Maaaring isipin nyo na huli sa balita ang blog na ito kumpara sa ibang blog about Pinoy Big Brother. Oo, tama kayo, dahil hindi naman kami nakasubscribe sa 24/7 live feed nila. We are blogging based on what we see and hear on Channel 2 only. Wala nang iba. Majority of the Filipino people who watched PBB ay mga mahihirap. Kaya dito nyo mababasa ang pananaw naming mahihirap sa palabas na ito, base na rin sa aming napapanood sa channel 2, at hindi sa kung anumang live feed na may extrang bayad. Ok?
So, anong nangyari kagabi? Hindi na nga sila pinakain ng tanghalian ni Kuya dahil sa lumampas na yung 12:30, pinarusahan pa sila at pinagbuhat ng 30 sako ng buhangin. Ang saya talaga. Hehehe. Kawawa naman sila. Eengot-engot kasi eh, sabi nang kapag tumugtog yung Pinoy Ako, magbibihis sila dapat ng beach wear at gagawin yung sand castle, sukat ba namang ituloy ang kanilang samba dance? Kaya hayun, puro parusa ang inabot ng mga housemate.
Tanong ko lang... paano mo malalaman na 12:00 to 12:30 na kung wala ka namang relos? Di bale sana kung may alam sila sa pagbasa ng oras sa pamamagitan ng pagtingin sa anino. Ewan ko lang kung makapagtanghalian sila kung hindi tutulungan ni Kuya kagaya nung ginawa sa kanila the next day.
Ano pa ba? Successful si Saicy sa pagtuturo ng Samba dance sa mga housemate nya. Nagsorry si Ezekiel sa mga kasama nya dahil sa kanyang katangahan kaya hindi sila nakapagtanghalian. Lumalabas ang pagiging usisero ni Nel. Sabi nga sa isang forum thread, para daw syang gay. Parang gusto ko nang maniwala. Hehehe.
Yun lang.
2 comments:
gago si nel!!! ang kapal ng mukha ang pangit naman
> watched PBB ay mga mahihirap
tingin ko di dahil sa mahirap. kung hindi dahil sa wala sila sigurong ibang magawa na mas magagamit nila sa pang araw araw tulad ng trabajo pagaaral etc ..
Post a Comment