Which is better for your RSS feeds? Should you give a full feed, or a short feed teaser so that people will come to your blog if he wants to continue reading it? Siguro, may kanya kanyang advantage at disadvantage din yan.
Well, I just enabled full RSS feed on my textmates blog. Dati kasi, teaser lang, and I found out that some people are unsubscribing from my feeds, lalo na yung mga e-mail subscriber. Siguro, they are expecting a full feed, na yung text messages will be delivered to their inboxes, and they were disappointed na teaser lang yung narereceive nila. Kaya nagunsubscribe sila. Well, naisip ko naman noon na teaser lang ang gamitin ko dahil walang advertisement yung feed, di ba? Eh di hindi na sila bumalik sa blog ko kung full feed yun, at nawala na yung chance na magkainterest sila sa mga advertisement sa blog ko. Wala tuloy akong kita.
But rethinking and reanalyzing, parang mas maganda yata kung full feed. Kasi, full text messages will be delivered to their e-mail addresses. Maaaring hindi na nga sila babalik pa sa blog ko, dahil narereceive na nila sa e-mail nila ang updates. Pero think of the possibilities. Dahil sa cool na cool naman yung mga text messages na ipinopost ko, mas malaki yung chance na they will forward it to their friends. Now, that's viral marketing. Mas dadami ang visitors ko dahil macucurious sila sa site ko, di ba? Ewan. Let us see if this will increase my visitors and feed readers. As of now, 50 feed readers pa lang meron yung textmates eh, pero ang traffic nya, 500+ unique hits per day eh. Sana, dumami nga sila.
Ituloy Angsulong ng RSS feeds! Ituloy!
No comments:
Post a Comment