Tuesday, September 05, 2006

crocodile hunter: deal or no deal?

sinilip ko dun sa technorati kung ano ang pinakamainit na pinag-uusapan ngayon sa blogosphere, at kung ano ang hinahanap ng mga tao. eh ano pa nga ba? eh di yung tungkol sa pagkamatay ni steve irwin aka crocodile hunter... namatay daw dahil sa stingray. actually, minsan ko lang naman sya ata napanood, pero ang limit kong makita sa commercial ng discovery channel yata yun, or animal planet?

i tried googling his name, at yun, may official website pala sya, at naku, sobrang bagal. sa dami siguro nang bumibisita para makiramay? or makiusyoso? ako, nakiusyoso lang. ok, nakikiramay na rin ako. thanks for giving us the fun of watching you play with those crocodiles. hay, ang hirap naman kasi ng trabahong pinasok nya. pana-panahon lang yan, hayun, dumating na ang kanyang oras, kaya minalas na sya. hindi naman kasi araw-araw ay linggo, hindi araw-araw ay aamo sa kanya yung mga wild animals na yun.

maiba ako, nagtext ako kahapon sa Deal or No Deal. Wala lang, pilit akong pinapasali ng tatay eh, eh di magtext. Wala namang mawawala kung sakaling makasali nga ako dun. Pinakamababa kong makukuha, piso! At least, siguradong panalo. hehehe. Paano ba sumali sa Deal or No Deal? Ano bang itetext? Naghanap ako sa internet, wala akong makita sa umpisa, hanggang sa naligaw ako sa site na ito. Andyan nakasulat kung paano sumali. Text DEAL to 2331 for Globe, TM and SUN and to 231 for Smart and Talk & Text subscribers. So paano, text na kayo? Kitakits na lang sa finals? hehehe. sana, mapili ako, nang makita ko naman ang sarili ko sa nationwide tv na nakikipagbolahan kay kris aquino.

yun lang!

3 comments:

Love said...

hello :) musta ka? ang ganda ng sites mo yung textmates, blogtimize at itong kukote in a jar galing hehee...
oo nga sobrang mabagal ng website nya.. (ni Steve Irwin) chineck ko din kahapon pero nawalan ako na patience...
ako nga pala si Love, Kaluskoskuskos-mate hehe... napadaan ako sa site mo.. xchange links???

tutubing_karayom said...

Kuya, alam mo ba matagal ko ng balak sabihin sayo na sumali ka dapat sa game kanaba.. alam ko kaya mo un.. ung pinsan ko dati sumali nakarating dun sa pyramid, pero natalo parin sya nung champion.. ngayon mabilis ka ng manalo kc dina mahirap ang final question... pag napili ka sabihin mo sked sakin para mapanood kita.. gudluck!

kukote said...

@love... mabuti naman ako. salamat at napadaan ka dito.. hehehe. sige po, ex links tayo.

@tk... nung wala akong trabaho, halos araw araw, nagtetext ako sa Gameknb, kaso, di naman ako tinatawagan. natatakot ata sa akin.. hehehe. mas maganda dito sa deal or no deal, kapag napili ka sa maglalaro, sigurado nang may piso ka. at di mo na kailangang magreview, wala namang kailangang pag-aralan, common sense na lang kung magnonodeal ka ba or deal na. =) sigurado, ipopost ko sa blog na ito ang sked kung sakaling papalarin ako. ;)