Thursday, September 28, 2006

bagyong milenyo at angel locsin

Mobile blogging. Yan ang trip ko ngayon dahil wala akong pasok. Signal number 3 kasi, andyan ang bagyong milenyo. Ang problema, brownout dito. Wala ring magawa. Im posting this using gmail account na inaccess ko via smart gprs. Hehe. Hayan, libre advertisement na naman sila. Mahaba haba rin pala ang pwede kong ipost dito. 1000 characters eh. Nasa kalahati pa lang ako. Maipost kaya ito? Tingnan ko na lang sa computer shop mamaya kapag tumila na ang ulan. Baha kasi dito sa harap ng boarding house namin. Pero kanina lang, lumabas kami ni penoi, andito kasi malapit sa amin, may commercial shoot si Angel Locsin! Ang daming tao lang, kahit bumabagyo, naglabasan kami sa lungga namin, makita lang si Angel. Hehe. Kaso, busy pa sya, hindi kami pinapansin.


Hehe. Ok lang. Sige, mag-almusal muna ako!

Yun lang!

2 comments:

miles said...

so malakas talaga ang bagyo kasi pati office walang pasok...bigla ko tuloy namiss ang pinas..sarap matulog maghapon sa bahay pag umuulan!sana naman safe kayo dyan...

melai said...

wow matry nga yang mobile blogging ng gmail :) nice kaya lang baka sa blogspot lang pwede yan :(