Thursday, February 15, 2007

Ituloy Angsulong ng Tamang Spelling ng Pangalan Ko

Nagtext ang bunso kong kapatid kagabi na nasa Saudi, icheck ko raw ang e-mail ko at may isinend raw syang e-mail, iprint ko raw at ibigay sa misis nya. Reply naman ako, ok. Pagdating ko kanina dito sa office, aba, at wala naman akong narereceive. Wala yung e-mail nya. So, nagtext ulit ako sa kanya, sabi ko, wala akong narereceive. So, hayun, kanina, nareceive ko na ang e-mail, forwarded na using the first e-mail na sinend nya sa akin. Alam nyo kung bakit hindi ko nareceive yung unang e-mail? Kasi, mali ang spelling. Sa halip na marhgil(at)yahoo.com, ang nakasulat sa kanya ay marghil(at)yahoo.com. Gosh! No wonder ang daming nagkakamali ng spelling ng pangalan ko, kahit kapatid ko pala, nalilito! Hehehe.

Ituloy Angsulong ng tamang spelling ng pangalan ko! Ituloy!!!

No comments: