Showing posts with label Ituloy AngSulong. Show all posts
Showing posts with label Ituloy AngSulong. Show all posts

Tuesday, February 27, 2007

My Ituloy Angsulong Experience

Joining an SEO contest is fun. For the past few months, we were hooked on optimizing this blog instead of doing unproductive stuffs (chatting, lurking, watching porn) on our idle times.

Nabubulunan talaga ako at dumudugo ang ilong ko kapag nag-eenglish ako sa blog. Kaya magtagalog na lang ako. Hehehe. Ok? Well, hindi naman ako baguhan sa SEO. Pero hindi rin naman ako expert. But I was not expecting to grab that 2nd cummulative ranking. Kumbaga, sumali lang kami just to test my SEO skills, kung pwede na ba ang aking kaalaman para mag-optimize ng website. With a competition as big as this, I'm just like David trying to conquer Goliaths of the SEO world.

Joining Forces
Una kong strategy is to talk to Boy Popoy and Boy Dapa. Sabi ko sa kanila, kung sasali din sila sa SEO contest na yun, it's better if we join forces. Since we have common friends sa blogosphere kasi, sayang naman yung mga links kung mahahati pa sa aming tatlo. So, hayun, kaya nabuo ang tatlong itlog Ituloy Angsulong Movement.

Selecting Our Contest Entry
Wala sa aming nakaattend ng launching nung contest. Kaya wala kaming idea kung ano ang keywords na iooptimize. Monday pa lang namin nalaman na ituloy angsulong nga ang keyword. We only communicate via chat, kaya nung malaman namin ang keywords, conference kaagad kami. I clarified everything muna kay Sir Marc Hil lahat ng questions ko before we submitted our contest entry. Balak namin talaga is to have a keyword rich domain name, pero dahil halos lahat ay taken na, we've decided to use blogspot. And since old domain names are allowed, we decided to use this blog instead of starting from scratch. Bakit kami mag-uumpisa sa PR0 na contest entry if we are allowed to use a PR5 blog for our entry? And since nakatiwangwang na ang blog na ito dahil lumipat na nga ako sa macuha.com, we decided to use this blog. I believe kasi na talagang may advantage yung keyword-rich domain name, but it's just one part of the ranking algorithm. Ang dami pa namang ikinoconsider ng mga search engines, babawi na lang kami sa ibang aspects.

Our Strategy
I will not reveal everything, syempre. Secret pa rin yung iba. Ganito lang naman ang strategy namin. Keep on posting, and keep on building links. We focused on the content. We decided to create a funny blog. Yung blog na tipong babalik-balikan ng mga mambabasa. Yung blog na tipong makita lang ng isang blogger, maiisip na lang niya, "This blog is cool and I will give it a link love!" Almost 90% of our links came from blogs. And these links push us up on Googel, MSN and Yahoo SERPs. We even had the all-time high ranking among the contestants last December at 2-1-1. Number 2 on Google, Number 1 on Yahoo and Number 1 on MSN.

The Google Penalty
By the end of December, Google penalized our site. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, sa dami ng links na naaccumulate namin, Google thought that this is a spam blog. Or siguro, someone out there reported us to Googel. We really don't know. Basta, ang sama ng araw na yun. Magnenewyear pa naman, bigla kaming inihagis ng Google sa kamotehan. We were shocked. Really. As in, iniisip ko, ano ba ang ginawa naming mali? Bakit nagkaganun ang ranking? It really hit us badly. Tinamad na kaming mag-update. Tinamad na kaming maglink building. Sino ba namang matutuwa na after our efforts, we were penalized? As in, bakit kami? At bakit kami lang?? Still, these questions are unanswered. And since tinamad na kami, our Yahoo ranking slowly went down too. Unti-unti, lumayo kami nang lumayo, hanggang sa umabot kami sa rank 23. Si MSN lang ang nanatiling loyal sa amin, na despite of lack of updates and activity on our blog, we remain on the top spot. Why? I don't know why.

The Great Comeback
Ngayon, paano kami nakabalik sa Google? Nagchat ulit kaming tatlo, at sabi ko, let's start posting again. Kung ano yung ginagawa namin nung December, ibinalik namin. Araw-araw post ulit kami. Well, nakita naman namin ang improvement sa Google. From rank 110, after doing the usual thing, unti-unti kaming umaakyat. From 110, napunta kami sa rank 80, 70, 110 ulit, etc. Basta, dun lang kami nagsasayaw ng ranking sa Google. And then, later, since almost everyone is doing it, I did some 301 redirects. After that, nagulat na lang ako one Saturday morning at napalukso sa tuwa nang magtext sa akin si Boy Popoy. Sabi nya, no. 5 tayo sa Google! At dahil nga sa nangyaring yun, lalo kaming ginanahan. Tuloy ang pagpopost, tuloy ang paglilink building.

The Tight Race To The Finish Line
February 23 na nang umaga, hindi pa rin namin alam if we will finish first or second. Ang tindi talaga ng laban. This is due to the fickle-mindedness of Yahoo and MSN. Naglalaro yung cummulative ranking namin ni isulongseophil on 27 and 28 na total. Minsan, 27 ako, 28 sya. Minsan naman, 28 ako, 27 sya. Minsan, pareho kaming 27. Bakit nagkakaganun? Kasi, minsan, we rank 23 or 22 on Yahoo. Si isulongseophil naman ranks either 13, 14, 15 sa MSN. So, talagang it was a close fight. Nung papunta na kami sa venue, usapan na lang namin, bahala na. Kung ano ang desisyon ng mga hurado, eh di ayon. We'll just enjoy the program, enjoy the food and enjoy the money that we will receive, magkano man iyon. Well, it ended up na second kami, 2 points lang ang lamang sa amin ni isulongseophil. Our cummulative rank is 28, at sya ay 26. So, second prize, hindi na masama.

What I Learned On This Contest
Meron ba? Oo naman. Ang dami. Like, you cannot please everybody. Marami ang natuwa at nakipagexlinks sa amin, at meron din namang nagalit at inispam daw namin yung blog nya. Sa SEO naman, importante ang keyword sa domain name, but still, it's just one part of the equation. Links and contents are still king. Lastly, MSN simply loves blogspot. Bakit? I really don't know.

Acknowledgements
Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng naglink sa amin. Salamat sa inyong suporta. Salamat kay insan for giving me the permission to redirect some of her hosted sites to this blog. Salamat sa mga nagblog tungkol sa amin. Salamat sa lahat ng sponsor! At higit sa lahat, salamat kay tukayo for making this contest possible. As a token of gratitude sa mga sponsors, I will not remove the links for another one month.

Pictures
Hindi pa naupload ni Boy Popoy yung mga pictures eh. Pero here is a nice photo collection na nakita ko sa Youtube courtesy of pixiimedia.




Update: Andito na ang picture namin na nahagilap ni Boy Popoy. Click here.

What's Next?
We're back to our regular life. I'll be blogging at macuha.com. Boy Popoy at PenoyCentral at Boy Dapa at Qroon. At anong mangyayari sa blog na ito? Pag-iisipan ko pa.

Yun lang!

Friday, February 23, 2007

Breaking News: Panalo Tayo!

Salamat sa mga tumulong! Salamat sa mga Ex namin (ex-link)! Number 2 po kami! Abangan ang mga larawan ng tagumpay! Coming soon, Awards Night pictures. Google rocks (nanalo ako ng Google Mug)! At maganda si Aileen Apolo :)

Thursday, February 15, 2007

Ituloy Angsulong ng Tamang Spelling ng Pangalan Ko

Nagtext ang bunso kong kapatid kagabi na nasa Saudi, icheck ko raw ang e-mail ko at may isinend raw syang e-mail, iprint ko raw at ibigay sa misis nya. Reply naman ako, ok. Pagdating ko kanina dito sa office, aba, at wala naman akong narereceive. Wala yung e-mail nya. So, nagtext ulit ako sa kanya, sabi ko, wala akong narereceive. So, hayun, kanina, nareceive ko na ang e-mail, forwarded na using the first e-mail na sinend nya sa akin. Alam nyo kung bakit hindi ko nareceive yung unang e-mail? Kasi, mali ang spelling. Sa halip na marhgil(at)yahoo.com, ang nakasulat sa kanya ay marghil(at)yahoo.com. Gosh! No wonder ang daming nagkakamali ng spelling ng pangalan ko, kahit kapatid ko pala, nalilito! Hehehe.

Ituloy Angsulong ng tamang spelling ng pangalan ko! Ituloy!!!

Ituloy AngSulong ng Barangay Ginebra

Sabi ng mga kaboardmate ko, mismatch ang laban. Wala daw magagawa ang Ginebra sa San Miguel. And they prove themselves right after San Miguel had beaten Ginebra twice in a row. But yesterday, the table has turned. 131-101 lang naman ang score. Tambak ang San Miguel. Masaya ang Barangay Ginebra.

Matagal na akong hindi nakakapanood ng basketball. Pero since childhood, I'm part of Barangay Ginebra. Ewan ko ba. Maybe, it's my father's influence. Jaworski fan eh. Kaya yung mga kapatid ko, Ginebra rin, at pati ako, nakiGinebra na rin, hehehe. Ang huling basketball na natatandaan ko pa na sinubaybayan ko at masaya ako kapag nananalo ang Ginebra ay nung kasikatan pa nina Chito at Joey Loyzaga, Dondon Ampalayo at sino ba namang makakalimot kay Rudy Distrito? Hehehe. Pero ngayon, wala akong kilala sa Ginebra. Pero kahit ganun, I'm still part of Barangay Ginebra, and probably will be watching Game 4 tomorrow live to cheer for them. Hmmm, makapagdala kaya ng kartolina na may nakasulat na Ituloy Angsulong ng Barangay Ginebra! Ewan ko kung matutuloy kami, bahala na. Basta, kapag nakita nyo yang kartolina na yan sa tv bukas, aba, eh malamang na ako yung may hawak. Hehehe.

Ituloy Angsulong ng Barangay Ginebra! Ituloy! Go for the win!

Wednesday, February 14, 2007

Ituloy AngSulong Movement Partylist

Yep, Partylist po, hindi Pantylist para kay Boy Popoy at kay Boy Gapang. Ang Ituloy AngSulong Movement Partylist ay naglalayong maipatupad ang mga sumusunod:
  • Magkaroon ng kinatawan ang mga SEO newbie sa Kongreso.
  • Mag-akda ng mga batas ukol sa SEO.
  • Ituloy AngSulong laban sa graft and corruption.
  • Mabigyan ng proteksyon ang mga pinoy consumer.
  • Mabigyan ng malaking bahagdan ng national budget ang edukasyon.
  • Libreng gym sessions para sa matatabang gaya ko. (Bwahahahahaha!)
Kaya sa Mayo 2007, Ituloy AngSulong!

Make Everyday A Valentine's Day

Kailangan, araw-araw ang Valentine's Day! Dahil sa Valentine's, ganito lang naman ang kita ko sa Adsense ngayon.



Kalahating araw pa lang yan. Magkano kaya ang kikitain ko buong maghapon?? Ang daming addict sa text messages eh.

Happy Valentine's Day! Ituloy Angsulong ng pagmamahalan!

Yun lang!

Tuesday, February 13, 2007

Ituloy Angsulong ng SEO Newbie

How do you optimize for the 3 search engines? Ewan ko. Basta, may master plan pa rin kami, at sana, kung ano ang ginawa ko sa textmates blog ko, mangyari din dito. Ano bang nangyari sa textmates blog ko? Well, I prepared it for Valentine's Day. And just 1 day before Valentine's day, my blog is on the first page of Googel (no. 9 out of 3,210,000), MSN (no. 1 out of 327,285) and Yahoo (no. 2 out of 1,770,000) for the keyword valentine text messages. How's that for a newbie in SEO? June 2006 lang ako natuto nito eh, so, newbie pa talaga akong matatawag.

So paano mga kasulong? Actually, wala nga akong kliyente eh. Mga blog at website ko ang pinag-eexperimentuhan ko. Baka naman may gusto dyang bigyan ako ng sideline? Mura lang akong sumingil. Hehehe.

Ituloy Angsulong ng SEO sa Pilipinas! Bigyan nyo ako ng kliyente! Hahaha! Ituloy Angsulong!

Yun lang!

Ituloy Angsulong Laban Sa Mga Cracker

Kung napadaan kayo dito kanina, siguro, napansin nyo na ang sama ng format nitong blog na ito. Akala ko, down lang yung site na naghohost ng CSS file namin. Pero nung icheck ko, anak ng teteng, someone was able to overwrite our css file! Hindi ko alam kung paano nya ginawa, pero inoverwrite nya and he was able to put some codes na hindi ko alam ang ginagawa. Medyo hindi kasi ako ganun kagalingan sa scripting. Ang tingin ko, nilolog nya yung mga visitors na dumadaan sa site na ito. Ewan ko kung yun nga lang ang ginagawa nung script. If you are curious, you can check the cracked css file here and tell me what the script really does. Ok?

So, sino naman ang gumawa nun? Ewan ko. Hmm, habang papalapit nang papalapit ang katapusan ng contest, it seems that someone is doing some black hat campaign against us?? Bakit ko naman sinabing talagang kami ang target? Imagine, sa kaluskoskuskos.com nakahost yung CSS file, pero walang ginalaw sa site na yun except our CSS file. Masyado ka namang obvious. Hehehe. Ok, sige, ituloy angsulong nang pangaatake sa amin, at nang ituloy na rin angsulong ng passport mo papuntang impyerno. Hahaha! Sa tingin mo, tatanggapin ka pa sa langit sa ginawa mong yan? Well, well, well. Crackers go to hell.

Ang aga-aga, nabadtrip ako. Ituloy angsulong laban sa mga gagong crackers! Ituloy Angsulong ng passport nila papuntang impyerno! Cracker ng ina mo!

Yun lang!

Monday, February 12, 2007

The Great Comeback

Dumating na ang hinihintay naming pagbabalik sa Google SERPs! Yes! Mukhang nagustuhan nina Larry and Sergey ang kapeng barakong ipinadala namin kay Ms. Aileen Apolo. Hehehe, joke lang. Parang naniniwala na ako ngayon na totoong may Google sandbox, and finally, we are out of the sandbox.

December 30, 2006 was the loneliest day for us. That is the day when we are thrown to the sandbox. And for your information, kapag inihagis ka sa sandbox, the traffic will eventually drop. As in. Hindi lang naman kami sa ituloy angsulong na keyword kumukuha ng traffic noong mga panahong iyon. We were ranking high on bagyong milenyo and bagyong reming keywords. At nung ihagis kami sa sandbox, patay na. Lahat nang yun, nawala kami. As in, traffic dramatically dropped. Para kaming dinaanan ng bagyo.

Well, after more than a month, sa wakas, heto na ulit kami. I tried searching for bagyong reming, no. 1 na ulit kami. Sa bagyong milenyo, nasa first page na ulit kami. Tumataas na ulit ang traffic namin. Just in time for the contest, nagbabalik kami, at sana, huwag na ulit kaming itapon ng Google. Please! Hehehe.

So paano mga kasulong? Ituloy Angsulong. Currently, we are no. 5 at Google, no. 19 at Yahoo at no. 1 at MSN. Cummulative ranking total, 25. Yahoo na lang ang isusulong namin. Kailangang umangat sa Yahoo. Paano bang gagawin? Well, it's time to bribe the Yahoo people! Hehehe.

Yun lang! Ituloy Angsulong ng Google rank! Ituloy Angsulong ng Yahoo rank! Manatili sa no. 1 sa MSN rank! Ituloy Angsulong sa triple win! Ituloy!

Yun lang!

Sunday, February 11, 2007

Ituloy AngSulong Sa Pagbabasa

At dahil walang cable t.v. connection sa bahay, pagbabasa ngayon ang inaatupag ko. Ito ang ilan sa mga nabasa ko na:

Anansi Boys

Origin

Wolverine: The End

Abangan nyo na lang ang review sa mga susunod na araw. Ituloy AngSulong sa pagbabasa! Ituloy!