natuloy ang blogcon, at syempre, umattend ako. umattend kami ni penoi. medyo kabadtrip lang dahil yung aking circle of friends na nakalistang darating ay hindi dumating. hayun, ang nangyari, medyo OP kami ni penoi, kasi naman, mukhang magkakakilala na silang lahat. hehehe. pero ok lang, ang sarap ng foods, wantusawa ang iced tea, at ang dami kong natutunan, at lalo akong nainspired sa blognetization. anak ng teteng, kung nalaman ko lang sana yang adsense na yan noon pa, eh siguro eh kasing yaman na rin ako ni yuga. hehehe. anyway, huli man daw at magaling, nakakahabol rin. nakita ko naman sa graph na ipinakita ni yuga, i'm following their track. hehehe. andun kasi, after 3 months, nakaabot ng P5000 yung earning nila sa adsense eh. so, tama lang, 3 months pa lang naman ako.
yung tips ni seo guru, ok na ok. yun nga lang, puro sa wordpress yung tips nya. hehe. pero ok lang, medyo napag-aralan ko na naman itong Blogger and I already implemented some of his tips. sa mga blogspot user na umattend, you can check my blogtimizer blog para malaman kung paano gawin yung mga tips na sinabi ni marc. tweaking the title tag, you can read it here. yung tungkol sa description meta tags, gagawan ko pa ng post, pero na-implement ko na rin dito at sa lahat ng blog ko. you can check my meta description and you will find that they are already unique on each page. heavy internal linking, hindi ko alam kung gaano kaheavy yung internal linking ng blogspot. hehehe. pero for putting related posts, there is a hack here. yun nga lang, hindi sya kasing galing nung related post ng wordpress. as i see it, yung title lang ng post ang tinitingnan nya eh, kapag may magkapareho, related post na daw. anyway, better than nothing, di ba? hehehe.
anyway, salamat sa nakaisip nito, salamat sa sponsor at salamat sa lahat ng speakers for giving us inspiration to keep on blogging. salamat sa inyong mga tips.
pictures? hanap na lang kayo dun sa blog ng mga umattend. hehehe. wala akong camera eh.
napansin ko lang... si marc at si yuga, parehong kalbo. parang gusto ko na ring magpakalbo ah. hehehe.
yun lang!
Update: naupdate ko na yung blogtimizer about tweaking the meta tag description. just follow the link ;)
6 comments:
Sayang at hindi ako nakarating, naglist na nga ako eh pero nung nagre-ready na ako biglang tumawag si misis masakit daw tyan at may ipinabibiling gamot. waaaaah! talaga marami sana akong natutunan na mga tips sa SEO. di bale next time na lang kung meron pa. :)
nahirapan ako hanapin yung comment link ha? hehehe... magpakalbo ka na rin, baka andun yung swerte. ;) see you in the next blogcon!
tol, medyo bopol pa ako pagdating sa blogtimization etc. i tried to read through your tips pero mejo kailangan ko pa konting walk-through. pwede paturo sa'yo one of these days? seryoso ako. :)
insan, may wordpress account ka na sa mansion daba. Nang makapagdalubhasa ka na in both blog accounts
@jlois... sayang nga... nagkita sana tayo. anyway, hindi pa naman daw yun ang huli. kita kits na lang sa susunod :D
@yuga... wow! at dumaan ang idol ko. hehe. mukhang andun nga ang swerte, sana nga, kumita rin ako kagaya nyo. ;)
@gibbs cadiz... ok lang magpaturo, basta set the sked, basta libre meryenda. hehehehe.
@insang nao... hanggang ngayon, nalilito pa rin ako sa wordpress na yan. =)
Goood job
Post a Comment