Friday, September 22, 2006

wapot avatar blogcon picasa

nakablock ang chikka dito sa aming office. pati na rin ang gmail at yahoo mail. buti na lang at yung Blogger ay buhay pa rin. hehehe. anyway, kung iboblock ang blogger, i can still post by sending e-mail.

i found an alternative to chikka na hindi nakablock sa aming office. At mas mura sya sa chikka, piso lang or kung naka-unlimited ka, libre lang ang reply. May iba't iba silang access numbers. Kung smart number yung pinadalhan mo ng text, sa smart sila magrereply, so, pasok yung unlimited. Kung globe yung pinadalhan mo ng text, globe number naman yung rereplyan nila, kaya unlimited rin. Meron din silang access number sa TM at Sun. At wala pang limit to the number of text messages sent per day! Wala kang iinstall na software sa computer mo. Too good to be true? Eh di subukan nyo. Click here. Dapat, bayaran nila ako sa advertisement. hehehe. Ok lang, nakakalibre naman ako ng text. Kapag dumami ang gumagamit, ewan ko lang kung kayanin ng server nila. Tingnan na lang natin, hehehe.

sa kakablog-hop, nakarating ako sa forum ng the man blog at natawa ako sa forum nilang ito! pabadingan ng yahoo avatars.

ang dami na palang aattend ng blog con sa monday. nahihiya tuloy ako. pakapalan na lang ito ng mukha. hehehe. sa mga aattend, kita kits na lang sa monday. bawal ang isnabero. hehehe.

sa mga photoblogger na gumagamit ng latest version ng picasa. try nyo i-press ang Ctrl+Shift+Y. May lalabas na teady bear.

yun lang!

4 comments:

Anonymous said...

google talk ba block din sa inyo? hehehe


good luck sa blog con.. attend kayo for the sake of "networking". walang nararating ang mahiyain. ako reformed mahiyain..hehehehe

jamie said...

waah... this is too good to be true... grabe! kaya naman pala nakakasend ang lolo niyo ng sms hahaha!

masubukan nga. hihi..


i-hi mo nalang ako sa mga co-bloggers natin. nahihiya ako e *blush*

yen said...

ok nga yung wapot.. nag register na ko hehee.. mas ok sa chikka.. libre eh hehe.

tutubing_karayom said...

O syempre na try ko narin si Wapot, pero parang after sending more dan 5 messages sa isang person puro error na ang inabot ko! huhuhu! kung mamalasin pa mandin asawa ko yun! huhuhu!! kaya balik chikka ako! hay!