Sabi ng mga kaboardmate ko, mismatch ang laban. Wala daw magagawa ang Ginebra sa San Miguel. And they prove themselves right after San Miguel had beaten Ginebra twice in a row. But yesterday, the table has turned. 131-101 lang naman ang score. Tambak ang San Miguel. Masaya ang Barangay Ginebra.
Matagal na akong hindi nakakapanood ng basketball. Pero since childhood, I'm part of Barangay Ginebra. Ewan ko ba. Maybe, it's my father's influence. Jaworski fan eh. Kaya yung mga kapatid ko, Ginebra rin, at pati ako, nakiGinebra na rin, hehehe. Ang huling basketball na natatandaan ko pa na sinubaybayan ko at masaya ako kapag nananalo ang Ginebra ay nung kasikatan pa nina Chito at Joey Loyzaga, Dondon Ampalayo at sino ba namang makakalimot kay Rudy Distrito? Hehehe. Pero ngayon, wala akong kilala sa Ginebra. Pero kahit ganun, I'm still part of Barangay Ginebra, and probably will be watching Game 4 tomorrow live to cheer for them. Hmmm, makapagdala kaya ng kartolina na may nakasulat na Ituloy Angsulong ng Barangay Ginebra! Ewan ko kung matutuloy kami, bahala na. Basta, kapag nakita nyo yang kartolina na yan sa tv bukas, aba, eh malamang na ako yung may hawak. Hehehe.
Ituloy Angsulong ng Barangay Ginebra! Ituloy! Go for the win!
5 comments:
yung mother ko, tinutukso ko lagi ke Mamaril. Sabi ko ma ayun oh boypren mo, galit na galit sakin ahaha!
ako rin maka Ginebra kasi buong angkan ko maka Jawo. Pero shempre nung highscool nag switch na ko konti. Pag walang laban Ginebra, Purefoods naman akesh. Si jersey #44, Jery Codinera my crush.. solid!
ituloy angsulong ituloy!!!
sa amin, iba-iba kami ng team. ako, fan ako ng Shell...Magsanoc!!
tell me if i'm mistaken or not...'di ba, nagpalit ng name ang Ginebra dati...naging Añejo sila? ewan ko...tagal na kasi noon eh.
@insang nao.. hahaha! Ang payat naman kasi ni Mamaril. Codiñera ka pala ha.
@des... tama ka. naging Añejo sila dati. Isang season lang ata, tapos, balik na ulit sila sa Ginebra.
likewise... before i was born pa yata eh Ginebra loyalist na ang family namin, of course influenced ng papa ko Ü
during my college days... kalaban ko lahat ng boys sa classroom dahil Shell fanatic naman sila.
until now... kahit di ko kilala mga players nila... die hard Ginebra fan pa rin ako :D
die-hard ginebra fan din ako, dahil kay tatay. hanggang kina bal david lang ang kilala ko. dahil ang inabutan ko talaga e sina chito, rudy, etc. at naalala mo ba yung championship na miracle shot ni distrito? nanalo nanay ko sa ending doon! :)
Post a Comment