibig koy' di madadala

Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay

Hangad ko ay hindi mag-paawa o patawarin ka
Sa buhay kong daig pa ang telenobela

hahaha.. hahaha.. hahaha...

yun lang!

Thursday, June 29, 2006

kukote learns SEO

i've been studying search engine optimization(SEO) since mag-umpisa yang isulong seoph contest ng aking kahomonyms ang pangalan na si marc hil macalua. well, magaling sya, his campaign is good, at narealize ko, well, it's a good thing kung matututunan ko yang search engine optimization na yan. i still remember on my previous company, yun ang isa sa problema namin. kasi, if you search the term IVR, or "interactive voice response", hindi man lang lumalabas sa first few pages ng search results yung website namin. di ba, nga naman, you'll get more clients if your website is on the first page of the search results. di ba?

so hayun, since that topic got me, i got hooked. but i did not join the contest. gusto ko sanang sumali, kaso, wala naman akong sariling domain. hanggang blogspot lang ako. hehehe. so, what i did, naghanap ako ng materials sa internet, ng mga topic tungkol nga dyan sa search engine optimization. mga pdf na downloadables, na mababasa ko during free time ko. aside from that, i made my own project, syempre, para maiapply ko ang natutunan ko kung totoong effective nga ba yung techniques na nabasa ko.

kaya nabuo ang textmates. habang sila ay busy sa pag-ooptimize ng kanilang site for the keyword "isulong seoph," ako naman ay busy rin sa pag-ooptimize ng textmates for the keywords "text messages", "funny text messages" at "inspirational text messages". if you check google.com, milyon milyong website ang nag-aagawan sa keywords na yan. so, parang i gave myself an impossible task: to be on the first page of the search results on major search engines for those keywords! hehehe.

so far, after 2 weeks of having that site, here are the developments. nasa kailaliman pa rin sya sa googel, hindi ko pa nga matanaw if you search those keywords. hehehe. pero try searching them on msn and yahoo! ito ang mga resulta as of this moment.
MSN:
"text messages" : page 1 out of 14,797,722 (fifth on the list!)
"inspirational text messages" : page 1 out of 169,587 (1st on the list!!!)
"funny text messages": page 1 out of 2,737,516 (fifth on the list!)

Yahoo:
"text messages" : hindi ko pa makita. huhuhu!
"inspirational text messages" : page 3. number 30 of about 5,080,000
"funny text messages" : page 1! number 2 of about 607,000!!!
i did not put the screen shots, mas maganda if you try it yourself, di ba? hehehe. not bad for a two weeks effort, di ba? considering na isa akong baguhan dyan sa search engine optimization. hehehe. anyway, unti-unti, makikita rin yan sa google, sobra kasing daming iniindex nilang page eh. i'm giving myself 3 months, para at least, makita sya sa first page ng google search results. pero sa MSN at Yahoo, ewan ko ba, hindi ko naman sila sinuhulan eh, aba at kagaling at nasa first page na kaagad ako. kaya pala unti-unti, dumarami ang aking bisita doon sa kabila. hehehe.

well, that textmates project is my proof na marunong ako ng SEO. hehehe. kung meron sa inyong gustong kunin akong consultant, bakit hindi? gusto nyo, kapag nagsearch ng cute, blog nyo ang lalabas? hehehe. still, number 1 para rin itong blog na ito sa keyword na kukote. hehehe.

yun lang!

Wednesday, June 28, 2006

may tuldok sya

kagabi, nagpunta ako sa pambansang tindahan ng aklat (national bookstore, hehehe!) ewan ko kung anong meron yung aklat na nakita ako that i ended up buying it, tapos, inumpisahan ko nang basahin kagabi. nakarelate ako sa mga sinasabi nya. mukhang may tuldok sya. (may point sya!) ano bang aklat yun? Rich Dad, Poor Dad by Robert Kiyosaki. hindi ko pa sya tapos basahin, siguro, mamayang gabi, tatapusin ko na yun. it's not a get-rich-quickly kind of book. basta, ang hirap ikwento, basta maganda sya. pagdating ko dito sa office, nagresearch ako tungkol sa book na yun, kung may mga blogger ba na nagblog na about it, analysis, reviews, etc. may mga positive at negative reviews. lahat ng yun, binasa ko. well, ako pa rin naman ang magdedesisyon kung susundin ko ang mga sinasabi sa aklat na yun. basta ang sa akin, may tuldok sya!

yun lang!

Tuesday, June 27, 2006

short messages

una sa lahat, i would like to thank Alleba.com for listing my other blog on their directory. See it here.

naglipat bahay na kami. hosted na ang mansyon. hehehe. from here, lumipat na kami dito.

para naman sa mga pottermaniac... baka daw mamatay si harry potter sa 7th book. read here.

at para naman sa mga text addicts... may bago akong post sa kabila.

yun lang!

Monday, June 26, 2006

ginupitan ko ang nagbirthday

hindi ko po picture yan nung bata pa ako. mas gwapo pa ako dyan. hehehe. pamangkin ko sya. bakit ko ipinost dito? kasi, birthday nya kahapon at may birthday party doon sa bahay nila sa lipa. isang taon na sya. alas dos ng hapon kami nagpunta sa lipa at alas dyes na ng gabi nang makauwi sa bahay. grabe, ang daming tao. ang daming handa. ginastusan ng dalawang lolo eh. una kasing apong lalake ng tatay. unang apong lalake din nung sa kabila, kaya hayun engrande. tumaas na naman ang sugar ko. tsk tsk. ang dami kasing matamis, tumikim lang naman ako ng tigkokonti.

nakapaggupit na naman ako ng buhok. pinagupitan sa akin eh. pamahiin yata yun, na kapag gwapo yung naggupit na una, gwapo rin ang kalalabasan. nyahaha! the last time na may ginupitan din ako, pamangkin pa ng teacher ko nung high school. ngayon, pamangkin ko naman. hhmmm, paglaki ng mga ito, blogger din. hahaha! pamahiin nga naman, wala naman yun sa naggupit, nasa ginupitan yun. hehe. e kung pagupitan pala nila sa loko-loko yun, magiging loko-loko na yun? hehehe. ewan. well, it's an honor din naman na ako ang mapili na maggupit doon sa kanilang anak, ibig sabihin, gusto nilang maging kagaya ko ang kanilang anak. gwapo rin. hehehe. batiin ko rin sya dito sa blog... "Happy Birthday! Zyann!"

kahapon ng umaga, nagpunta kami sa SM batangas para bumili ng pacquiao larios ticket. sa linggo, doon kami manonood sa sinehan sa sm. buti na lang at hindi pa ubos yung ticket. siguradong magandang laban ito! kita kits na lang tayo sa sm batangas cinema 2 sa linggo! hehehe.

ano pa ba? ang dami kong natanggap na text messages this weekend. mukhang puro sila nakaunlimited. hehe. hayaan nyo, unti-unti ko muna yang ieencode, by wednesday, magpopost ako doon sa kabila. tinatamad pa ako ngayon eh.

yun lang!

Friday, June 23, 2006

bagsak ako

nakita ko ito sa ym status ng isang kaibigan. hehehe. nakalagay sa status nya, 110 ako! tapos may link sya. hayun, nilaro ko din, kaso hindi ko mabreak yung sinasabi nyang score nya. hayan lang ang score ko sa baba. o, kung wala kayong magawa, pampalipas oras. click here.


"isa na lang, 75 na!"

other matters, nagreact na si alyssa alano sa kanyang famous youtube video. read the article here.

happy weekend!

yun lang!

uy! ay!

ang haba ng commercial ng head and shoulders sa tv. pero enjoy ako, kasi, ang ganda ng music, tsaka ang ganda ni angel locsin. hehehe. well, naghanap ako ng lyrics, wala akong makita. naghanap ng mp3, may kaibigang nagbigay ng kopya, kaya hayun, dun ko na inextract yung lyrics. so, heto, andito na yung lyrics, tapos, background music ko, sya na ang unang ipeplay.

Babaeng Uy! Ay!
Sugarfree, Brownman Revival, Up Dharma Down

Ang dami talagang dilag
Na tunay namang nakakabulag
Maganda sa malayuan,
Talo naman sa malapitan

Unang tingin ay perpekto
Pagkamot ulo, sya pala'y may sikreto

Tawag namin sa kanila'y
mga babaeng uy ay
Uy! ang ganda
Ay! Di pala
Wish ko sana'y
Uy! ang ganda
Ay! anghel sya

Malayuan,
makaladlad kagandahan
Malapitan,
may kapintasan

Tawag namin sa kanila'y
mga babaeng uy ay
Uy! ang ganda
Ay! di pala
Wish ko sana'y
Uy! ang ganda
Ay! anghel sya

Kapag malayo
beauty queen
Malapitan,
dandruff nabubuking

Tawag namin sa kanila'y
mga babaeng uy ay
Uy! ang ganda
Ay! di pala
Wish ko sana'y
Uy! ang ganda
Ay! anghel sya

Sa tatlong dumaan
Hindi nakuha ang inaasam
Ang tatlo ganda nila'y talo
Sa nag-iisang panalo

Uy! ang ganda
Ay! Anghel sya
Uy! ang ganda
Ay! Anghel sya
Uy! ang ganda
Ay! Anghel sya
Uy! ang ganda
Ay! Anghel sya


yun lang!

Thursday, June 22, 2006

kukote code

kung sa da vinci code, merong mga anagram na sinolve, kagaya ng "O, lame saint!" = "The Mona Lisa", dito naman, may kukote code. wala pala dito, andun sa mansyon. can you solve it? see the kukote code here. pagalingan na!

yun lang!

patikim

iniwan ko ang kotse ko sa batangas nang lumuwas ako sa manila ngayon. ginagawa kasi yung kanal doon sa tapat ng boarding house namin, huhukayin na raw yung tapat ng gate kaya wala akong mapapagparkingan. so, iniwan ko na lang sa batangas yung sasakyan at nagbus na lang ako paluwas ng manila.

medyo matagal-tagal na ring hindi ako nakakapagbus paluwas ng manila since magkakotse ako. wala pa ring ipinagbago, except sa pamasahe. nagmahal na. hehehe. sa pagsakay ko nang bus, may natutunan akong bago. siguro, alam nyo na at matagal nyo na ring napapansin yung gimik ng ilan sa mga nagtitinda ng ube candy, or makapuno candy. ano yun? yung pagsakay nila ng bus, mamimigay muna sila ng sample ng ibinibenta nila. patikim ba. iikot sya, isa-isa nyang bibigyan ng kendi yung mga pasahero. syempre libre. after nyang magpatikim, saka sya iikot para magbenta. effective ba yun? oo naman, hindi naman nila laging gagawin yun kung wala silang kinikita, di ba? dati nga, napabili rin ako minsang matikman na masarap pala yung ibinibenta nila. hehehe.

so, anong natutunan ko dito? gumawa din ako ng patikim para doon sa kabila kong blog. hehehe. kung mapapansin nyo, naglagay ako ng download link ng mga text message na nakapost dun, na pwede ninyong ishare sa mga friends nyo. actually, yung file na yun, ifinorward ko rin sa lahat ng e-mail address na nasa address book ko. so, patikim din yun. sample 100 text messages, and if they want more, just visit my site. hehehe. effective ba? hhhmmm, ewan. siguro, tingnan nyo na lang yung hit counter ko doon. kagabi, nung umalis ako around 7PM, malapit nang mag 1000 yung hits. kaninang umaga (8:30AM), pagbalik ko, 1100+ na yung hits. hmmm, effective nga ata. hehehe. sana, dumami pa yung hits, dumami ang bisita at nang yumaman ako sa adsense. hehehe. inumpisahan ko yung blog last june 15. one week na pala ngayon. 1000+ hits in one week. hindi na masama.

nga pala, naghahanap ako ng mp3 ng kanta ni bayani, yung "si misis", ilalagay ko lang na background music dun sa kabila. pwede rin yung kay lito camo na "adik sa text". baka meron kayo, pakopya!

yun lang!

Wednesday, June 21, 2006

ngitian tayo

nag-update lang ako ng background music. ang ganda kasi nitong music ng close-up commercial. ito yung lyrics. yung mp3 copy, meron sa digitalpinoy ;)

Smile At Me
Rocksteddy

Funny how I fell for you
And the day you caught my eye
And my life has never been the same
Since the day I saw your smile

As it shine above of everyone
You stand out from the crowd
Somehow I can't find the words to say
You're indescribable

You sweep me off my feet
Everytime you smile at me, at me, at me

You light my way
You always take my breath away
You set me free
When every time you smile at me

There's this feeling that I can't hide
That I couldn't get enough of you
I can't deny, I'm mesmerized
By the beauty of your smile

Cause you knock me off my scene
Every time you smile at me, at me, at me

You light my way
You always take my breath away
You set me free
When every time you smile at me

You light my way
You always take my breath away
You set me free
When every time you smile at me

yun lang!

miami wins!

champion na ang MIAMI!!!! congrats!!!

nood tayo

ang dami kong gustong panoorin ngayon! una, ngayong alas nuebe, game 6 ng nba finals! will miami heat finish it today or are we expecting a game 7? abangan. dehadista ako, kaya mavericks pa rin ako! go dirk go! =)

pangalawa, showing na ang superman returns. hhmm, gusto ko yang panoorin. syempre, of all the superhero, si superman pa rin ang da best para sa akin. mapanood nga mamaya, or siguro, sa friday night, depende sa availability ng mga tao sa paligid ko. =)

pangatlo, showing na rin ang pacquiao the movie. gusto ko ring mapanood ito. pero yun munang superman panonoorin ko. siguro ito, sa dvd na lang. siguro, bukas, meron nang pirated. hehehe. depende, gusto rin kasi itong mapanood ng father ko eh, sa batangas na lang siguro pag-uwi ko, sabay na lang ako sa kanilang manood doon sa sm batangas. siguro naman ay showing dun.

on other matters, sa mga nagpapadala sa akin ng text messages thru chikka, pasensya na kayo kung hindi ako makareply. medyo mahal kasi ang reply sa chikka. anyway, pwede pa rin naman kayong magsend sa akin kahit sinabi ng system nila na kailangan ko munang magreply. paano? read my previous post here.

yun lang!

UPDATE: sa june 28 pa pala ang superman returns. nyahaha! salamat erica! ;)

Tuesday, June 20, 2006

the omen

malas ata talaga yung panonood ng the omen. hehe. nanood kasi kami last friday night ng the omen, kasama ko ang mga dating officemates, si benjo, francis, at marco. matapos naming manood at nasa boarding house na ako, around 1:00AM, nakareceive ako ng tawag kay benjo. nabangga daw ang kotse nya sa may bicutan habang papauwi na nga sya. taga laguna kasi sya. tsk tsk. tumawag lang naman sya sa akin para malaman kung ano ang dapat gawin, kasi, alam nyang nabangga na rin yung kotse ko last year. so sabi ko lang, hintayin nyang dumating ang pulis, at magpagawa ng police report, kasi, kailangan yun sa insurance.

comment ko sa movie, nakakagulat sya. puro na lang panggugulat yung ginawa nila. nakakatakot? hindi. nakakagulat lang.

other matters, salamat po sa mga nagpapadala ng text messages. keep up the good work. hehe. nag-update ako ngayon dun sa kabila. medyo hindi ko lang lahat maencode pa lahat sa dami, basta, promise encode ko lahat ito, yan ang gagawin ko habang petiks mode pa ako. i'm still optimizing the page para mapapunta sa first page ng mga search engine. so far, nasa first page na sya for the keywords "textmates" and "best goodnight text" sa google. sa keyword na "text messages" nasa kailaliman pa yata sya. huhuhu. please, if you are linking that site, kindly link with a "text message" anchor text. ok? salamat!

yun lang!

Friday, June 16, 2006

advertising

alas dos na, ngayon pa lang ako nakapagpost dito. syempre, medyo busy doon sa kabilang blog. nag-iisip kung paano aayusin. wala akong balak lagyan ng graphics or pictures yun, purely text na lang talaga, kaya nga text messages eh. gagawin na lang hindi masakit sa mata at mag-uupdate at least once a week as i promised. hindi naman ako mauubusan ng text messages, unti-unti ko munang inililipat yung mga text message na naipost ko dito, syempre, para naman magkakasama na sila at hindi na kayo mawindang ng pagsesearch dito. pagsasama-samahin ko na dun. pero unti-unti muna at mahina ang kalaban.

nag-open na rin ako ng bagong e-mail account sa yahoo, para naman yung mga may collection dyan ng text messages na nakatago lang dyan sa inyong baul, pwede nyong iforward sa akin at nang mailagay doon. ipinost ko na rin nga dun ang nag-iisa kong cellphone number. para naman tuloy tuloy ang supply ng text messages. hehehe. 90 centavos na lang naman ang text, at kung nakaunlimited ka sa smart, idamay mo na sa pinapadalhan mo ng forwarded text message yang number ko. para tuloy ang buhay ng aking bagong blog. hehehe.

nba update, 2-2 na ang standing. siguradong masaya na ang kapatid ko at nakatabla na. hhmm. abangan na lang natin kung sinong mananalo. basta magtext na lang kayo! bakit ba ang daming link ng text messages dito? yan ang tinatawag na advertising. hehehe!

yun lang!

Thursday, June 15, 2006

bagong blog

ngayon lang ako nakapagpost dahil medyo busy. busy sa paggawa ng bagong blog. hehehe. well, actually, naisip ko lang kagabi, since from time to time ay nagpopost ako ng mga text messages na narereceive ko sa cellphone ko, why not make a seperate blog for that? blog na dedicated lang para magpost ng mga text messages na narereceive sa cellphone ko. o, di ba, good idea? hehehe. hayun, kaya yun ang ginawa ko, hindi na ngayon ako magpopost ng mga text messages dito sa blog na ito, doon na lang kayo magpunta. ok? asan ba yun? hayan, kalat ang link sa post ko. sya nga pala, pakilink na rin po sa mga blog ninyo, tapos, comment na lang kayo sa tagboard ko doon para mabigyan ko kayo ng reciprocal link, ok? use the keyword text messages when linking, para naman search engine optimized na rin sya.

sa mga kasali pala dun sa isulong seoph contest, pasalamat kayo at hindi ako nakasali. hahaha! wala kasi akong pangbayad sa domain name. hehehe. anyway, sa mga may gustong i-link ko kayo, pakilink na lang po nyang bago kong blog at ilalagay ko yang link nyo sa sidebar ko. ok? o, malaking tulong din yang link ko, PR4 yata ito sa google. hehehe!

yun lang!

Wednesday, June 14, 2006

knockout

napanood ko ito ng live sa solar sports last june 11. actually, ang hinihintay namin ay yung nba finals, yun pala, kinabukasan pa yun, hehe. ok naman at ang napanood namin ay ang laban ni bobby pacquiao, ang kapatid ni manny. well, ang masasabi ko. magaling sya, malakas sumuntok. first time kong nakakita nang naknock-out sa boxing na hindi sa mukha tinamaan. halos lagi naman kasi, natutumba yung kalaban after suffering from a knock-out punch straight to his face. yun bang kapag tinamaan, tumba, tapos, hilo pa. dito, iba ang nangyari, body punch. sa katawan nalamog ang kalaban at basta na lang ito natumba dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang tagiliran. akala ko nga nung una ay na low blow sya, kasi, ang itsura nung kalaban, para talagang tinamaan doon sa kanyang alaga. pero hindi eh, talagang malakas lang sumuntok si bobby. o, hayan ang video sa baba.



bobby pacquiao vs kevin kelly


yun lang!

jewel in the nba

tapos na ang jewel in the palace. sa wakas, natapos din. contrary to the text message i received, hindi po naging astronaut si jang geum. hehehe. kasi daw, naging cook sya, tapos naging nurse, tapos naging doktor, tapos sabi daw sa kanta, "unti-unting mararating, kalangitan at bituin", kaya daw magiging astronaut si jang geum. well, indeed, naabot nya ang langit. kung anong langit ang tinutukoy ko, alam nyo na yun kung napanood nyo yung ending.

nba update, 2-1 na ang standing. mavericks pa rin ako! hehehe! alam nyo bang tinulugan na lang ng kapatid ko ang panonood nung game 2 nung makitang sandamukal ang lamang ng mavericks sa heat? hehehe, kesa nga naman talo-asar sya, natulog na lang sya.

now, here is a little game na ibinigay sa akin ng officemate ko. kung wala kang magawa, try mo. my record is 23.328 seconds. kayo, ilang segundo ang kaya nyo? click here.

yun lang!

Tuesday, June 13, 2006

text sa cellphone

gusto nyo ng bagong text messages? daan kayo doon sa mansyon, doon ako nagpost ng bago. click this or this.

ang fiesta sa amin

last friday night, umuwi na ako ng batangas. fiesta nga pala doon sa amin, june 9-11. ang inabutan ko ay amateur singing contest na sinalihan ng kung sino-sino. may bata at may mga matatanda. may kalakihan din ang premyo (30K, 20K, 10K) kaya naman ang daming sumali. hindi ko na nahintay kung sinong nanalo kasi, antok na antok na ako, 20+ na yung contestants na nakakanta eh mukhang ang dami pang nakapila. umuwi na lang ako at nakibalita kinabukasan.

kinabukasan, maya't maya ay may maririnig kang banda ng musiko na gumagala doon sa barangay namin. kasi naman, tatlong banda ng musiko ang andoon na nagpapaikot-ikot. grabe, ang dami nilang pera at hindi sila nakuntento sa isa lang. nasa bahay lang ako nun, nagbabasa ng blink.

nung gabi, may coronation night para daw sa reyna ng kapisanan, reyna ng barangay, at reyna ng kapistahan. noon ko lang nalaman na nakatira pala ako sa isang kareynahan, (kaharian is a wrong term, wala kasing hari, hehehe). tatlong dalagang pre-selected ng kapisanan ang pinutungan ng korona. ang gaganda nila kapag gabi at nalagyan ng make-up. during ordinary days, hindi mo mapapansin na sila pala yung mga reyna dun eh. comment ko lang, mas maganda yung reyna ng barangay kesa sa reyna ng kapistahan. anong nangyari sa coronation night? may mga kinuha silang makata galing pa sa bulacan na tumula at nagpugay sa bawat reyna, na kesyo noon lang daw sila nakakita nang ganoon kagagandang dilag, etc. etc... siguro, hindi sila nanonood ng tv, mas maganda pa rin si angel locsin sa kanila. hehehe. pero in fairness, ang gagaling nilang tumula. parang si lojika, magkakatugma ang mga pantig. hehe. engrande yung okasyon. ang daming fireworks. nagkaroon pa ng balagtasan pagkatapos ng putungan ng korona. yung balagtasan, hindi ko na pinanood dahil inaantok na ako.

kinabukasan, june 11, ang mismong araw ng kapistahan. 8:00AM, may nakaschedule na parada tampok ang tatlong reynang pinutungan noong nagdaang gabi. syempre, ang dami pa ring kasama doon sa parada. may isang kilometro ata yung parada sa dami ng kasali. masaya, may libreng kendi na ipinamimigay yung mga reyna. tuwang tuwa yung mga pamangkin ko, sandakot na kendi ang nakuha nila eh. nung gabi naman, may prusisyon. sa schedule na 5:00PM, natuloy ang prusisyon ng 7:00PM. filipino time. pagkahaba-haba talaga nung prusisyon. iginala sa buong barangay ilat. natapos yung prusisyon, alas onse na yata ng gabi.

pagkatapos ng prusisyon, dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang stage show. andun nga ang cueshe, na hindi naman binigo ang mga manonood. isang set, isang oras mahigit na tumugtog sila, non-stop. walang break. at ang manonood, pagkarami-rami. mas marami pa yata doon sa mga nagtitipon-tipon kapag eviction night sa pbb. hehehe. sa dami ng tao, isinarado na yung kalsada at ang mga sasakyang dumaraan, no choice kundi bumalik na lang at sa ibang daan dumaan. syempre, hindi lang naman tagaroon sa barangay namin ang tao doon, ang daming dayo. naisip ko nga, kung magkaroon ng stampede, patay tayo dyan sa dami ng tao. buti na lang at walang ganung pangyayari.

kahit ganoon karaming tao at ganoon karaming lasing doon sa barangay, wala namang nangyaring kagulo. mautak kasi yung pangulo namin. hindi lang barangay tanod ang mga andun. kalat ang mga sundalo ng philippine air force. ewan ko kung paano sya nakakuha ng support para makapagpadala ng mga sundalo doon. kaya hayun, their mere presence kept the drunken masters on their homes. hehehe. wala talagang nanggulo, takot na lang nila sa mga sundalo. hehe.

june 12, araw ng kalayaan, maghapon akong natulog dahil napuyat ako sa panonood ng cueshe.

yun lang!

Friday, June 09, 2006

payong kapatid

isa pang collection ng mga text message. enjoy!
1. Prayer is the most cleansing therapy of the heart, it also converts hateful thoughts into clean and pure breath of the spirit. Good day!

2. What makes people cute? It's when they begin to care and show some concern. (",) ehem! nga pala, kumain ka na ba?! oh, huwag kang magpapagod ha.. opps, ingat lagi! =)

3. Ang mayabang, mahal ka na, ayaw pang aminin. Ang torpe, mahal ka na, ayaw pang sabihin. Ang pakipot, mahal na, ayaw pang sagutin. Pero ang tanga, nakita nang may sasakyan, tumawid pa... Patay!

4. Good pm. Ask ko lang. Kailangan ko kasing magbigay ng advice sa kapatid ko. Pag binigyan ko ba sya ng umbrella, payong kapatid ba yun?

5. A philosophy professor gave 1 question in a final exam. The class was seated when the professor touched his chair and asked: "Using everything we've learned this sem, prove that this chair does not exist." the whole class answered for an hour but the laziest student finished in less than a minute. One week later, the grades were posted and the class wondered because the lazy student got the highest score. His answer consisted of just 2 words... "What chair?" =)

6. Pedro: miss, magkano ang serbisyo mo? Miss: 500 sa kama, 300 sa sofa, 200 sa sahig at 100 sa damuhan. Pedro: sige, 500! Miss: Wow! Bigatin! Isang beses sa kama? Pedro: Hindi. limang beses sa damuhan!

7. Hindi matatangay ng hangin ang bawat problema mo sa buhay. Hindi maaagos ng luha ang lungkot. Hindi mawawala sa isip at puso ang nararamdaman, pero ganun pa man, ano nga ba ang tagalog sa cake?

8. Morning is God's way of saying "one more time." Live life, make a difference, touch one heart, encourage one mind and inspire one soul. Good morning!

9. When a greeting is sent from a distance, you can't hear the wishes, you can't see the smiles, but you can sense the care that truly comes from the heart. Good night and sweet dreams!

10. Time may take us away. Space may keep us apart. Rumors may break us down. Yet, no matter where life leads us, i'm always going to be here. sticking around! God bless.

11. When you love, you don't need to change yourself to be accepted. As long as you can adjust with the relationship, it's enough. Tao ka lang, if you are not appreciated, tanga sya, sobra!

12. Lagi nating naririnig ang lines na "dito lang ako kapag kailangan mo ako" with matching "anytime" and "promise!" pa! Pero, di ba, mas maganda if I tell you na "Wala akong kwenta pero baka matulungan kita." =)

13. A fall from the third floor hurts as much as a fall from the hundredth, If I have to fall, may it be from a high place - Paulo Coelho

14. Common Filipino Mistake. Nanay: Gabi na ah! Uwi ba yan ng matinong babae? Saan ka na naman nanggaling bata ka?! Anak: E nay, kasi po... Nanay: Aba! Sumasagot pa! -Tinatanong, di ba?

15. New Zealand... New Zealand ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo. Toink!
happy weekend!

yun lang!

nba finals

umpisa na ng NBA finals. at sa game 1, nasungkit ng Dallas Mavericks ang unang panalo! hahaha! wala lang, gusto ko lang iblog. hindi ko naman talaga sinusubaybayan yang NBA, kaso, nung isang araw, sabi ng kapatid ko, wala daw panama ang Mavericks sa Heat. dakilang fan kasi sya ni Shaq. sigurado raw sya, 4-0, panalo na ang Heat. wala lang, gusto ko lang mang-asar, i took the Mavericks side, para may kakontra sya habang nanonood ng tv. hahaha! ay eto nga, game 1, panalo ang mavericks! so, may maaasar na ako pag-uwi sa batangas bukas. nyahahaha! Go Mavericks Go! hindi muna ako magpapagupit para pareho kami ni Dirk na long hair. nyahaha!

yun lang!

high school life 2

sabi ko kahapon, itutuloy ko ang kwento, so heto na. after that shocking first day, eventually, nagbago naman ang pananaw ko sa buhay kinabukasan. hehehe. hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan ang payo na ibinigay sa amin ng aming math teacher at adviser na si mrs. phina ilagan. sinulat pa nya ito sa blackboard na kulay green. lagi daw nyang ipinapayo yan sa mga first year na estudyante nya. sinulat nya, "if others can, why can't i?" sa madaling salita, if others can, i can. well, tingin ko, naniwala ako sa kanya and up to this time, that is one of my principles in life. kung kaya ng iba, kaya ko rin. kung kaya nilang mag-alanostradamus, kaya ko rin. hehehe. alam nyo kung anong ginawa ko? hinalungkat ko ang old notes ng kuya ko. e dun din sya pumasok, di ga? natawa na lang ako, unang topic nga dun sa notebook nya, ano ang balarila? ano ang panitikan? hehehe. kaya pala ang galing ni owen, siguro, may old notes din sya. hehehe.

i'm not the type of student na nagtataas ng kamay kapag alam ang sagot. tahimik lang ako sa klase. pero sigurado ako, anytime na tawagin ako ng teacher, masasagot ko yung tanong. kaso, di ko talaga gawain ang magtaas ng kamay. mahiyain kasi akong tao. really? oo, itanong nyo pa sa mga kaklase ko nung high school. so, paano ako mag-aral? wala, nakikinig lang. recording every bits of information na naririnig ko. ganun lang. ganun talaga ako, hindi ko hinahayaan na matapos yung lesson na wala akong naintindihan. listen mode lang lagi ako. that's why i don't cram before examination. hindi na nga ako masyadong nag-aaral, lalo na kapag math yung exam. kasi, naintindihan ko na nung ituro, so, konting review na lang, ready na ako sa exam.

i hate memorization. pagsasaulo ng tula, ng mga date, at ng kung ano ano pa. pero no choice, kailangang gawin, kesa bumagsak sa exam. paano ako magsaulo? nakahiga ako. mas madali akong magsaulo kapag nakahiga. kaya pinakaayaw kong subject yang social studies... history. lahat na lang ng date, pangalan ng tao, okasyon, at kung ano ano pa, ipapasaulo sa iyo. para may maisagot ka sa exam. what is that for? hindi ba, mas mahalaga lang na nalaman ko yung history ng pilipinas, pero para sauluhin ko yung details, like kung kailan nagkapunitan ng sedula, kung kailan sumiklab ang digmaan, kailangan nagpunta ng hongkong si rizal, kailangan ko pa bang malaman yun? e after ilang weeks naman, after ng exam, makakalimutan ko rin. ngayon, ang natatandaan ko lang namang date, yung mga holiday. hehehe. dec 30, rizal day, june 12, independence day. syempre, walang pasok with pay eh. hehehe.

ito pa ang matindi. kailangan bang ipamemorize yung mapa ng pilipinas? ewan ko kung naranasan nyo iyon, pero may ganun kaming exam dati. bibigyan kayo ng mapa ng pilipinas na walang mga labels, tapos ikaw ang magsusulat ng mga probinsya. pati NCR, seperate exam pa yun. syempre, no choice, kailangang imemorize. during that time, syempre, nasagutan ko rin yun. pero ngayon? wtf, tanga ba naman ako para bumili ng blangkong mapa? so, para saan yung exam na yun? wala lang, para lang pahirapan ang estudyante. ngayon, ang alam ko lang sa mapa ng pilipinas kung bibigyan ako ng blangkong mapa, yung batangas, palawan, mindoro, cebu, batanes, bohol, samar and leyte. tsaka pala tawi-tawi. yung iba, malay ko. pero hindi naman nga ako tanga na bibili ng blangkong mapa, di ba? hehe. hindi lang mapa ng pilipinas, nung second year, pati mapa ng Asya, ipinasaulo sa amin. para saan, di ba? kalokohan. ngayon, kung pagsasagutin ako ng blangkong mapa ng asya, ang alam ko lang, yung Philippines (syempre!), Hongkong, Saudi Arabia, Kuwait. Yung iba, hindi ko na alam. syempre, paano ko hindi malalaman kung nasaan yan eh nakarating na ako dyan. pero yung iba, wala akong paki kung nasaang lupalop sila ng mundo.

hayan muna... itutuloy ko na lang ulit sa isang araw. hate list ata ang naging topic ko ngayon. marami pa akong kinaaayawan nung high school na kung pwedeng wag na lang pag-aralan, e hindi ko na pinag-aralan. well, hindi naman lahat ng bagay, hate ko nung high school. i would not have graduated valedictorian kung lahat, hate ko, di ba? next topic... mga weirdo kong kaklase aside from me.

yun lang!

Thursday, June 08, 2006

high school life

kanina pa akong nakaharap dito sa harap ng computer ko, pero blanko ang kukote ko. walang maisip na isulat. naubusan ata ako ng topic? ano bang magandang topic ngayon? wala, parang wala talaga. blangko. as in. drained. kulang siguro ako sa tulog. kulang nga ba? o sobra? for the last 4 days nga, lagi akong late eh. kaasar nga eh. akala ko kanina, hindi na ako late, late pa rin. malas. malas. ewan ko ba. kakaantok. uwi na ako. 5 minutes na lang.

2 weeks na akong walang kotse. nope, hindi naman nahila. andun sa batangas, si father muna raw ang gagamit. so, ok lang. sanay na naman ako nang bumabyahe, noon pa, since bata pa ako. lately lang naman ako nagkaroon ng sasakyan. lumaki din akong nag-aabang ng dyip doon sa barangay namin na every 15 minutes ang schedule. kapag 12:45pm at nalampasan ka, ala una na ang kasunod, siguradong late na sa 1:00pm na subject sa school. kaya ang limit ko ring sumabit sa dyip nun.

ba't ba napunta sa sabitan sa dyip ang sinusulat ko? kanina lang, wala akong maisip, heto, ngayon, ang dami na namang nagsusulputang salita. hehe.

well, nung high school ako, malapit lang yung school sa amin. sa bauan high school. isang sakay lang ng dyip, mga 15 minutes yung byahe. yun nga lang, punuan lagi yung dumaraan sa dami ng pasahero at sa konti ng dyip na bumabyahe. kaya nga ganun, pasabit sabit din ako sa dyip noon. natigil lang ang pagsabit sabit ko nang makabili ng tricycle ang tatay ko.

masaya rin ang buhay noong high school. doon sa bauan high school, sa school na sobrang higpit dahil sobrang higpit ng prefect of discipline, si mr. ayag. bawal ang fraternity. bawal ang may ear piercing sa mga lalake. bawal ang maraming piercing sa mga babae. standard ang uniform, pati medyas ng babae, pare-parehas. walang vandalism, kahit sa cr, ang linis. basta, ganun kahigpit. nagkalat pa ang mga spy. ewan ko kung paano nila nalalaman yung mga bagay kagaya ng mga estudyanteng sama-samang nag-inuman, or mga estudyanteng nanonood ng porn sa isang bahay ng kaklase. pati yang mga yan, nalalaman sa school at ipinapatawag ang magulang. ganun kahigpit dun. pati yung mga magsyota, kinakausap. bata pa raw.

doon ako naghigh-school. it's a private school. doon ako pumasok dahil doon ako pinapasok ng magulang ko. doon din naghigh school ang dalawa kong kapatid. ok naman ang turo, ang dami ring estudyante. i still remember, nung first year ako, sampung section ang first year. at pinagsama-sama ang magkakaklase depende sa grades. so, may star section, may lowest section. iba yung approach ng pagtuturo sa mga lower section kesa sa star section. well, andun ako sa star section. kung hindi ako nagkakamali, 14 yung valedictorian kong kaklase at 7 daw yung salutatorian nung elementary. so, medyo matindi ang competition nung high school. puro smart kid ang mga kaklase ko. tapos, alphabetical pa yung seating arrangement, at malas ko, nasa unahan ako, sa gitna pa, yung kaharap ko ang teacher ko, table lang ang pagitan, yung kapag natulog ako, kitang kita. well, di naman ako natutulog sa klase. good boy pa ako nun.

first day funk. impression ko, talagang magagaling ang mga kaklase ko, parang from outer space. hindi pa nagtuturo si teacher, alam na ang sagot. hehehe. tandang tanda ko pa nun si owen at si agnes, sila yung mga pakitang gilas kaagad noong unang araw. hehehe. peace owen! at agnes! oo, sa kanilang dalawa talaga ako humanga noong unang araw ng klase. paano ba naman nga, hindi pa nagtuturo si teacher, nagtanong lang ng introductory question, ano ang panitikan, ano ang balarila? aba, at alam na nila ang sagot! talagang ewan ko, shocked talaga ako nung first day nung high school ako. pag-uwi ko nga sa bahay, sabi ko sa mother ko, huwag na silang aasa na honor student pa ako ngayong high school, dahil mukhang mga gifted child ang mga kaklase ko, may lahi ata ni nostradamus, hindi pa nagkaklase, alam na agad ang lessons. hehehe!

itutuloy... (kanina sa umpisa, wala akong topic, ngayon, naging subaybayan pa! hahaha!)

p.s.
nga pala, salamat sa mga bumati! yung hindi bumati, idedelete ko na ang links sa sidebar. hahahaha! joke lang.

yun lang!

dos

this blog turns 2 years old today!

yun lang!

Wednesday, June 07, 2006

quadruple laugh

nakita ko na ang video na ito dati sa America's Funniest Videos, it actually won $250,000! well, they deserve to win. bakit ka nyo? panoorin nyo na lang, ok? hehehe!



"quadruplets laugh"

anong meron ang taong happy?

Anong Meron Ang Taong Happy
Itchyworms

happy ang naglalakad maraming napupuntahan.
happy ang tumatalon maraming naaabot.

kung ang taong happy ay lahat ng ito
anong sagot sa tanong na ito?

anong meron ang taong happy? (anong meron ang taong happy?)
anong meron ang taong happy? (anong meron ang taong happy?)

happy ang tumatakbo, maraming nararating
happy ang umaakyat, maraming natatanaw

kung ang taong happy ay lahat ng ito
anong sagot sa tanong na ito?

anong meron ang taong happy? (anong meron ang taong happy?)
anong meron ang taong happy? (anong meron ang taong happy?)
anong meron ang taong happy? (anong meron ang taong happy?)
anong meron kaya?


ang sagot ko... meron syang blog! hahaha!

yun lang!

extraordinary

i had an extraordinary experience on a jeepney on my way going to the office. anong nangyari? basahin nyo na lang doon sa aming mansyon. ito ang permalink.

yun lang!

Tuesday, June 06, 2006

walang pbb season 2

walang pbb season 2 this year, ayon kay direk dyogi. bagkus, Pinoy Dream Academy ang gagawin nila. ano ba itong Pinoy Dream Academy? let me quote direk Dyogi on his interview on INQ7.
Ć¢€Å“Pinoy Dream Academy is actually a separate franchise, also from Endemol, the same Dutch company behind Big Brother,Ć¢€� Dyogi explained.

Ć¢€Å“In London, itĆ¢€™s called Ć¢€˜Fame Academy.Ć¢€™ In France, itĆ¢€™s Ć¢€˜Star Academy.Ć¢€™ In Spain and Italy, Ć¢€˜La Academia.Ć¢€™ ItĆ¢€™s a lot like PBB in the sense that the students live together. But the difference is that they will be trained to be performers. Big Brother wonĆ¢€™t be around. Instead, thereĆ¢€™ll be a principal and different instructors who will give workshops on singing, dancing and other aspects of performance.Ć¢€�

source: Chinoy teener from Cebu wins reality TV show
sabi nya pa dun sa interview, "We just want to give PBB a rest this year so that viewers will miss it. We want to protect the PBB franchise." so hayan, hindi tuloy ang pag-aaudition ko dahil wala naman akong balak sumali sa Pinoy Dream Academy. Hindi naman kasi ako marunong kumanta. sorry folks, you will not see me on tv this year. hahahaha!

yun lang.

dahil sa insomnia

habang inaatake ako ng insomnia kagabi, na ang hirap tumulog dahil hindi inaantok, may naisip ako bigla. isang magandang pagkakakitaan. isang magandang website na pwede kong pagkakitaan. hindi ko alam kung meron nang ganoong website, pero sa tingin ko ay wala pa. well, i'm not going to divulge kung ano man yung naisip ko. nadiscuss ko na yung naisip ko sa dalawa kong friend, at mukhang kumbinsido sila na kikita nga yung website na yun. hhmm. as time goes by, malalaman nyo rin kung ano yun, pero sa ngayon, pag-aaralan muna namin kung itutuloy nga namin yung naisip ko kagabi. meeting meeting muna at brainstorming. kayanin kaya namin ang magmaintain ng website with a million hits everyday? hehehe. nangangarap lang ba ako? siguro nga, pero abangan na lang natin kung makakapaggenerate nga yun ng 1 million hits everyday. kung ano man yun, malalaman nyo rin if everything falls into their proper places.

andyan lang sya

wala lang, maganda itong sound track ng captain barbell. sa mga naghahanap ng mp3 copy, andun sa digitalpinoy. inupdate ko rin yung playlist ko dito, second track sya after ng nescafe intro, para marinig nyo naman.

nandito lang ako
shamrock

nais kong iyong malaman
ngunit di ko naman pwedeng sabihin
paano mo maiintindihan
kung hindi ko rin pwedeng aminin

ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

tibay at lakas ng loob
ang iaalay para lang sa iyo
nais kong malaman mo
may karamay ka
nandito lang ako

walang lihim naman akong magmahal
kahit lagi lang nasasaktan
ang tanging pangako ko
ay tapat ang puso kong ito

ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa iyo

tibay at lakas ng loob
ang iaalay para lang sa iyo
nais kong malaman mo,
may karamay ka, nandito lang ako

at kahit na magkaiba ang ating mundo
pipilitin kong mapalapit sa 'yo

tibay at lakas ng loob
ang iaalay para lang sa iyo
nais kong malaman mo,
may karamay ka, nandito lang...

tibay at lakas ng loob
ang iaalay para lang sa iyo
nais kong malaman mo,
may karamay ka, nandito lang ako,
nandito lang ako, nandito lang ako.

yun lang!

nivea milk

medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapagpost ng bagong text messages. kaya heto ang mga bago. thanks sa lahat ng mga nagtetext! mabuhay tayong lahat!
1. "Happy 40 thoughtful years, Goldilocks!" Send this to 40 people within 2 days or else, magiging cake ka! Totoo ito! Yung friend ko, naging cake na. Black forest na sya.. promise!

2. Lucio Tan said, if a man has only 1 wife, wife often fights man; if man has 2 wives, wives fight each other; but if man has 4 wives, the wives play mahjong.

3. Higa kita sa kama. Tapos, huhubaran kita. Hahalikan kahit saan. Hahaplusin ko buong katawan mo! Tapos, tatanggalin ko ang Diaper mo. Baby, don't cry ha!

4. Anak: Nay, ano ba yung sex? Ina: Yun ang ginagawa ng mag-asawa para ipadama ang pagmamahal nila sa isa't isa. Anak: Haba naman. Paano ko pagkakasyahin yun sa biodata? =)

5. IQ Test: A farmer has 12 cows and 5 pigs. One day, he went to the market with 2 cows and 3 pigs not knowing that 6 cows followed him on the way. The question is, will he... Revillame?

6. Sa panaginip ko, naglalaro tayo sa tabing dagat, bigla ka na lang tinangay ng malaking alon! Umiyak ako at sumigaw! "Loko kang alon ka ah! Ano bang akala mo sa kaibigan ko? Tae?!"

7. Sa tuwina'y naaalala ka, sa pangarap, laging kasama ka. Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa.. wala nang... kasunod yan! Matutulog na ako. (-_-)

8. In a petshop, customer talking to a parrot, "Hoy! Can you speak ha? Can you speak? Bobo!" Parrot: "Yes, I can!! Ikaw? Can you fly, ha? Can you fly? Gago!"

9. Ito ang chain message na siguradong ipapasa mo: "Magkakaringworm sa pwet ang huling makakareceive nito." Sori na lang sa mga walang load!

10. Love is a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound, in short, a gentle death! Ang lalim! Dati, love is blind lang!

11. Girl: Maganda ba ako? Boy: Oo, kaya lang bumbayin ka. Girl: Hindi naman ako mukhang bumbay ah. Tisay yata to! Boy: Tanga! Bumbayin ang amoy mo! Para kang shawarma.

12. Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo? Anak: Sige dude, alis na ako. =)

13. Fact 1: You cannot touch your lower lip with your tongue. Fact 2: After reading this, 99/100 idiots would try it. =)

14. Isang gabi, naglayas ako, naligaw sa mundo, nadapa, umiyak, naghabol, nasugatan, pero tumayo ulit. Galing noh? Isang gabi lang yun!

15. Letter to OFW Dad: Love, thanks sa padala mo. Happy si Nene kasi yung toblerone, baon nya sa school. Yung Nike, suot na ni junior. Next time, huwag ka nang magpadala ng Nivea Milk. Hindi nila type, pait daw. Ako tuloy ang umubos.
yun lang!

06/06/06 = six hundred and sixty-six?

today is june 6, 2006. 06/06/06 at kaninang umaga, dumaan ang 06:06:06AM na oras. so, there was this 1 second in time na nagsama-sama ang 6. 06/06/06 06:06:06. kelan ulit ito mangyayari? after 100 years, sa year 2106. hehehe. e ano ngayon kung nangyari yan? wala lang, trip ko lang pag-usapan.

may mga tao kasing natatakot sa pagdating ng araw na ito, kasi nga, 06/06/06 or 666 kung pagdidikit-dikitin mo, which is the mark of the beast daw mentioned in revelation 13:18.
"Here is wisdom Let him who has understanding calculate the number of the beast, for the number is that of a man; and his number is six hundred and sixty-six." Revelation 13:18 (New American Standard Bible)
konting analysis lang nung bible verse and you will see na hindi naman date ang tinutukoy, at hindi rin 666, or six-six-six. kung babasahin mo yung verse, it says six hundred sixty-six. hindi six-six-six. kalaki namang pagkakaiba ng pinagdikit-dikit na six at ng six hundred sixty-six. isa pa, sabi, number of a man daw iyon, hindi naman sinabing date. sabi nya pa, let him who has understanding calculate the number of the beast... kailangang icalculate. calculation ba yung pagdidikit-dikitin mo lang? tapos, six-six-six yung lalabas, sasabihin mong yun na ang number ng beast? it's not wisdom. it's kabobohan. ni hindi ka man lang nagkaroon ng calculation, nagdikit-dikit ka lang. e ang sabi sa bible, six hundred and sixty-six. kelan pa naging six hundred sixty-six ang equivalent ng 06/06/06? anong ginamit na calculation? kukote's theory of dikitation? hehehe. pinagdikit-dikit, kaya naging six hundred sixty-six! ang galing! hahaha!

conclusion ko, today is just an ordinary day. walang kamalasang darating, maliban na lang kung talagang malas ka.

yun lang!

Monday, June 05, 2006

fiesta

malapit na ang fiesta doon sa barangay namin sa batangas. sa barangay ilat south. konting history. nag-umpisa raw yun noong june 11, 1956. dose anyos pa lang ang tatay ko. at mula noon, nagsasagawa na ng engrandeng fiesta everytime na yung june 11, natatapat ng sunday. well, that's around every 6 years daw. at ngayong 2006, it's their 50th anniversary. at napatapat pa na linggo din yung june 11. kaya hayun, hindi magkamayaw ang mga tao sa amin. ngayon pa lang, kanya-kanya nang preparasyon. mababawasan na naman ang populasyon ng mga baboy, manok at baka. siguradong ang dami na namang kakatayin sa kanila. hehehe. ang ingay na nga gabi-gabi dahil nung peryahan. doon sa likod ng bahay namin, andun ang basketball court kung saan gabi-gabi, may nagpapractice daw ng kotilyon. naglagay na rin ng mga banderitas sa kalye. at ang balita ko, apat daw na banda ng musiko ang darating. at hindi pa sila nakuntento sa isa? hehe. at sa mismong kapistahan, may darating daw na mga artista. narinig ko pa na nakuha daw nila ang bandang cueshe. sana, huwag umulan. so, talagang todo-gastos ngayon ang mga katoliko doon sa barangay namin.

habang hindi magkamayaw ang mga tao, andun ako sa bahay namin, natutulog. wala kaming fiesta. wala kaming dapat paghandaan. wala kaming handa. sa birthday ko na lang ako maghahanda. =)

yun lang!

Friday, June 02, 2006

super mario on piano

ang galing nito!





yun lang!

life's simple pleasures

medyo matagal-tagal na rin akong nabigyan ng assignment ni ivan, ngayon ko lang nagawa. ngayon lang ako sinipag magsagot eh. anyway, heto na yung sagot ko sa tag. huli man daw at magaling, huli pa rin!
1. breathing - sarap huminga, hindi nakakapagod, hehe.
2. sleeping while it rains outside - masarap talaga ang matulog, lalo na kapag umuulan. (tinagalog ko lang ata.)
3. blogging - naging bahagi na rin ito ng buhay ko, ang magsulat ng kung ano ano tungkol sa kung ano anong nakikita ko kung saan saan.
4. reading - basa nang basa ng kahit ano, books, blogs, street signs, warnings, at kung ano ano pa.
5. dreaming - masarap mangarap, lahat kaya mong gawin sa dream world.
6. listening to music - basta on the mood ako, kahit anong genre.
7. chatting - personal chat, online chat, basta sensible na kwentuhan, with a little sense of humor.
8. watching movie - basta trip ko at may pera ako, kahit corny ang palabas, pumapasok ako sa sinehan.
9. strolling - gala gala hanggang magsawa at manakit ang aking mga binti't hita.
10. texting - patext-text ng kung ano anong kakornihan na gumagala textosphere.
lahat ng nakabasa nito, tinatag ko!

yun lang!

saang lugar parehong kulot ang buhok ng babae at lalake?

update on my father, nakalabas na raw ng ospital. kakatext lang ng kapatid ko. ewan ko nga ba kung bakit naconfine pa. siguro, kasi, ewan ko. ang mahalaga, nakalabas na sya at eto, i'm back to blogging. hehehe.

eto, magpopost na lang muna ulit ako ng mga text messages na nareceive ko this week, ang iba dyan, mainit-init pa, kakareceive ko lang kanina. hehehe.
1. Bakit ngayon lang ako nagtext? Hindi ko ba alam na nakakainis yung ginawa ko? Sa susunod, magtetext na ako. Pasaway talaga ako... I hate me! I hate me! I hate me!

2. Sun is now up smiling in the sky. The city is alive again with the divine guidance. Good morning all of you fans! Your idol is now awake. Pwede nang magtext!

3. Kapalaran mo for today: Makakakita ka ng isang bagay na magdudulot ng pagkainis. Mabuting umiwas muna sa salamin ngayon. =)

4. Lahat ng tao, liar. Lahat ng tao, plastik. Lahat ng tao, manloloko. Pero ikaw, hindi. Kasi, hindi ka tao. For me, you're an angel. Naks! Napangiti sya, may pangil naman. =)

5. May nakapagsabi na ba sa iyo na cute ka? Kung wala pa, wala tayong magagawa dyan! Hindi bale, mabait ka naman daw! Promise!

6. Minsan, nakasakay ako sa dyip. Nagtataka ako kung bakit lahat sila nakatingin sa akin. Ayaw nilang kumibo, nakatitig lang sila sa akin. May isang naglakas ng loob at sinabi... "Ano nga yung commercial mo?"

7. Saang lugar parehong kulot ang buhok ng babae at lalake? Hhmmm. I like the way you think. But the real answer is Africa. =)

8. My wish for both of us is that we will continue to endure the hardships of being attractive and the complexity of resisting admirers. So help us God. =)

9. Alam mo, ok ka talaga! Palagi lang nakatawa, parang walang problema. The best ka! Nakita kita kahapon, mag-isa ka, enjoy na enjoy. Namamasyal doon sa plaza, may hila-hila kang lata. =)

10. Pasyente: Doc, seryoso po ba ang sakit ko? Doc: Nanonood ka ba ng jewel in the palace? Pasyente: Opo, pero anong koneksyon nun? Doc: Hindi mo na matatapos yun! =)

11. Hirap umibig, hirap din umiyak. Hirap magmahal, hirap ding masaktan. Hirap umasa, hirap ding magbago. Pero mas mahirap sa lahat, Accounting! Kapag mali ang isang numero, taena, mali lahat!!

12. Doc: What happened to your ears? Man: I was ironing clothes when the phone rang and I accidentally picked up the plantsa instead. Doc: But why both ears? Man: Gago yung caller, tumawag ulit!

13. Wife: Ngayong hiwalay na tayo, kukunin ko ang mga bata, mahal na mahal ko sila. Husband: Sige! Pero iwan mo ang yaya. Mahal na mahal ko rin sya!

14. Bakit masarap magmahal ang nurse? Kasi, 1. Matyaga; 2. Hindi boring; 3. Magaling makipag-usap; 4. Super lambing and lastly... 5. Mabilis sa kama... Kapag matutulog! Puyat eh! Galing duty!

15. Amy... mertney uyu, amy mertney uyu, amy mertney, amy mertney, amy mertney uyu! Maet mo inanta? Mertney mo ma? =)
yun lang!

constipated

sa wakas, natapos ko rin at nabuo yung rubik's cube kagabi, at natuloy na rin ang papizza ko doon sa bahay. hehehe. actually, may kasama naman syang instructions kung paano bubuuin, ang problema, english yung instruction eh. hindi ko maintindihan, pero at least, sa wakas, nabuo ko rin. dalawang beses ko pa binuo. o ha!

change mood. ewan ko ba kung bakit naiblog ko yung tungkol sa mga doktor na nagpapractice. after blogging it kasi kahapon, i got a text message around 11AM. nasa ospital daw ang father ko, nakaconfine. doon sa bejasa hospital sa bauan, batangas. hindi naman daw serious, it's just another case of constipation. the doctor just required him to be confined for observation. para mapagpractisan? ok naman daw sya, there is nothing to worry about. medyo sumasakit nga lang daw ang tyan nya, constipated nga kasi. kaya mamayang gabi ay di muna ako gigimik, diretso uwi na ako sa batangas para mapuntahan si tatay. i will use my philhealth para mabawasan ang bayarin sa ospital. inasikaso ko na ang mga papers dito, mamayang gabi, dala ko na rin papunta doon. salamat kay madam for assisting me on this one. first time ko kasi mag-asikaso ng philhealth.

so that's it for now. i'm not in the mood para magsulat ng kung ano-ano ngayon. di gumagana kukote ko. i'll be back on monday.

yun lang!

Thursday, June 01, 2006

late si doktor rubik sa bicol dahil nawala ang cellphone

unang araw ng hunyo, late na naman ako. bagong time card, unang punch, late. what a good way to start my june! hehehe. ok lang yan, sabi nga ng isang kasabihan, it's better late, than later.

kahapon, dumaan ako sa national bookstore at bumili ako ng rubik's cube. natuwa kasi ako dahil nabasa ko ito. akala ko, madali lang. ang hirap pala. masakit na ang kamay ko sa kakapaikot nung cube, hanggang sa inantok na ako, 2 layer lang yung nabuo ko. sabi ko pa naman sa mga kasama sa bahay, magpapapizza ako kapag nabuo ko na yun, hayun, hindi natuloy. bago ako natulog, ginulo ko na ulit yung 2 layer na nabuo ko. nakakaburaot pala yung rubik's cube na yun. mamayang gabi, try ko ulit.

well, i'm just a beginner naman. kung may nakikita kayong ang bilis magbuo nun, siguro, dahil ilang taon na syang yun lang ang ginagawa. hehehe. pero sigurado ako, nag-umpisa rin yun na kagaya ko. practice lang nang practice. ang mga doktor nga, hanggang ngayon, they always practice their profession. hehehe, hindi ba kayo natatakot, tawag nila sa ginagawa nila, practice? pinagpapractisan lang pala nila tayo. hahaha! no wonder, lahat ng tao, mamamatay din pagdating ng araw. kasi, nagpapractice lang pala ang mga doktor. kapag namatay ang pasyente, kulang pa kasi sa practice.

kahapon, kachat ko ang isang kaibigan. sabi nya, "nakakapagod ang mayo ko, ang dami ko kasing lakad." sabi ko, "talagang nakakapagod ang lakad nang lakad." hehe. yung isa ko namang friend, sabi nya, "punta kami sa bicol sa sunday". reply ko, "anong gagawin mo dun? magpapalamig? be cool!" ewan ko ba, kung ano-anong kakornihan na naman ang naiisip ko. mabuti naman at hindi sila naiinis sa akin. hahaha!

natatawa ako kapag naaalala ko yung kwento ng tiya ko sa kanyang cellphone. kung ang iba, nawalan ng cellphone dahil nasnatch, naiwan kung saan, ang sa kanya, kakaiba. paano nawala? nagshoot sa inodoro! hay naku, masyadong addict sa text eh, magccr na lang, dala pa yung cellphone. hehehe. hindi ko lang alam kung kinuha nya pa yung cellphone sa inodoro or iflinush na lang nya. hahaha!

pagbati muna, parang palabas sa tv sa pinas, kapag matatapos na, kanya-kanyang bati yung mga host. hello sa mga nagbabasa ng blog na ito! kay francesca, thanks for plugging! hahaha! o hayan, ipaplug ko rin ang blog mo. kung gusto nyong makarating sa france, visit her site here. sya ang dahilan kung bakit yung leaning tower of pisa, hindi natuloy bumagsak. oo, totoo, ito ang ebidensya. hahaha!

sige na. magtatrabaho muna ako. maya na lang ulit.

yun lang!