Friday, September 08, 2006

mall of asia, flexi-time, qa, eat bulaga

byernes na naman, uuwi na ako bukas sa batangas. saan kaya makapunta mamaya? sa Mall of Asia? baka andun pa si batista. bahala na, kapag tinamad ako ay uuwi na lang ako sa boarding house at manonood na lang ng love story in harvard.

flexi-time na pala kami ngayon dito sa opisina. semi-flexi actually. pwede kaming pumasok between 7:30am to 9:30am, syempre, kailangan, 8 hours per day excluding lunch break. kung dumating ka ng 8:00am, pwede ka nang umuwi ng 5:00pm. dumating ako kanina, 9:15am, kaya till 6:15pm pa ako.

sabi kanina sa akin ni francis habang kachat ko sya... "nagpoprogram ka pa ba dyan? or nagboblog na lang?" hehehe. actually, hindi pa ako nagpoprogram. QA pa ngayon ang trabaho ko ngayon. binubusisi ang application na ginawa ng mga kaibigan naming thais. hanggang monday pa ako magQA. tapos, by next week, programming na malamang ang work ko, kaya di na ako masyado magboblog. siguro, singit na lang sa lunch break.

lastly, kagabi ko napanood ang mga videong ito, nakakatawa, sobra. hindi naman kasi ako nakakapanood ng eat bulaga dahil nga nasa trabaho at makawowowee ang mga tao sa amin sa batangas. ipinalabas daw ito last weekend. o, sige, panoorin nyo na. here are the links... Part1, Part2, Part3.

yun lang!

3 comments:

Yen Prieto said...

wow ok pla jan sa ofc nio ah at flexi time kaso panu kng dumating ka ng 10 am diba o mas late pa? hehe ang tamad eh! ngyn ko lang nalaman na noypi nga c batista e kc d naman ako wrestling fan hehe. happy wkend :)

Anonymous said...

hahahahahaha! ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa doon sa eat bulaga grabe! hahahahaha

Anonymous said...

wow ok yang schedule nyo sa work huh? gusto ko din makarating ng mall of asia :)