Friday, September 01, 2006

love story in harvard

may pumalit na kay jang geum sa puso ko, hehehe. sino pa, eh di si allison (tama ga ang spelling?). well, medyo nakakatuwang panoorin kasi yung love story in harvard sa gma 7. maganda yung setting, sa harvard law school. mapapanood mo kung paano ang buhay ng isang estudyante doon sa school na yun, kung paano magturo yung kanilang guro, at kung paano yung discussion. at nakakatuwa yung love triangle, yung asaran nina alex at dustin na magkasama pa sa bahay, magkaklase at parehong inlove kay alyson (di ko alam spelling eh!).

nag-update na naman ako ng background music. syempre, eh di yung soundtrack nila. yung hindi ko na kayang masaktan pa nina ogie at regine. isearch nyo na lang ang lyrics dyan sa internet, kalat na kasi yung lyrics kaya hindi ko na ipopost dito. yung mp3, as usual, doon nyo mahahanap sa digital pinoy. just search "harvard" at makikita nyo kaagad yun.

o hayan, picture, wala lang, gusto ko lang ipost.

love story in harvard

2 comments:

yen said...

may dibidi ako nian, napanood ko na siya last yr, mgnda story nia, gs2 mo kwnto ko? haha. biro lang. mas nkakaaliw pag talagang korean ung dvd ang pnanood mo at hndi dubbed ng mga pinoy, kasi maririnig m tlga ung salita nila kht pa d maintndihan! pti na dn ung soundtrack.. naalala ko pa soundtrack nian.. dko lam title nung song pro english (kc nga naman nsa harvard cla) at dun sa dvd nag eenglish cla kc nga nsa tate cla pero mas ok pa bsahin na lng ung sub title kc kht english ang hrap pa dn intindihin kc walang R hehe prang hapon.

pao said...

nakakatawa yung comment ni yen. panalo ka sis. :lol:

gusto ko rin itong latest koreanovela ng gma 7. pero mas kinilig ako sa my girl. hahaha!