PBB, teleserye ng totoong buhay? O teleserye ng pekeng buhay? Napansin ko lang ha, parang pinepeke tayo ng PBB. Umpisa pa lang nagsinungaling na sila nang ipasok nila si Mickey at palabasing hindi ito marunong magsalita ng Tagalog at English. Kumpletos rekados pa sila with matching interpreter pa, pati yung video ni Mickey, may subtitle-translation pa! Tapos, yun pala, isa itong secret task ni Mickey.
Isipin nyo. Si Mickey lang kaya ang binigyan ng secret task ni Kuya? Sya lang kaya ang kinausap bago pumasok sa bahay na ganito/ganun dapat ang gawin nya sa loob? At yung iba, sige, pasok lang kayo, walang special assignment?
Iniisip ko lang. Totoo bang ignorante lang si Ezekiel nang isipin nya na yung alas dose ay 2:00PM? Or is it one of his hidden tasks? Yung pagiging jologs ni Nel, totoo ba ito? Or binigyan lang sya ng specific instructions bago sya pumasok sa loob? Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, totoo ba lahat ng personal background na sinabi nila? Yun ngang si Mickey, napaniwala nya ang buong sambayanan sa umpisa na German lang ang alam nyang language, complete with interpreter pa nga sya eh. Sa palagay nyo, totoong 15 years old na yung weird na manika ni Gee Ann? We really don't know. Umpisa pa lang, nagsinungaling na sila, paano pa ako maniniwala sa kanila?
And they are teaching the viewers wrong values. Na ok lang magsinungaling makuha mo lang ang gusto mo. Na ok lang paglaruan ang mga tao sa paligid mo, pretending na hindi ka marunong mag-Tagalog mapahirapan mo lang ang mga kasama mo. Ok ba yun? Ewan ko.
Let's just enjoy the show at panoorin ang teleserye ng pekeng buhay. Tell your children na yung napapanood nila is fiction, para hindi malihis ng landas ang inyong mga anak.
Yun lang!
6 comments:
di ako nanonood ng PBB kasi duda ako dun, eh... feeling ko talaga, scripted sya...
pero PBB teen edition, nanood ako... hehehe...
hindi ako makarelate kasi hindi ako nanonood ng PBB (kahit na anong edition).
kasi based sa mga narinig ko parang wala sa ayos yung mga pinaggagawa ng mg tao doon.
yun lang po.
i dont watch PBB as well. lol. ang korni.. panoorin ko na lng kaya ang mga tao na nasa bahay namin... mas interesting pa at di scripted. hehe
and besides you said it.. wala namang values eh.. its becoming uhmmm sooo westernized. nyahaha. losing all the pinoy value.. waste of time.
> pretending na hindi ka marunong mag-Tagalog
un homme qui est sage a dit ... ang hindi marunong lumingon sa iyong pinanggalingan ay hindi makakarating sa iyong paruruonan ...
alam nyo hindi nyo lang kasi talga alam ang totoong nangyayari sa loob ng bahay i mean ang pinapakita lang ng abs-cbn eh yung mga task scenes nila and ung mga nakaka-antig pusong mga eksena, pero nung una talga kahit ako feeling ko noong una eh parang scripted talga pero napatunayan ko na hindi ito scripted kasi nung nagstart akong mag subscribe sa 24/7 PBB lahat ng actions lahat ng sabihin nila naririnig ko at nakikita ko may mga eksena pa ngang
"mature content" ika nga and i mean as in lahat ng gawin nila nakikita ko every second and may mga scenes na hindi nila pinapakita kasi wala namang point and ung iba hindi appropriate so kung i-jujudge nyo ang PBB bakit hindi kayo mag audition at nang malaman nyo kung scripted nga...
Hay nako wla tlagang kwenta yang PBB na yan khit mag subscribe ka pa ng sinasabi mong 24/7 holy shit na pagbabantay dyan sa mga housemates na yan ay wala ka pa ring kasiguruhan. Kalokohan lang yang PBB na yan. Saka bakit mo papanoorin ang buhay ng may buhay labas mo nun pakealamero ka ng buhay ng ibang tao. Wag kayo magglit opinion ko lang yon. Corny naman tlaga. SCRIPTED!!!
Post a Comment