kanya kanyang pakyut ngayon ng mga pulitiko since malapit na ang eleksyon.. kahit noon pa, makikita mo na ang ilan sa kanila na bigla na lang nagsusulputan sa mga noontime show at commercial. Isang halimbawa nito ay ang pancit canton commercial ni kiko or ang madalas na paglabas ni tito sa bulaga..
kanya kanyang gimik, para lang mapansin ng mga tao. at ang sa mga naglalabasang mga commercial nila sa tv.. ang pinaka worst na ata na nakita ko ay ang kay mike, ginamit na nga ang kanta ni manny, kumaway kaway lang and then nakaside view na humarap sa kamera then ngumiti, ayun.. commercial na.. ano kaya ang mensahe nun??
ngunit natuto na ba tayong mga botante mula sa mga pagkakamali natin sa tuwing nag-eeleksyon?? o baka naman nahihila pa din tayo sa isang zesto at isang sandwich na binibigay ng mga pulitiko sa atin sa araw ng eleksyon??
Pilipino.. kelan tayo matututo??
Ituloy angsulong para sa isang mapayapang eleksyon!!! ituloy angsulong ng isang matalinong botante !!!
No comments:
Post a Comment