Alam nyo ba na may kumpanya dito sa Pilipinas na nag-eencourage ng kanyang mga empleyado na magblog? And to encourage them more to blog, the company allotted Php5000 for the best blog. Opo, totoo po ito. Kausap ko pa nga kagabi yung isa nilang empleyado na kaibigan ng boardmate ko. So, bakit ganun? Ang katwiran daw ng boss nila, kesa naman maggames na lang kayo nang maggames dyan, eh di magblog na lang kayo. Pero ang requirement, they should link their blog to their company website. Hmm, I smell something SEO here. Hehehe.
I will not reveal the name of the company. Ang nature kasi ng business nila, they provide software to their clients and then, they provide on-call support. And since stable naman yung software nila and they receive very minimal call, ang nangyayari, yung support team nila ay maghapong tambay lang sa office. Hayun nga, nag-iinternet, naglalaro ng online games, nanonood ng video sa youtube, nagbabasa ng blog ko (asa pa!) at kung ano ano pa. So, to make themselves productive during those idle times, magblog na lang sila. Hey, they should ask me (or pay me) to teach them Google Adsense, para naman kumita rin sila. Hehehe. Well, siguro, gusto rin ng boss nila na tumaas sa search engine yung website nila kaya required yung links. Ano naman ang mga dapat nilang iblog? May rules ba? Walang sinabi sa akin. I think, siguro, wag lang silang magsasabi ng masama tungkol sa kumpanya nila, they are safe.
Ituloy Angsulong ng blogging sa office! Ituloy!
1 comment:
Hi, nag react talaga ko..kase familiar ung kwento mo..very very familiar..hahaha ka bordmate ka pala ni pareng turonsky. Ang galing talaga! hahaha
Post a Comment