Tuesday, February 06, 2007

Ituloy Angsulong Laban sa mga Maagang Kampanyero

hindi pa panahon ng kampanya, bawal pang mangampanya, pero nagkalat na ang mukha ng mga mapeperang pulitiko sa tv at sa mga pader ng bayan. hindi pa naman daw sila nangangampanya, kasi, wala pa yung word na vote! oo nga naman. pero obvious naman na pangangampanya na ang ginagawa nila, hindi naman kami mga tanga. wala nga ba silang nilalabag na batas? ipagpalagay nang wala, dahil sa may butas ang batas. well, it just shows kung anong uri sila ng mga pulitiko. kapag may butas, lulusot. will do anything na makapanglamang sa kapwa, tutal naman, may butas yung batas. yan ba ang mga taong pagkakatiwalaan nyo ng inyong boto? na sinasamantala ang butas sa batas? well, kayo na ang humatol.

ituloy angsulong laban sa mga pulitikong maagang mangampanya! ituloy!

No comments: